32

35 35 0
                                    

Naabutan namin sina Doctor De Guzman na naglilinis na. Mukhang paalis na sila dahil tapos na.

"nalinis at nagamot na namin ang sugat niya, nalagyan na rin namin ito ng bandage" malumanay na ani Doctor De Guzman habang nag-aayos ng kanilang gamit. "wala na kayong dapat pang ipag-alala sa kaibigan ninyo, ilang linggo lang ay gagaling na ang sugat at magiging peklat makaraan ang ilang buwan" saad pa niya.

Tapos na ang paggamot kay Mythrill, gising na rin ito.

"mauna na kami Takeshi, tumawag ka na lang anytime kung kailangan ninyo ang serbisyo ko" paalam ni Mr. De Guzman saka lumabas sa silid.

Sinundan pa siya ni Takeshi ng tingin saka binalingan si Mythrill.

"How's your feeling?" tanong ni Takeshi habang naka cross-arms.

Tiningnan siya ni Mythrill.

"Ayos lang ako, hindi na dapat ninyo ako dinala rito. Hindi nyo ako kailangang kaawaan at kupkupin dahil hindi ko ito kailangan" seryosong tugon nito. "Hindi ko kailangan ng tulong ninyo, ng tulong mo Takeshi" mariing dagdag pa niya.

Napangisi si Takeshi saka siya tinaasan ng kilay.

"I'll just remind you bastard, Mythrill so you know. If I didn't help you, you would surely be dead by now, if I didn't ask you, maybe your body would have been filled with wounds and your heart would have almost burst into tears. If it wasn't for me, for us, you would have been killed by the person you consider to be your freaking father" seryosong saad ni Takeshi saka ito diretsong tiningnan.

Ang mga tingin na iyon ay nakakakilabot.

"I don't care Takeshi, you're going to kill me too like my father wanted to do, aren't you?gawin mo na lang para matapos na ang lahat ng ito, para matapos na ang paghihirap ko, pagod na pagod na ako" ani ni Mythrill saka bumagsak ang balikat.

Napatingin ako kay Mythrill. Inaakala niyang pareho ang nais nina Mr. Haruki at Takeshi ng gagawin sa kanya subalit hindi, hindi iyon ang gagawin ni Takeshi.

Mas may puso naman ito kumpara sa ama amahan niya. Iba ang layunin nilang dalawa.

"Are you kidding? and who said that I will kill you? Stupid, that was not in my plan" bahagyang natawa si Takeshi saka sumeryoso ang mukha. "Now that Haruki has given you to me, he has lost his right to you and I will be your boss, do you understand? otherwise you're a fool. You will follow everything I command, your loyalty must be to me and whether you like it or not, you will be our ally. Remember, you owe me your life and you have to pay it back with that" mariing saad nito.

Napatanga si Mythrill.

"hindi ko gustong maging kakampi mo Takeshi, mas gugustuhin ko pang bumalik kay Dad kaysa manatili rito kasama ninyo!" tumaas ang tono ng pananalita ni Mythrill.

Mabilis na hinawakan ni Takeshi ang binti ni Mythrill kung saan naroon ang sugat saka ito piniga.

"Arghhhhh!" sigaw ni Mythrill dahil sa sakit niyon.

"Stupid! when i say i mean it. You have nothing to do but to follow me if you don't want me to rip your guts out of your legs!" mariing ani ni Takeshi saka lalong hinigpitan ang pagkakapiga roon.

Kitang kita ang sakit na dulot non sa mukha ni Mythrill. Halos malukot ang mukha niya.

"h-hindi ko g-gustong maging- Arghhhh!! " sigaw niya ng buong pwersang pigain iyon ni Takeshi. Gamit ang kaniyang dalawang kamay ay buong lakas niya itong piniga dahilan upang magdugo.

"tama na, tama na! oo na, oo na Takeshi! aray bitiwan mo na! aray ko!" sigaw ni Mythrill.

Tinanggal iyon ni Takeshi saka tiningnan si Mythrill. Tumatagaktak ang pawis nito at siya'y hingal na hingal.

Section 13 Where stories live. Discover now