PROLOGUE

17 2 0
                                    

                      𝙋 𝙍 𝙊 𝙇 𝙊 𝙂 𝙐 𝙀
 
"What the h*ll is wrong with you, Zeph, huh?! Hindi na kita maintindihan!" Singhal sakin ni daddy habang ako naman ay prenteng naka upo sa couch.
 
At pinapalabas sa kabilang tenga ang mga sinasabi niya.
 
"Ano nanaman ba kasi ang ginawa ko dad?" Walang ka buhay-buhay kong tanong sakaniya. "Ano nanaman ang ginawa mo? Seryoso Zephyr, tatanungin mo sakin kung ano nanaman yung ginawa mo?" Singhal niya.
 
"Your principal called me earlier, and you know what she said? Ang sabi niya ilipat na kita ng ibang paaralan bago ka pa makapatay ng isa sa mga kaklase mo!"
 
Agad naman akong napairap dahil sa sinabi niya, "sirang-sira na ang apilyedo nating Montgomery dahil sayo!" Puna pa niya.
 
Sabay habol ng hininga niya, sakin habang naka pamewang. Habang ako naman ay panay irap lang sa kawalan. 
 
"'Yun lang naman kasi ang inaalala niyo diba? 'Yung apilyedong dinadala ko, don't worry, dad, kapag naman may nagtanong sakin kung kaano-ano kita sasabihin ko namang kamag anak mo lang!" Balik ko dito.
 
Alam kong mas inaalala lang niya ang madungisan ko ang apilyedo namin, lalo't mapapatakbo ito bilang governor sa susunod na election, and after all, he doesn't care about me.
 
"Watch your mout, Zephyr!" Agad akong napatingin sa likuran ni daddy ng marinig ko ang boses ni kuya Rome na papalaapit sa gawi namin at parang kararating lang din niya.
 
"It's good you to be back, Rome! Dahil hindi ko na maintindihan ang ugali niyang kapatid mo!" Sambit ni daddy sakaniya, humarap naman si kuya Rome kay daddy, "Relax dad, kilala mo naman si Zeph alam naman nating kulang lang siya sa attention mo bilang ama."
 
"And who told you that I need his attention, kuya?" Sabat ko, binalingan naman ako nito, at saka sinamaan ng tingin.
 
"Just sit and shut up, Zeph!" Saway nito at napairap pa, ampt. "Rome is right, dad!" Agad kaming napalingon sa likuran ni daddy ng marinig namin ang boses ni kuya Cassius, na ngayon ay papalapit din samin at nasa likuran nito si kuya Clyde na nakapamulsang naka sunod.
 
"The reason why she does those bad things is because she wants your attention!" Dag-dag na nito ng tuluyan na silang makarating sa gawi namin, at gaya ni kuya Rome ay hinarap niya din si daddy at ganon rin si kuya Clyde bale tatlo sila ngayon ay naka pagitna samin ni daddy.
 
"Dad, why don't you try to understand our little princess for his bad things?" sambit ni kuya Clyde at agad naman siyang binatukan ni kuya Rome, habang ako naman ay naka puot lang sa likuran nila.
 
"Talagang sinusuportahan mo pa ah!" Ani nito sakaniya, inirapan naman siya ni kuya Clyde.
 
Rinig ko rin ang pagbuntong hininga ni daddy.
 
"Pwede ba huwag niyo nang pagtakpan sakin ang kapatid n'yong 'yan, she does a lot of bad things na nakakasira na sa image ko!"
 
"Oh, come on, dad!" Asik ni kuya Cassius
 
"Don't worry, dad, hindi na 'to mauulit pa, and we'll make sure that to you. Mas hihigpitan na namin ang pagbabantay ssakaniya," saad ni kuya Rome kay daddy.
 
Hindi narin ako umangal pa, dahil alam kong ito ang makakabuti para hindi na ako masermonan pa nitong magaling naming ama.
 
"Fine.. pero siguraduhin niyo lang dahil pag may ginawa nanamang hindi matino yan lahat kayo malilintikan!" Banta nito at saka kami tinalikuran.
 
Agad ding umupo sa tabi ko si kuya Cassius at sa kabila naman ay si kuya Clyde at nanatiling nakatayo si kuya Rome sa harapan ko habang ako ay naka cross arms at naka sandal sa couch.
 
"Little sis, bakit mo naman binugbog ng husto yong kaklase mong lalaki?" Mahinahong tanong nito sakin, na para bang bata ako kung kausapin, kung sa bagay ako lang naman kasi ang ang iisa nilang babae.
 
Apat kaming magkapatid at ako lang ang babae dahil lahat sila ay lalaki. Si kuya Rome ang panganay at saming apat siya ang pinaka matured na minsan ay kinakakatakan din naming tatlo dahil sa titig palang niya ay pihadong nakakatakot na.
 
