1ST ONE - 128.

3 2 0
                                    

1ST ONE - 128.

Habang tumatagal ay lalong lumalayo ang kanilang nararating. Hindi inalis ni Nate ang pagyakap ng braso sa leeg ni Venus at mas lalo iyong humihigpit.

"Bitiwan mo siya, nagmamakaawa ako sa'yo," sabi ni Jayson. "Ano ba talagang gusto mo at ginagawa mo 'to?"

"'Yung walang maikasal sa mga anak ng mga Samonte." Itinulak ni Nate si Venus. Akma na siyang lalapitan ni Jayson nang tutukan siya ni Nate ng baril. "H'wag kang lalapit sa kaniya. Papatayin ko siya."

"Baka ikaw ang mauna?" Hinayaan ni Jayson ang sariling nakatayo at tiningnan si Nate na nanggagalaiti sa galit. "Hindi tama 'tong ginagawa mo. Hindi tama na may sinisira kang pamilya ng may pamilya."

"Wala kang pakialam!" Ipinutok ni Nate ang hawak na baril at sumigaw si Venus dahil sa gulat. "Oh I see, she's afraid. How about you, Jayson? Natatakot ka ba?"

"Hindi na ako natatakot mula no'ng masaksihan ko ang gulo ng pamilya ko. Ano pa ba ang kakatakutan ko bukod sa mawala ang mga taong mahalaga sa'kin at mamatay? Wala na."

"Kung ngayon ka mamamatay, handa ka ba?"

"Gusto ko ikaw mauna."

Sa inis ay sinapak ni Nate si Jayson. Nagulat doon ang binata at bumagsak sa kalsada.

"Jayson!" sigaw ni Venus. "Nate, tama na! Stop this!"

"Ano? Lumaban ka!" sigaw ni Nate at hinila si Jayson sabay hawak sa suit nito na narumihan na. "Tama nga, mahina ka nga talaga."

Mabilis na tumayo si Jayson at kaagad na sinapak si Nate at mas malakas ang ginawa niya kaysa sa ginawa nito sa kaniya. Hindi pa nakuntento ang binata. Inapakan niya ang kaliwang binti nito at dininan ang pagtapak. Dahil sa nakasuot ito ng sapatos ay talagang masakit iyon.

"Ah, gago ka!" Nakabawi ng lakas si Nate at muling sinapak si Jayson.

"Baka ikaw 'yon. Hindi ako sanay magmura pero masasanay akong hindi magpatalo lalo na sa gaya mo." Muling gumanti si Jayson.

Nagpalitan sina Nate at Jayson ng sapak, sipa, suntok at pagbakgsak sa lupa. Sa huli'y nagtutukan na sila ng baril. Nagpaikut-ikot sila habang hindi ibinababa ang hawak na baril.

"Handa ka na bang mamatay?"

"Mas masaya kung mauuna ka."

"Napipikon na ako sa'yo!"

"Sige lang, mapikon ka. Kung ano ang mga pinaggagagawa mo, babalik 'yan sa'yo."

Muling ipinutok ni Nate ang kaniyang baril at bumagsak si Jayson dahil tinamaan siya sa tagiliran. Napapikit ang binata at sumigaw dahil sa sakit.

"Ayun sila!" sigaw ni J. "Jayson!"

"Gago!" Hindi na napigilan ni Alpha ang sunud-sunod na pagmumura. "Bitiwan mo ako, papatayin ko siya!"

"Kunin niyo si Venus nang hindi malilingunan ni Nate," sabi ni Ace sa mga kaibigan. "Bilis!"

"Ano? Kaya mo pa ba?" tanong ni Nate at inapakan ang kaliwang binti ni Jayson. "Sumagot ka!"

"Kung mamamatay ako ngayon, at least masaya ako kasi may pamilya pa din ako. E ikaw? Ulila ka ba para manira ng pamilya ng iba-----Ah!"

"Venus, shh," sabi ni J at kaagad na hinila si Venus palayo. "Shh!"

"Si Jayson!" sigaw ni Venus. "Tulungan mo siya, please!"

"Kami nang bahala," sabi ni Sam. "Umalis na kayo. Go away, now!"

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang