1ST ONE - 126.

7 2 0
                                    

1ST ONE - 126.

"Fake marriage?" tanong ni Jia kay Alpha sa tawag. Kasalukuyan na hatinggabi at nasa kusina ang dalaga. Abala siya sa pagluluto ng ramen dahil sa siya'y nagugutom. "Sa mismong araw ng kasal nina Richard at Venus? What if magkagulo?"

"'Yon ang nakikitang paraan ni Ash. Agree din ako sa kaniya," aabi ni Alpha. "Mag-uumaga na pala diyan sa inyo. Kumusta ka naman?"

"Maayos naman. Hours from now e nandito na sina Marina at Melissa. Currently cooking since nagugutom ako."

"Wanna help to solve this problem? Any idea?"

"Actually, meron. Late nga lang silang makakarating diyan." Umupo sa upuang nasa gilid ng kitchen counter si Jia at tumikhim. "Sila ang gagawa ng planong pinag-isipan ko sa loob ng dalawang linggo. Sila na ang bahala."

"Anong sila? What do you mean? Sinong sila ba?"

"Sina Kuya John at Kuya Francis. Pupunta sila diyan to offer something. Don't tell this to anyone muna, okay?"

"Okay, sige. May sasabihin pala ako sa'yo."

"About?"

"Wala na kaming dorm ngayon."

"For a year and three months? I'm aware."

"Ah, gano'n ba? Wala, nasabi ko lang naman."

"May alam ako kung saan pwede. Nakausap ko si President and siya na ang bahala."

"Talaga? Saan?"

"Somewhere in Manila. Not totally sure pa."

"Ah, that's nice."

"After this collaboration, back to normal na ulit ang buhay ko. Ipapasa ko kay Danna ang business na 'to and balak kong bumalik physically in school at tapusin ang school year. Kaunting panahon na lang din naman, graduation na."

"Congratulations in advanced, Jia."

"Salamat. Anong pinagkakaabalahan mo right now?"

"Nothing. Nakaka-miss na ang kasiglahan ng squad. Kung hindi busy, ang tamlay naman ng vibe. Nakakalungkot din pala."

"Naiintindihan ko ang ganiyang sitwasyon." Bumuntong-hininga ang dalaga at inilagay ang nalutong ramen sa maliit na lagayang hugis bilog. Nang maihanda ang mga kailangan bago kumain ay muli siyang nagsalita. "Kung ano mang mangyayari sa fake marriage na gustong ituloy ni Jayson, sana maging maayos 'yon."

"Sisiguradhin namin 'yon, Jia."

"Si Ace nga pala?"

"Nando'n sa bahay ni Mister Choi kasama ni Jayson. Silang dalawa lang nando'n. Kanina, umalis sina Gift at Jodie. Do'n muna sila sa Laguna for one week tapos babalik din."

"Maayos na ba ang renovation ng bahay nila?"

"Sa pagkakaalam ko, maayos naman na."

"Mabuti kung gano'n. Sige, bye na. Siguro, I'll see you in my graduation?"

"Hindi ako mangangako. Sige, bye."

Sinimulan ni Jia ang pagkain ng ramen. Habang kumakain ay may sumagi sa kaniyang isipan.

'Ano ba ang mga nangyari six years ago? May mga hindi maliwanag sa'kin. Naging tipid si Val John sa mga kwento niya habang nando'n kami sa bahay ng pamilya niya.'

Muli siyang napaisip.

'Kahit tanungin ko si Jonas, wala siyang sasabihin. Kung meron, tipid din. Pareho silang mag-bestfriend e. Parehong tipid. Gusto ko na lang respetuhin ang nararamdaman nila. Pero hindi ko maiwasan na hindi ma-curious. Magpapa-background check nga ako about sa Richard na 'yon. Gusto kong malaman kung anong mga nangyari six years ago.'

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now