1ST ONE - 123.

6 2 0
                                    

1ST ONE - 123.

"Anong nangyari sa inyo kagabi?" Halata kay Alpha ang pagkainis sa sandaling iyon. Umagang-umaga ay badtrip siya sa mga kaibigan. "Tulog na tulog pa din si J. Nakakaawa 'yung tao, oh. Buti at 'di kayo natuluyan kagabi, Ace, Gift?"

"Sorry." Iyon na lamang ang naisagot ni Ace. "I'm wasted last night."

"Lasing na lasing ka e." Dahil sa likas na palatawa ay tumawa din kalaunan si Alpha mula sa kaninang naiinis na hitsura. "Kasi naman e, 'di kayo nag-iingat."

"Balita ko, nakabalik na pala si Melissa," sabi ni Joker. "Kape kayo diyan. Siguro masesermunan kayo mamaya ni Tita Ging. Sobra siyang nag-alala sa inyo."

"Kinakabahan tuloy ako," sabi ni Gift at natawa kalaunan. "'Di ko na maalala kung anong nangyari kagabi."

"Sinubukan kong tawagan si Melissa," sabi ni Alpha. "But she's not answering."

"Nakabalik na pala siya," sabi ni Ace.

"Miss her?"

"Not really."

"Sus, wala naman si Jia. Sabihin mo na 'yung totoo." Lumabas ang pagiging pilyo ni Alpha. "Hahaha! Anong klaseng reaksyon 'yan, Val John!?"

"Tumigil ka nga, napakapilyo mo talaga." Tumawa na lamang si Ace. "'Di ko maalala sino 'yung mga nabangga namin kagabi."

"'Di mo talaga maalala?"

"Come on, hindi nga." Halata ang inis sa mukha ni Ace. "Nakakainis. 'Yung kalasingan ko kagab, noon na lang ulit 'yon nangyari sa'kin."

"Halata nga."

"Gusto kong malaman kung sinu-sino sila. Nakaka-bother bigla."

"Overthinking mode on na ba?" natatawang tanong ni Joker.

"Grabe naman sa overthinking," sabi ni Gift. "Siguro kung may maalala man ako mula aa nangyari kagabi, baka malaman natin kung sinu-sino sila."

"Subukan mong alalahanin." Nilingon siya ni Alpha. "Tumawag kagabi si Melissa. 'Di ko nasagot. Buti na lang talaga at napuntahan kayo ni J. Nga pala, anong nangyari sa kaniya kagabi? Ano ba 'yung agenda niya?"

Tumawa ng malakas si Ace at nahawa si Gift. Naguguluhan silang tiningnan nina Alpha at Joker.

'Gago, anong nakakatawa? Nakaka-overthink!'

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni Joker. "Sige, tumawa lang kayo diyan."

"May love interest na kasi siya," sabi ni Ace at sumeryoso. "Actually, ang naiintindihan ko is parang hinayaan niyang gamitin siya no'ng babae para ipakita sa boyfriend nito na hindi siya dapat niloloko. Para akong nanood ng isang drama kagabi. Ang wild din palang humalik ni J. 'Di ko maipaliwanag pero para akong naging number one fan niya dahil sa nangyari kagabi! Hahaha!"

"Hala." Iyon na lamang ang nasabi ni Joker mula sa pagtawa. "Sinong babae?"

"Sa pagkakaalam ko, Renlie pangalan niya," sabi ni Gift. "Naalala niyo no'ng nireto ni Yhena si Renlie kay J? E 'yung sa school nila? 'Yung kasama ni Yhena sa booth?"

"Si Mrs. San Agustin," sabi ni Alpha. "Naalala ko na. Parang tadhana na din ang naglapit sa kanila, 'no?"

"Magrereto na nga lang si Yhena aba mukhang magkakatuluyan pa," sabi ni Ace. "Anong nangyari sa kaniya? How's she no'ng pinuntahan mo kagabi?"

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now