Chapter 14

4.7K 122 9
                                    

“Ma'am, ang pogi po ng boyfriend niyo." The sales lady said. “Ang ganda po ng mga mata niya.."

I laughed.. “Yeahh, his really handsome. And I like his eyes too.." Tinignan ko si Liam na namimili ng damit.

Nasa mall kami ngayon dahil nag-aya siya. Gusto niya daw bumili ng bagong damit. Tumanggi pa nga ako nung una dahil marami naman siyang damit at sa tingin ko ay hindi na niya kailangang bumili.

Ang kaso, mapilit talaga. Kaya hinayaan ko nalang din. Gusto din daw kasi niyang lumabas.

“Kaso ma'am parang nakakatakot po ang itsura ng boyfriend niyo.. Sobrang lalaking-lalaki ang tangkad at ang laki po ng katawan." Muli kong binalik ang tingin ko sa babae dahil sa sinabi niya..

Liam's appearance is dark whenever other people are around us. It's so different when it's just the two of us together. Maamo at malambing siya kapag kaming dalawa lang.

Behind his dark appearance there is an innocent Liam.. At sino ang mag-aakalang inosente ang lalaking sinasabi nilang nakakatakot?

I smiled at the girl.. “Natural na itsura niya na iyan." Sagot ko.

Lumapit sa akin ang sales lady ng botique shop na kinalalagyan namin ngayon..

“Pero ma'am, bakit parang ilag siya sa mga tao?" Mahinang tanong niya sa akin.. “Napansin ko po kasi na kada may ibang tao ang pumapasok dito sa botique ay sobra siyang dumidikit sa inyo.."

“Takot siya sa ibang tao," agad na sagot ko.

Nakita ko naman na nagtaka siya dahil sa sagot ko..

“Bakit po ma'am?"

Tipid akong ngumiti.. “Mahabang kuwento." Nag-kibit balikat ako. “Sometimes what we see is so far from the truth." Liam has a manly appearance, yes. But he is not like what other people see.

Marami siyang kinata-takutan at kasama na doon ang ibang tao.. Ang ibang tao na hindi siya kayang maiintindihan..

And i don't understand those people, I don't understand why they can't understand the fear of other people around them.

“Hiara do you think it'll suit me?"

I looked at Liam when I heard him speak.. May hawak siyang pants na kulay itim at t-shirt na white may kasama din iyong blazer na kulay black.

I smiled and came near him.. Hinawakan ko ang hawak niya at nag-isip..

“It will suit you," sabi ko at tumango-tango pa. “Pero bakit ka naman bibili ng ganito e hindi ka nga lumalabas ng bahay?" Takang tanong ko.. “At saka marami kang ganito, itong blazer lang ang wala ka.."

“But we are here to buy clothes." His brows furrowed while looking at me.

Tama naman ang sinabi niya nandito kami para bumili ng damit. “Yung damit na masusuot mo araw-araw ang bibilhin natin."

“But i like it," malungkot at nakangusong sabi niya..

Bumuntong hininga ako. “Sige na nga, bahala ka. Pera mo naman ang ipangbibili mo diyan."

“I also like this gray and brown t-shirt." Kinuha niya ang sinasabi niyang gusto niya. “And this short.."

“Sige na bilhin mo na ang lahat ng gusto mo." Sabi ko at nakangiti habang nakamasid sa kaniya. Marami na siyang mga damit na hawak may iilang pants and short din.

“How about you Hiara, won't you buy for yourself?"

“Hindi na marami pa naman akong damit."

“No, you should buy for yourself ." Sabi niya sabay hila saakin papunta sa puwesto kung saan pambabae ang mga damit na naka display. Kahit marami siyang hawak ay nagawa niya paring hawakan ang kamay ko.

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now