34

37 30 0
                                    


"Takeshi anong gagawin mo riyan sa papel na kinuha mo?" nagtatakang tanong ni Acxius. "Nakakakilabot ang laman niyan, siguradong ikagugulat ng mga estudyante ang mababasa nila" ani pa niya.

Umalis na kami sa Opisina ni Takeshi, bago iyon ay kumuha siya ng kopya ng aming Final Examination.

Hindi tumugon si Takeshi.

"shit! wala ng mga tao rito marahil ay nagsi-uwian na sila" saad ni Jasmin saka tiningnan ang aming silid.

Sinipat sipat pa niya ang paligid ngunit nabigo siya.

"nahuli na tayo, nakaalis na sila" malungkot na saad ko.

"alas dose na kaya tiyak na wala na talaga sila rito, tingnan mo at tirik na tirik ang araw" ani ni Acxius. "pinauwi na sila"

I heard Takeshi sigh saka inilibot ang kaniyang paningin.

"They are gone, maybe they are already in their dormitory and reviewing their notes for the Final Examination so let's not disturb them" seryosong saad ni Takeshi saka tiningnan ang hawak niya, itinupi nya ito saka isinuksok sa kaniyang bulsa.

"Let's head to our dorm first to check on Vyx and later that night we'll go to Mythrill" seryosong saad ni Takeshi saka nagpamaunang umalis.

"hindi ba tatakas doon si Mythrill?" tanong ni Jasmin saka tumingin sa direksyon patungo sa dorm na kinaroroonan nito.

"oo nga, ano?" napaawang ang labi ni Acxius.

Sa tingin ko ay hindi naman iyon gagawin ni Mythrill dahil oras na gawin niya iyon ay hindi na sya muling pagbibigyan ni Takeshi.

Saka hindi makakalakad si Mythrill kaya malabo iyon.

"He won't do that, he won't run away because I'm sure he's not stupid and foolish to go back to the person who hurt and almost killed him. He is very stupid if he goes back there instead of being our ally" buong tiwala na saad ni Takeshi. "It is also very unlikely that he will be able to escape because of his leg, before he takes a step it will surely bleed causing him to fall" seryosong ani pa niya.

"oy! narito na pala kayo" nakangiting ani ni Vyx saka kami sinalubong, siya na rin ang nagsara ng pinto saka sumunod sa amin.

Hindi maalis ang ngiti sa labi nito tila mayroong magandang naganap.

"Kumusta naman sina Axerylle? ayos lang ba ang pakiramdam nila?" tanong ko sa kaniya. "binantayan mo ba sila nang maayos ha?" pang-aasar ko sa kaniya.

Ngumiti ito at tila masayang masaya. Napangiwi ako.

"Napakabilis ng paggaling nila, nakakagulat na halos wala na silang galos at kaya na rin nilang tumayo ulit saka maglakad kahit kaunti" nakangiting saad ni Vyx saka pumasok sa silid kung nasaan ang tatlo.

Napatingin kami sa tatlo na pare-parehong kumakain ng mga prutas.

"mabuti at nandito na pala kayo!" nakangiting batii ni Kim.

Napangiti naman ako at nakahinga nang maluwag. Mabuti naman at kahit papaano ay maayos na ang kalagayan nila.

Mabuting balita ito lalo na ngayong mayroon nanamang bagong problema.

"anong balita? kumusta naman sa labas? nalaman na ba nila ang tungkol sa pinatay mo Takeshi? tungkol sa ginawa natin?" nagtatakang tanong ni Axerylle saka kumagat sa mansanas.

"wala kayong kahit na anong sugat o galos, siguro ay hindi pa nila alam na ginawa natin iyon" ani ni Lloyd saka kami pinagmasdan.

Umupo sina Jasmin at Acxius sa katabing upuan.

Section 13 Where stories live. Discover now