26

49 39 0
                                    


Nagising ako dahil naaamoy ko ang niluto nila. Mukhang masarap iyon kaya naman dumiretso na ako sa lamesa upang tingnan ang nakahandang pagkain.

"wow!" eksayted na ani ko ngunit tinapik ni Axerylle ang kamay ko noong aktong kukuha na ako.

Nakanguso naman akong tumingin sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"sabay sabay tayong kakain, huwag ka munang kumuha riyan lalo na at hindi ka pa nagsisipilyo" seryosong usal nito at umaktong nababahuan sa akin. "doon ka na nga muna sa tabi"

Tamad naman akong pumunta sa banyo upang magsipilyo. Inayos ko na rin ang aking mukha bago ako lumabas.

Inilibot ko ang aking paningin. Wala pa si Takeshi.

"pauwi na yon Hyacith, dadaan lang daw siya sa Cafeteria bago siya didiretso rito dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa atin" saad ni Acxius.

Napansin siguro nito ang itsura ko at nabatid kaagad niya ang iniisip ko.

"nasaan naman sina Jasmin at Bryx? wala nanaman sila" tanong ko sa kaniya.

Napapadalas na ata ang bonding nong dalawa ah. Marahil ay binabawi nila ang oras na hindi sila nagkasama noon.

"Ah kasama sila ni Takeshi" tugon niya saka naglapag ng mga plato.

Hindi pala nagbonding.

"hey, open the door" mariing ani ni Takeshi mula sa labas.

Agad namang binuksan iyon ni Axerylle habang kami ay sumunod doon upang makiisyuso.

Tumambad sa amin ang mga dala nilang itim na bag. Malalaki at tila maraming laman dahil halatang halata na ito ay puno.

Ano kaya ang mga laman non? Akala ko ba sa Cafeteria sila galing, ano iyan?

Imposible namang pagkain lahat ng iyan.

Sinigurado ni Takeshi na nakalock ang pinto saka niya kami binalingan ng tingin.

"Those are the weapons that we will use tonight such as different types of knife, guns so on and so forth" seryosong saad niya saka ito binuksan.

Naroon ang mga armas na sinasabi niya. Hindi ko batid kung ano ang tawag doon, ang alam ko lang ay mayroong arnis, baril at kutsilyo.

Kung ganon ay hindi sila sa Cafeteria pumunta.

"tonight? what do you mean?" nagtatakang tanong ni Acxius saka hinawakan ang isang baril.

"balak ni Acxius na ngayong gabi ay magsisimula na tayong kumilos bago pa dumating ang final examination na gaganapin sa susunod na linggo sapagkat natitiyak niya na pagkatapos ng examination ay mayroon nanamang estudyante ang mamamatay" si Jasmin ang tumugon.

"kailangan natin silang maunahan bago pa man sila makagawa ulit ng hakbang, bago pa sila muling makapatay." dagdag ni Bryx. "I doubt we can do it, we don't have any idea or clue where the Laboratory is"

"huwag ka ngang nega!" kunot noong ani ni Jasmin saka ito sinamaan ng tingin.

"We will wait the right timing. Passed 10 in the evening they leave the room where the Laboratory is located. We need to check each and every room inside this university, we need to think critically to solve their logics" seryosong saad ni Takeshi. "But before anything else we need to be prepared, I didn't know what kind of hindrance awaits us but i really hope that we can surpass whatever it is" ani niya saka malalim na bumuntong hininga.

Napalunok ako. Tila mapapasabak kami sa isang matinding labanan para lamang malaman kung nasaan ang laboratoryong iyon.

Ngayong gabi ay susubukan naming hanapin ang lugar na iyon.

Section 13 Where stories live. Discover now