Si kuya Cassius, ang pangalawa, at sakanilang tatlo ay si kuya Cas ang medyo may pagka isip bata at babaero, and also he's a famous star in our family, at si kuya Rome naman ay businessman.
 
At ang pangatlo naman ay si kuya Clyde, at kung titingnan mas matured pa si kuya Clyde kesa kay kuya Cas. Koleheyo palang si kuya, Cly, at nasa 4th year college ito, and he's a campus heartthrob on their campus.
 
Proud sakanilang tatlo si daddy, but to me? Ang tingin lang niya sakin ay useless na walang pangarap at tila walang mararating sa buhay dahil sa puro lang ako kalokohan, lakwatsa, at basag gulo.
 
Mas dinaig ko pa raw ang tatlo kong kapatid na lalaki dahil sa katapangan ko makipag suntukan sa mga kaklase kung lagi nalang akong iniinis.
 
Pero sa tuwing nasesermonan ako ni daddy ay on the way rescue naman agad silang tatlo at lagi akong pinagtatakpan sakaniya kahit na alam nilang kasalan ko.
 
"Ayan ka nanaman, Cassius, kaya hindi nakikinig satin yan dahil lagi mo nalang kinokonsinte," sambit ni kuya Rome.
 
"Hindi ko siya kinokonsinte, okay? I know that she..."
 
"Shut up, Cassius, little sis, magsalita ka naman oh! Tatahimik ka nalang ba?" Putol naman sakaniya ni kuya Clyde.
 
Habang ako ay wala paring imik. "Ba't hindi ka ngayon magsalita Zephyr!" Sambit ni kuya Rome.
 
"Are guys done?" Walang ka buhay-buhay kong tanong sakanila. "Kita mo 'yang ugali mo? Walang mag tatagal sayo kung ganiyan ka ng ganiyan, Zeph!" Asik nito.
 
"Sorry na okay, at isa pa kasalanan naman ng lalaking 'yun kung bakit siya na bug-bog!" Rason ko naman sabay irap. "Oh see, kasalanan naman pala ng lalaking yon kuya eh!" Sang ayon sakin ni kuya Cassius.
 
"Pero hindi naman yata tama na bog-bugin mo siya ng ganon!" Giit nito, "oo nga naman little sis," sang ayon naman sakaniya ni kuya Clyde.
 
"Anong magagawa ko eh inis na inis na ako sa pangit niyang pag mumukha na halos araw-araw nalang yata akong iniinis!" Rason ko naman.
 
"Kahit naman ako kuya gagawin rin yon dahil kapagod ng mag timpi!" Pag sang ayon sakin ulit ni kuya Cassius.
 
"Kahit na nga, sana sinabi mo nalang samin para kami na ang bahala hindi yong bobog-bugin mo, 'yan tuloy maglilipat ka nanaman ng skwelahan!" Sermon pa nito.
 
"Kuya Rome is right, little sis," sang ayon ni kuya Clyde kay kuya Rome.
 
"Ano ba kayong dalawa, panay lang kayo sang ayon ng sang ayon," saway sakanila ni kuya Rome, agad naman silang nagkamot ng mga ulo nila.
 
"Siya nga pala ihahatid ka namin bukas sa bagong university na papasukan mo, at medyo may kalayuan 'yun dito sa subdivision natin kaya naman magpapalitan kaming tatlo sa pag sundo sayo." Ani ni kuya Rome.
 
"Sana naman tumino kana rin. Bunso, satingin mo ba pag nakikita ni mommy 'yang ginagawa mo sa buhay mo ngayon matutuwa siya," puna nito.
 
"Don't mention mom here, kuya; wala na siyang kinalaman dito," wika ko.
 
"Fine.. sige na magpahinga kana at maaga kapa bukas" anya, agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.
 
"Good night, bunso," sambit ni kuya Cassius; "sweetet dreams, our little princess," pahabol naman ni kuya Clyde.
 
"Pwede ba kuya, tigilan niyo na ang pag tawag sakin ng little sis, hindi na ako bata," maktol ko at saka nag martsa papunta sa kwarto ko.
 
***
 
Frostwood University basa ng isip ko sa pangalan ng bagong university na papasukan ko at nasa labas palang kami ng gate nina kuya Rome.
 
"Kuya dito niyo nalang ako ihatid," ani ko sakanila. "No.. ihahatid ka namin sa kwarto mo," pagmamatigas naman ni kuya Rome.
 
"Kuya matanda na si..." hindi natapos yung sasabihin ni kuya Cassius ng masakit siyang tiningnan sa mata ni kuya Rome. "Fine!" Pagsuko nito.
 
"It's your first day in another school; bunso kaya naman ihahatid kana namin," sambit naman ni kuya Clyde.
 
