◆EPILOGUE◆

556 17 0
                                    

◆EPILOGUE◆
Wedding

|Jhainnah POV|

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong araw na ito, sobrang saya ko at napakaimportante ng araw na ito. Isa sa mga espesyal na araw para sa amin. Excited na akong makita muli ang mag-ama ko. Hindi ko lubos maisip na mangyayari pa itong muli sa buhay namin, hindi ko inisip na mabubuo pa ulit ang pamilyang pinanggagalingan ng lakas ko.

Napag-alaman ko na sa panahong pala 'yon, napili si Yruss ng TzuWang Mafia Organization kaya sa pagsabog ay wala na sila roon sa abandonadong building, isinama na siya. Kaya hindi ko siya nakilala dahil sa pagbabago ng kaniyang katawan. Sa murang edad ay natutunan niya ang mga bagay na hindi pa dapat puwedeng gawin ng mga batang kapareho niya ng edad. At last, magkasama na naman at buo kami ulit.

"Are you ready Ylshiah?" Ngumiti na lang ako bilang sagot. My parents are here to assist me to the altar. Walang kinalalagyan ang saya ko ng maging okay na ang lahat, tanggap ng pamilya ko ang taong mahal ko, masaya rin ako na tanggap ako ng pamilya ni Aldrene. Hindi na nila pinilit si Aldrene na palitan ang kaniyang pangalan kung sino talaga siya.

"You've grown so much, you're not our little Ylshiah before. Now you're having your own family too," mangiyak-ngiyak na saad ni mama.

"Don't worry ma, I'll always visit to Italy," sagot ko sa kaniya at yinakap siya mg sobrang higpit na yinakap din kami ni papa.

Sinenyasan na kaming magbubukas ng pintuan ng simbahan,  kaya napaayos kami at sa hindi inaasahang dahilan kinakabahan ako sobra, dati ang kasal namin ay kami lang tatlo, ngayon hindi na mabilang kung iilan dahil sa engrandeng kasalan at pag-iisa na rin ng Golden Eagle Organization at ng Flaming Raven Organization.

Tuluyang bumukas na ang malaking pintuan, nalula ako sa magandang design at pag-organize, ang daming mga tao. Hindi ko magawang tingnan kung sinu-sino ang nga ito, tanging nakasentro lang ang paningin ko sa lalaking nasa harap ng altar, my handsome groom.

Nagngitian kami ni Phielly ng makita ko siya, siya ang nasa likod ko kasi siya ang maid of honor ko, at ang groom man naman ni Aldrene ay si Kuya Adrian. Kulay ginto ang wedding theme namin, mula sa napakalaki and elegante kong golden gown na kumikinang-kinang pa dahil sa mga diyamanteng nakaukit.

Humawak ako sa magkabilaan braso ng mga magulang ko at nagsimula kaming maglakad. Ang haba ng golden carpet na aking lalakarin. Nanunubig ang bawat sulok ng aking mga mata nang masulyapan ko ang aking anak na masayang nakatingin sa akin, sobrang cute niya sa suot niyang tuxedo habang bitbit ang aming singsing, our little ring bearer.

Di ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang maalala lahat ang pinagdaanan namin, kay bilis ang paglipas ng panahon, totoo nga ang kasabihan na, “Everything happen has a purpose” lahat ng nangyari at pinagdaanan ay may rason, may gamit at may patutunguhan.

Dahan-dahan kami sa paglalakad patungo sa taong mahal ko, hindi ko na lang pinansin ang mga libo-libong mga mata na nakatingin sa akin, hinayaan ko na lang at nakapukos lamang sa harapan, this is our day kaya dapat happy.

"Please take good care to our daughter," sambit ng mama ko kay Aldrene habang ibinibigay sa kaniya ang kamay ko.

"Don't you dare hurt her or else you'll talk to my gun," napasinghap na lang ako sa kaemehan ni papa.

Awakening Her Demon Inside ✔ |VS 01| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon