Her Foolish Heart

3 0 0
                                    

⚠️ Trigger Warning: This book contains themes of abuse, sexual violence, and manipulation. Reader discretion is advised. ⚠️


"Sasha!!!" Sabay-sabay na napatingin sa'kin ang mga kaklase nila Sasha.

Sino ba namang hindi mapapatingin sa full force kong pagbukas ng pinto ng classroom nila habang sinisigaw ang pangalan ni Sasha? Mapapakanta ka na lang talaga ng, "horrified looks from everyone in the room but I'm only looking at you" ni Mareng Taylor.

Ngumiti na lang ako sa mga kaklase nila Sasha at bumulong ng "sorry" bago ako dumiretso sa bakanteng upuan sa tabi niya. Bumalik na rin sila sa kaniya-kaniya nilang buhay after ng ilang seconds.

"Hoy, Koby, pahiram muna sa bff ko," tinapik ko pa si Koby at sinabihan siyang mamaya na sila magharutan. Hindi na siya umangal at nagpaalam na lang siyang bibili muna siya ng pagkain. As he should, sagabal lang siya sa bff time namin.

Nang kaming dalawa na lang ni Sasha ang nasa sulok ng classroom, malayo sa ibang mga kaklase nila, ay nag-umpisa na akong magkuwento kay Sasha.

"Tumawag siya sa akin..."

"Huhulaan ko, kayo na naman 'no?"

Na naman. Napabuntong hininga ako kasi tama siya. 

"Changed person naman na raw siya. Ano lang... lasing siya that time kaya wala siya sa sarili..."

"Naririnig mo ba 'yang sarili mo, Tanya?" Inis na tanong niya bago dugtungan ng, "Ilang beses na kayong naghiwalay at nagkabalikan? Hindi ko na mabilang gaya ng mga rason kung bakit hindi ka na dapat bumalik sa lalaking 'yon."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at napataas ang isang kilay ko.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi nasa honeymoon phase pa kayo ni Koby ngayon. Ilang buwan palang ba kayo? Sigurado ka bang hindi mo mae-experience 'yong mga pangit na pinagdaanan namin ni James?" 

Hindi puwedeng siya lang nangja-judge sa relasyon ko. Ako rin! Kita kong napaisip siya sa sinabi ko pero pinili niyang ikalma ang sarili niya.

"Siguro nga nasa masayang parte pa kami ni Koby ngayon pero kung gagawin niya sa'kin 'yong mga ginawa at ginagawa sa'yo ng James mo, iiwan ko siya." Kalmado pero may diin sa tono niya na para bang sinasampal sa'kin na dapat kong iwan si James.

"Sabihin mo ulit sa'kin 'yan, kapag nangyari na, Sasha. Ipakita mo sa'kin na hindi ka talaga magiging tulad ko kapag nasa mismong sitwasyon ka na."

Padabog akong umalis sa classroom nila at dumiretso sa CR. Kinulong ko ang sarili ko at doon ko na inilabas lahat ng luha ko.

Noong wala pang Koby sa buhay ni Sasha ay kinukunsinte niya ko kapag nakikipagbalikan ako kay James pero ngayong may jowa na siya kala mo kung sino siya para husgahan ang relasyon namin ni James.

Kagaya rin naman nila kami noong nagsisimula palang kami. Puro saya, kulitan, at tawanan pero habang tumatagal, nagkakaroon ng pagbabago sa relasyon namin. Gano'n naman talaga habang tumatagal 'di ba?

Pagsubok lang naman sa relasyon kapag nambabae 'yong lalaki 'di ba? Baka may kulang sa'kin kaya hinahanap niya 'yon sa iba. May hindi ako maibigay na kailangan niya.

Ilang beses na akong inaaya ni James na gawin ang bagay na 'yon. Kung talagang mahal ko raw siya ay ibibigay ko ang sarili ko sa kaniya. Mahal ko siya pero sinabi ko sa kaniyang hindi pa ako handa lalo na at hindi pa kami nakakatuntong ng college. 

Ilang buwan pa bago kami makagraduate at hindi pa kami nakakapasa sa mga university na gusto namin. Natatakot ako na baka may mabuo at masira ang mga pangarap naming dalawa.

Her Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon