The Other Guy (One-shot)

5.7K 261 93
                                    

The Other Guy



Araw ng Linggo. Isang perpektong araw para magpakasal.



Maagang nagsidatingan ang mga bisita. Walang mga last-minute na aberya. The weather is just fine for an outdoor ceremony. Parang lahat nakikiayon sa okasyon na magaganap ngayon.



Matagal ko nang pinangarap na makapunta sa States. Matagal na akong nagwa-wonder kung anong feeling ng nasa ibang bansa. Tapos ngayon, natupad na. And this is even a wedding.
---

 
Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko. He’s the most beautiful man I’ve ever met. Hindi yung oh-he’s-so-hot-rarr! type of beautiful. Yung maa-amaze ka sa ginawa ng Diyos sa kanya kasi he’s so beautiful inside and out.

 

Matagal na namin pangarap ni Ken na pumunta ng States. Sobrang tagal namin nagkasama. Parang since birth pa. Magkababata kami. Magkapitbahay din. Hindi naman best friends ang mga magulang namin pero they’re good friends. Magkasama kami sa iisang Kindergarten. He was my classmate mula Elementary hanggang High School. We were practically best friends. We grew up together. Sabay kaming bumuo ng mga pangarap. At isa nga sa mga pangarap na yon ay ang makatungtong sa U.S. Siguro dala ng mga napanood namin sa TV kaya ginusto naming makarating sa ibang bansa.

 

Solong anak si Ken. Kaya sobra syang alaga ni Tita. Hindi sya yung tipong pala-sama sa mga lalaki. Madalas, mga babae yung kasama nya. Hindi rin sya yung bully type o kaya naughty type. Isa syang good boy na madalas tumawa at magpatawa. Mahilig syang makipaghawak kamay at yumakap.

 

Si Ken ang pangatlong lalaki sa puso ko. Sunod kay Papa at kay Kuya. Hindi ko na kailangan ng mahabang panahon para ma-realize na mahal ko si Ken. Ano pa nga bang bago sa mga kwento ng mag-best friends? High school noon nang ma-realize ko. I love him. Ever since.

 

Kaya nga nung nanligaw sya ng iba nung second year kami, sobra akong nasaktan. Sobrang nagalit ako sa babaeng niligawan nya. It’s like she was taking my life away from me. Ganun ka-importante si Ken sa akin. Nasanay akong sya lang yung palaging kasama. Para syang parte ng katawan ko. Hindi ako normal pag wala sya.

 

To my dismay, sinagot sya ng nililigawan nya. Freshman pa lang ang babae at kami sophomore na. Hatid-sundo nya yun, sabay pa namin mag lunch and meryenda. Yup, namin-- dahil kasama ako sa lahat ng lakad nila. Third wheel kumbaga. It was the worst two weeks of my life. Dalawang linggo. Dalawang linggo lang ang itinagal ng relasyon nila. And after that, masaya na’ko ulit.

 

Pero the whole high school life, roller coaster ang ride. May mga pagkakataong masaya ako. Meron din namang sobrang lungkot. Ken was changing girlfriends like he's changing clothes. Minsan wala, madalas meron. Pinakamatagal ang one month, pinakamaiksi ang one week. Pinakamatagal na natiis nya na walang girlfriend ay two months. Pinakamabilis ang day after the break-up. At nasanay na'kong tanggapin yon.

 

Hindi ko alam kung anong nangyayari nun kay Ken. Sa lahat ng break-ups nya, hindi ko sya nakitang umiyak. Malungkot siguro, oo. Pero yung kalungkutan nya hindi naman nagtatagal. The whole time, nakita ko sa mga mata nya na hindi talaga sya masaya. And that time, para syang may problema. Problema na hindi nya kayang sabihin sa'kin. Sa akin na best friend nya.

 

Sobrang hindi ko alam ang gagawin. Aaminin ko bang mahal ko sya at sasabihing sobra akong nasasaktan sa pagpapalit-palit nya ng girlfriend? O mag-aantay ako ng tamang panahon at intindihin na lang muna sya sa pinagdadaanan nya?

 

I chose the "takdang-panahon" option. Kaso hindi naman dumating ang tamang panahon. Ilang linggo lang bago kami mag fourth year, tumulak papuntang Japan sina Ken. His lola was dying of Cancer, kaya kinailangan nilang pumunta dun.

The Other Guy (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon