1ST ONE - 131.

7 2 0
                                    

1ST ONE - 131.

"May hangover ba ang lahat?" tanong ni Ace kinaumagahan. "Ako din kasi, e."

Tumawa na lamang si J sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Ako din, may hangover pa."

"'Di ba hinatid mo si Renlie kagabi? Nakainom ka no'n saka nakasakay kayo sa motor mo. Buti at walang masamang nangyari."

"Actually, may 'di magandang nangyari."

Tumaas ang kilay ni Ace na ikinatawa ni J. Dumating si Joker at tumabi sa dalawa na nasa mahabang sofa.

"Anong nangyari?" Nagsalita si Ace makalipas ang ilang segundong katahimikan.

"Kanino?" tanong ni Joler at ipinatong ang mga paa sa coffee table.

"Joke lang 'yon. Kahit nakainom ako kagabi e ayos lang kami. Naihatid ko si Renlie ng maayos. May kiss pa nga ako mula sa kaniya, e! Nakakakilig! Haha!"

"Sus!" Bahagyang tinulak ni Joker si J sabay ngisi. "Kaya pala iba ang mood mo today. Ganadong-ganado!"

"Hahaha! E ikaw ba?"

"Actually..."

"Ano?" tanong ni Ace. "Balita ko ay nagsisimula ka na daw manlligaw kay Honey, 'di ba?"

"'Uy!" sabi ni J at pumalakpak sa tuwa. "Grabe! Kailan pa!?"

"Hahaha." Ngumiti na lamang si Joker. "Kagabi kasi, sinabi niya sa'kin na pumapayag na siyang mahalin ko siya. Kaya napagdesisyunan kong simulan na ang panlliligaw sa kaniya. Paunti-unti, gano'n ang napag-usapan namin."

"I'm happy for you." Ngumiti si Ace. "Gaano ba katagal bago mapasagof?"

"She's uncertain to that pero para sa'kin, hahayaan kong ang panahon ang magdedesisyon para sa'min. Go with the flow kaming dalawa with progress, syenpre. Gusto ko siyang mas makilala at 'yung mas makilala niya pa ako. Gusto kong maipadama sa kaniya kung gaano ako ka-sincere sa kaniya saka syenpre, gusto ko din talagang maranasan na manligaw. She's my first and sana, sigurado naman akong siya ang forever ko."

"Nice," sabi ni J. "Masaya ako para sa'yo, bro."

"Salamat!"

"Morningggggg," sabi ni Christian pagkababa ng hagdan. "Sino kumuha ng capsules for hangover?"

Walang sumagot sa tanong niyang iyon. Kalauna'y napabalik siya sa hagdanan dahil sa biglang may sumagi sa kaniyang isipan.

"Hindi ako ang huling kumuha no'n." Nasa itaas ng hagdanan si Honey na abala sa pagtali ng kaniyang buhok. "Hindi ko na uulitin ang pag-o-overdose."

"Sige, sabi mo e." Magkasabay silang dalawa na bumaba ng hagdanan. Nang marating ang living area ay humarap si Christian kay Honey. "Sino kaya ang kumuha?"

"Baka nasa tabi lang ng TV?" tanong ni Jia na nanggaling sa kusina. Dumako ang kaniyang paningin sa TV set. "Ay, wala?"

"Si Aya ang kumuha," sabi ni Jayson at lumapit sa kanila. "Here. Kumuha siya ng dalawang capsule. Para kay Venus ang isa."

"Ah.." Kaagad na kinuha ni Christian ang maliit na bote na iyon. "Kumusta si Aya? Okay na siya?"

"Hindi ko masasabi if okay siya or ano. Tulala kasi siya. Nakakausap naman ng maayos." Umupo ang binata sa pang-isahang sofa. "I'm actually worried. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang gano'n. Nahahawa si Venus sa kalungkutan ng pinsan niya kaya mas nag-aalala ako."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now