1ST ONE - 124.

9 2 0
                                    

1ST ONE - 124.

Umuulan pa din sa sandaling iyon. Kasalukuyan na nasa waiting shed si J at may hinihintay. Sa isang building kung nasaan ang waiting shed ay doon manggagaling ang kaniyang hinihintay.

Bumuntong-hininga ang binata. Sa isip niya'y nararapat nga ba na ipagpatuloy ang kaniyang desisyon? Sa kanilang magkakaibigan, siya ang hindi gaanong napagtutuunan ng pansin. Hindi iyon ang ikinasasama ng kaniyang loob sa sandaling iyon ngunit kung anong magiging epekto ng kaniyang desisyon sa kanila, iyon ang kaniyang ikinababahala. Ang dahilan kaya siya nakakaramdam ng pag-aalinlangan sa sandaling iyon. Naglalaban ang kaniyang utak at puso.

'Uy bro, sabihin mo sa'kin if may nagugustuhan ka na, ha? Support kita!'

Naalala niya ang sinabing iyon ni Joker. Tumawa ang binata na parang ewan habang inaalala ang pangyayaring iyon. Naalala niyang ang kaibigan niya pa ang mas kinikilig kaysa sa kaniya dahil sa kaisipan na baka may babae na siyang nagugustuhan at hindi niya lamang sinasabi.

'Ano ba kasi ang feeling na ma-in love?'

Naalala naman niya ang tanong na iyon ni Jayson. Oo nga naman, ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong in love? Paano ba siya i-handle? Ano ba ang dapat gawin? Magtatagal nga ba ang nararamdaman na iyon? Baka nagkamali lang ng nararamdaman? Baka hindi talaga in love? What if sudden of attraction? Sa ganoong kaisipan ni Jayson ay hindi maiwasan ni J na gano'n din ang isipin sa sandaling iyon.

'Sure ka na hindi ka pa nagkakagusto? Kahit isang beses? Kahit crush, wala?'

'Actually, meron. May crush akong artista gano'n. Pero paghanga lang naman. Like role model. Hanggang doon lang talaga 'yon.'

'So hanggang admiration lang talaga ang nararamdaman mo. E sa ibang babae? May mas higit ka pa bang nararamdaman?'

'Wala. Hindi ko maramdaman 'yung paghanga, e paano pa 'yung mas higit doon? Ano bang mas hihigit sa admiration?"

'Sa pagkakaalam ko, pagiging in love.'

Sumagi naman sa kaniyang ala-ala ang pag-uuusap nila noon ni Alpha. Naalala niya na hindi dapat matakot sa nararamdaman na pagiging in love. Ika nga ng kaibigan ay dapat maging natural lamang ito at hayaan na maramdaman. Dagdag pa nga niya'y hindi ito sapilitan, 'wag din iwasan. Nakadipende na lamang ito sa taong nakakaramdam ng paghanga kung paano at kailan masasabing in love na siya.

'Pwede naman kasing paghanga lang naman talaga ang lahat. Bakit may in love? Pero ang sabi nga, being in love is one of the best feeling na mararanasan ng isang tao.'

Tama nga naman. Sa sandaling sumagi sa kaniyang isip ang sinabing iyon ni Max at tumango siya sa kawalan, na para bang walang makakakakita sa kaniya. Tama nga naman, bakit may mga taong in love? Natural din naman ang humanga sa isang tao, e bakit may tinatawag na in love? Ano ba ang katawagang ito? Dagdag ni Max, being in love is unexpected and unexplainable. Sadyang dapat alam ng isang tao kung paano ito unawain at pahalagahan. Dapat alam din kung paano ito mag-wo-work out sa pagkakataong susubukan na itong gawin.

'Alam mo, just let it happen. Mostly, we experience this feeling in our teenage years. Nag-uumpisa daw siya as puppy love and then napupunta sa pagiging in love. Based on my experience, kapag nakaramdam ka ng tinatawag din na love at first sight, sure ka na ba diyan? Ano nga ba ang mga senyales na talagang in love ka na e unang beses mo pa lang naman siyang nakita? In reality, make sure to clear it out or, make a move already. Have a conversation with the woman that you like, the woman the you love. Have memories with her. Walang mawawala if susubukan mo. Whatever happens, at least you tried kung nando'n ka na sa point na feeling mo, hindi kayo compatible sa isa't isa.'

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon