24

42 42 0
                                    


"magsigising na kayo riyan!" tinig ni Acxius na nakabulabog sa akin. "aba tanghali na parang wala kayong balak magsipasok ah" bulyaw pa niya saka ginalaw galaw ang mga natutulog.

"arghhhhh!"

"bumangon na ho kayo riyan mga señorito at señorita, may pasok pa ho kayo" pang-aasar na wika ni Axerylle saka hinampas ang takip ng kaldero na nagpa-ingay sa silid. "gising na!" sigaw pa niya.

Napakunot ang aking noo. Nakakainis naman!

"napaka-ingay naman ninyo!" reklamo ni Jasmin saka pilit na bumangon. "ang sakit sakit pa sa tainga ng ginawa mo Axerylle, panira ka talaga ng araw hay nako!" inis na wika niya.

Bumangon ako at dali-daling tiningnan ang kama ni Takeshi ngunit wala akong nakita, ni hindi man lang nagalaw o nagulo ang kama nito.

Lukot ang mukha ko bago pumasok sa banyo.

Hindi siya umuwi. Magdamag siyang wala.

Napabuntong hininga ako.

Nag-aalala na ako para sa kanya.

"oh ayan, mag-almusal na kayo dahil may klase pa kayo ngayon" ani ni Kim saka inilapag ang mga niluto nilang pagkain.

Tamad akong sumandok at naglagay sa aking plato saka nangalumbabang tiningnan ang pagkain.

Wala akong gana kumain lalo na at wala pa rin si Takeshi ngunit sila ay sarap na sarap sa pagkain.

Bakit tila hindi man lang sila nagtataka kung bakit wala pa si Takeshi, kung bakit hindi pa ito bumabalik at umuuwi.

Parang normal lang lahat ng ikinikilos nila habang ako ay nag-aalala na para sa kanya.

Hindi kaya over-acting lang ako?

"hoy Hyacith, ang aga-aga ansama kaagad ng timpla mo" pang-aasar ni Axerylle.

"huwag mo na kasing inisin, nag-aalala na nga yong tao eh!" wika ni Vyx.

Rinig ko pa ang mahinang magtatalo nila ngunit wala akong naintindihan.

Hindi ko na sila pinansin. Naiirita lamang ako sa kanila.

"nakapagpasa na tayong lahat ng Activities natin kay Professor Gemini, kumpleto iyon walang labis at wala ring kulang" nakangiting saad ni Katy sapagkat siya ang naghatid ng mga kuwaderno. "tiyak na hindi tayo mapaparusahan o mapapagalitan ni Prof dahil on-time tayo nakapagpasa" dagdag pa niya.

"uhmmm naroon din ba ang kay Takeshi?" natatakang tanong ko.

"oo, kasasabi ko lang na kumpleto eh edi ang ibigsabihin non ay pati kanya naroon" malakas na tugon naman niya. "pagkadating ko nga roon ay nasa table na ni Professor ang notebook nya, nauna na pala syang nagpasa" dagdag pa nito saka naupo sa armchair.

"nakita mo ba sya roon?" tanong ko.

"hindi eh, wala sya roon noong nagpasa ako. wala akong naabutang tao kaya inilapag ko na lamang iyon sa table ni Prof." nadismaya ako sa tugon niya.

Pilit ko na lamang siyang nginitian.

Napansin kong wala pala si Acxius sa kanyang upuan, saan kaya pumunta ang mokong na iyon?

"si Acxius ba napansin mo?" kunot noong tanong ko.

"kalalabas lang ah kasama si Jasmin, nakasalubong ko nga sila eh parang nagmamadali" tugon ni Katy saka ako iniwan.

Doon ko lang napagtanto na wala rin pala pati si Jasmin sa katabi kong upuan.

Bakit hindi man lang sila nagpaalam sa akin? Iniwan lang nila ako rito nang walang kaalam-alam.

Section 13 Where stories live. Discover now