"Hindi na nga ako bata diba?! At saka diba may mga sarili pa kayong lakad, at ikaw kuya Clyde malalate kana oh, at ikaw naman kuya Cas may film kapa, at saka ikaw kuya Rome diba may meeting pa kayo ng investors mo?"
 
Sabay-sabay naman silang nagpakawala ng buntong hininga.
 
"Ghad, ang gwapo naman nila!"
 
"Teka yong isa parang pamilyar?"
 
"Para siyang artista sa pilikula!"
 
"Pero teka siya ba yung bagong transferee?"
 
"Ewan, siguro. "
 
"Ang ganda niya naman, kaano-ano niya kaya yong kasama niyang mga poging lalaki?!"
 
Rinig naming usapan sa mga babaeng estudyante na pumasok ng gate habang nakatingin sa gawi namin.
 
"Oh see? Pinag chichismisan kayo, so please lang mga kuya dito niyo nalang ako ihatid!" Pakiusap ko sakanila, nag puppy eyes pa ako at lahat ng pag pa cute ay ginawa ko na.
 
"Sige nga, but make sure na hindi ka gagawa ng kahit anong kalokohan o kahit anong ikakatawagwag nanaman ng principal kay daddy o samin ah," sambit ni kuya Rome.
 
"Promise kuya!" Saad ko na abot tenga ang ngiti, "sige na pasok na!" Utos nito na agad ko namang sinunod, pero bago tuluyang pumasok ay nilingon ko muna sila ay saka kinawayan habang pinapanood akong naglalakad. 
 
At ito na ako ngayon naglalakad na sa hallway ng university, at namangha naman ako dahil sa sobrang laki nito mas malaki pa ito kesa university na pinanggalingan ko.
 
At sa tingin ko mukhang mahihirapan ako sa paghanap ng classroom ko, sa laki ba naman nito.
 
Bumuntong hininga nalang at pinag patuloy ang paglalakad. Nakailang palapag narin ako kakahanap ng kwarto, pero hindi ko parin mahanap.
 
At dahil sa nakaramdam na ako ng pagod kakalakad ay naisipan ko nalang na mag tanong sa kapwa ko estudyante, teka bakit ba ngayon ko lang naisip 'yun tsk.
 
Sakto ding may kasalubongan akong lalaki na naka mask at parang hindi estudyante dahil naka blonde ang buhok pero naka uniform.
 
"Hey! Can I ask?" Cold kong pigil dito, huminto naman ito saka ako pinansin.
 
"You're already asking, woman!" Balik nito sakin na kinataas ng isang sulok ng kilay ko, ang cool din nito ah. "Where is the section in Apollo's room?" I ask.
 
"Third building in 4th floor sa dulo, nandon ang kwarto ng section Apollo." Walang ka buhay-buhay nitong sagot sakin at saka ako nilagpasan.
 
Paglagpas niya ay napairap nalang ako sa kawalan, ang suplado. At pagkatapos ay pumunta sa ikatlong building na sinabi niya.
 
And it's also 8:20 in the morning. Alam kong late na rin ako sa class.
 
Pagkadating ko sa 4th floor ng building ay agad akong tumungo sa dulo ng kwarto na sinabi niya.
 
Pagdating ko sa dulong kwarto dito sa 4th floor ay ganon nalang ang taka ko nang wala namang tao dito at puro mga sirang upuan at lamesa lang nandito at mag nagkakalat na papel sa sahig. The heck.
 
Anak ng tilapya, na loko yata ako ng lalaking yon, ah! Naku pag nakita ko talaga ang lalaking yon ay talagang makakatikim 'yun!
 
Naiyukom ko nalanga ng dalawa kong kamao dahil sa inis ko sa lalaking yon, at surrender narin yung dalawa kung paa sa pagod dahil kanina pa ako akyat baba sa building ng university na to.
 
Ba't kasi malalaki ang building dito!
 
"Hey, what are you doing here?" Agad akong huminahon dahil sa narinig kong boses sa likuran ko, agad ko naman itong nilingon, at isa itong babae na may dalang sirang silya.
 
"Kilala mo ba yong lalaki dito na naka blonde ang buhok?" Diritsang tanong ko, agad namang kumunot ang noo niya.
 
"Si Xavian Knight ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya pabalik, "basta blonde ang buhok!" Ani ko, humanda talaga sakin ang lalaking yon.
 
"Si Xavian knight nga iyon, dahil siya lang naman ang estudyanteng naka blonde ang buhok dito," pagtanto niya.
 
"Which section is he?" Tanong ko, "teka ikaw ba yong bagong transferee?" Pag iiba niya, dahan-dahan naman akong tumango.
 
"Ako nga pala si Nova," pakilala niya, "answer my question, please, which classroom that fuck*ng Xavian is in?" Inis kung wika sakaniya.
 
"Section Apollo siya," Sagot niya na mas kina init naman ng ulo ko.
 
 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THAT BADBOYWhere stories live. Discover now