Chapter 1

833 10 0
                                    

Ilang ulit pang sumulyap ako sa salamin saka napangiti nang napaka-tamis!Katatapos ko palang maligo at sobrang excited na akong salubongin si Jared!

"I love you my baby!"

Sambit ko pa saka pinulot sa gilid ang isang bote nang pabango!

Halos ipaligo kuna ito sa buong katawan ko dahil sa nais kung maging presentado sa harapan niya!

Wala na nga seguro akong mahihiling pa kundi ang ako lang ang mahalin ni Jared sa buong buhay niya!

"Cal!"

Lalo pa akong napangiti ng marinig na ang boses niya!Ang sarap talaga sa tenga pag alam kung naka-uwi na siya!

"Baby!"

Sigaw ko pang patakbong sinalubong ito sa pintuan!

Agad ko itong niyakap at binigyan nang halik sa magkabilang pesnge!

"Hahays hanggang ngayon gigil ka parin sakin!"ani niyang hinalikan ako sa noo

Kinilig naman akong tinitigan siya sa mata!Ang ganda talaga kasi nang mga mata niya!

Ang pupungay tapos yung kilay niyang makapal na parang sinadyang ayusan mas lalo lang bumagay!

"Di ka parin ba makapaniwala na sa kabila nang pagiging panget mo eh nagkaroon ka nang magiging asawang guwapo?Hahaha!"

Sinamaan ko ito nang tingin habang tawang-tawa naman itong naglakad papasok nang kwarto!

Sakto lang ang bahay namin na kasya ang dalawang tao!Yung kalahati sementado pero sa taas eh amakan lang!

May isang kuwarto at maliit na kusina saka sala!Isang palapag lang din ito!

Pero kahit ganun ay sobrang pinapahalagahan ko ang bahay na ito!Bakit?

Kasi sa liit nang sweldo ni Jared ay nagawa niya parin akong igawa nang sariling bahay nang hindi na kami nakikitira sa mama niya!

Alam niya kasi kung anong hirap ang dinanas ko sa mama, pamangkin, at kapatid niya!Mga akala mo perpekto!

"Bi kakain na!"

Sigaw ko kahit sa liit nang bahay ay maririg naman talaga niya kahit mahina lang ang boses ko!

"Teka magbibihis pa ako!"

"Okey!"

Nauna na akong na upo sa harap nang mesa!Nagluto lamang ako nang turtang talong at saka bumili ako nang dalawang pritong manok pagka-uwi ko galing school!

"Oy!Akin manok sayo talong ha?"

Pang-aasar na bungad sakin ni Jared na agad na-upo sa kaharap ko!

"Sege pero dito ka matutulog ha?"

"Naman sege nalang tigisa tayo!Mabait naman ako!"

"Tigisa naman talaga tayo ehh sarap mong sapukin!"

Pagsusungit ko dito!Ngumuso naman itong tinaas-taasan pa ako nang kilay!

Tsch alam niya kasing na kyu-kyutan ako kapag ginagawa niya yan sakin!

"Wag naman baka hindi mo na ako mahalin!"

Inirapan ko lang ito saka ipinagsandok siya nang kanin!Masarap din kasi sa feeling ko kapag nagagawa kung e baby siya!

"Ano akala mo sakin guwapo lang ang ginusto?"

"Malay ko ba baka pag pumanget na ako ehh iwan mo na ako?"

Kibit balikat itong nagsimula nang kumain!Napangiti naman akong tumingin sa ibang dereksyon!

WRONG TIME OF LOVEWhere stories live. Discover now