33

33 31 0
                                    


Seryosong tumingin sa akin si Acxius kaya naman tiningnan ko rin siya na puno ng pagtataka.

Nasa labas na kami at naglalakad sa pathway.

"Bakit ganyan ka kung makatingin Acxius?" nakangusong tanong ko sa kaniya.

Napatingin naman sa amin si Jasmin at Takeshi. Si Bryx ay kanina pa wala, naroon na siguro ito sa silid nila.

Napalunok ako, tila alam ko na kung bakit ganoon kung makatingin si Acxius.

"Nagtataka lang ako kung bakit naroon ka lang sa dilim kanina at hindi ka man lamang namin narinig na nagsalita, napakatahimik mo" seryosong tugon ni Acxius saka ako diretsong tiningnan. "Hindi ba't noong tulog sya ay ipinagtatanggol mo pa? anong nangyari at nong nagising na sya ay natameme ka?" kunot noong tanong niya saka ako tinaasan ng kilay.

Agad akong napaiwas ng tingin saka ito ibinaling sa mga estudyante.

I let out a heavy sigh before I clear my throat.

"a-ah- wala naman, wala lang talaga ako sa mood para makisingit sa usapan ninyo kanina at saka oras naman ninyo yon para makahingi ng paumanhin sa kanya at makausap na rin sya tungkol sa -"

"sige, tama na, tama na napakadefensive mo ah!" pang-aasar na ani ni Acxius. "gusto ko lang naman malaman pero parang iiyak ka na kaagad dyan" bahagya pa siyang natawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"We'll go to the Cafeteria" walang buhay na ani ni Takeshi.

Tiningnan ko siya, diretso lamang siyang nakatingin sa daraanan habang nakapamulsa. Sana ay hindi nya naisip na may naging usapan kami ni Mythrill.

Baka iyon pa ang dahilan upang magalit siya sa akin. Hindi ko iyon gustong mangyari lalo na at kakasimula pa lang ng aming love story.

"Ito na po ang order ninyo, tawag lang po kayo kung mayroon pa kayong gusto. Enjoy your meal! " magiliw na saad ng waiter saka kami tinalikuran.

"Wow! sarap ng sabaw nito!" ani ni Acxius saka muling humigop ng kanyang sopas.

Natapos na kaming kumain ngunit hindi kami dumiretso sa aming silid. Puro review lang naman ang ginagawa nila roon.

Patungo kami ngayon sa opisina ni Takeshi.

Hindi na kami nagtanong pa kung bakit niya kami isinama, sumunod na lang kami sa kaniya. Minsan nya lang naman kaming papapasukin sa property nya kaya dapat hindi na kami umangal.

"Lock the door and take a seat" utos niya saka naupo sa kanyang swivel chair.

Doon siya umikot habang nakatingin sa kisame. Tila mayroon siyang malalkm na iniisip na kanina pa nagpapatahimik sa kaniya tho tahimik naman talaga diya.

Pinagmasdan ko ang silid niya. Para siyang babae, napakalinis ng loob nito.

Nakaayos ang iba't ibang papel, marami rin siyang mga aklat na nakaorganize sa kaniyang bookshelf.

Malinis ang sahig nyang kumikintab pati ang salamin niyang lamesa. Malambot itong sofa at may mga unan pa. Mayroon siyang flower vase sa side table at litrato na nasa picture frame.

Mayroong mga papel na nakapatong doon sa itaas ng kanyang lamesa, makakapal. May mga envelope rin. Tila ito palagi ang trabaho niya rito.

"first time ko rito at masasabi kong napakaganda rito sa opisina mo, mas maganda, malinis at malawak kumpara kay Mr. Haruki" malumanay na saad ni Jasmin saka binuklat ang ibang libro. "napaka kalat sa opisina ni Mr. Haruki parang basurahan" dagdag pa niya saka umupo sa tabi namin.

Section 13 Where stories live. Discover now