Panimula

4 3 0
                                    


Alas onse na ng gabi ng ako'y makauwi galing sa trabaho. Napahinto ako ng may madaanan akong isang grocery store. Nakabukas parin ito. Pero madilim sa loob. May maliit na ilaw akong natatanglaw sa pinaka looban. Ngunit mahina, at patay sindi. Maging sa labas ng store ay walang ilaw. Sa bandang dulong daan lang ang meron ngunit mahina rin.

Madilim ang daanan.

Kinuha ko ang cellphone para echeck ulit yung oras. 11:59. 10% narin ang percentage ng cp. Kaya in-off ko at ibinalik sa bag.

Nakapagtataka lang at mag-aalas 12 oras na ng gabi at bukas pa ito?

Lahat ng mga stores dito ay nagsasara na ng mga 9:30. Oo meron din mas maaga pa diyan, alas 8.

Baka magsasara palang, nahuli lang siguro dahil marami pang ginagawa.

Hmm..

Imposible yon, may curfew.

Ngayon lang talaga ako naka encounter ng grocery na kahit late na bukas parin. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy.

Sarado na mga ibang stores at bahay. Wala ka nang makikitang nagtatambay o naglalakad pa. Talagang ako nalang ang gising pa, mag isa naglalakad papauwi.

Napahinto ako sa panglimang paghakbang. At napalingon sa gilid ko. Para kasing may paparating. May naririnig akong mga yabag ng paa. Hindi nga ako nagkamali. May naaninag ako na papalapit. Dalawang bulto, isang maliit at malaki.

 Mag-ama ito.

Parang papunta sila sakin. Sa direksiyon ko.

Pero hindi pala, medyo nakahinga ako unti.

Huminto sila pagkatapat sa store. Tinititigan ito. Nakatunganga lang sa harap nito.

Ang dumi ng itsura nila. Parang pinaliguan ng putik. Mga manlilimos ata sila. Hindi sila malayo sakin. Kaya kahit medyo madilim , medyo na ananingan ko naman yung postura nila.

Ano kaya ginagawa nila?

Anong tinititigan nila?

Tumingin rin ako sa kanilang tinitignan . Sa store talaga.

Baka manghihingi sila ng pagkain, baka sakaling may tao pa.

Wala naman meron sa tinitignan nila. Madilim lang at parang...

Sandali...ano itong nakikita ko..

Kinusot ko ng makailang ulit ang aking mata , baka kasi may muta lang o kaya naantok na ako. Kaya kung ano ano nalang nakikita at naiimagined ko. Madumi na yung paint ng store , ang luma na ng itsura niya. Parang itinayo pa ng mga 1850's o baka naman problema sa paningin ko lang ito. Mahina kasi yung ilaw, minsay kumukurap pa kaya medyo mahirap hulaan. Naalis ang tingin ko roon at nalipat ulit sa dalawa. Nakatayo parin sila, nakatulala. Parang may tinitignan na ewan na may iniintay.

Maya-maya lang ay bumitaw sa ama ang bata sa pagkakakapit, at pumasok sa store. Gaya ng kanina diretso-diretso rin ito sa paglakad.

Nagulat ako sa ginawa ng bata. Tuluyan na talaga itong pumasok sa loob. Pati ako na takot sa ginawa nito . Sobrang dilim sa loob. O baka mapagalitan ito ng kung sino man naroroon sa loob.

Nagtataka nga rin ako sa sarili bakit andito ako ngayon nagmamasid sa kanila. E paki ko ba. Di ba dapat papauwi nako?

Bakit hinayaan lang ito ng ama?

Hindi ba siya nangangamba para sa anak na baka mapano ito roon?

Dahan-dahan din akong lumapit sa mama.

"Mama"

Wala itong kibo. Parang wala lang narinig.

"Madilim po doon baka mapano o kaya'y mapagalitan po anak ninyo". Pag-aalala kong sinyas kay manong.

Ang Mag-amaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon