1ST ONE - 132.

8 2 0
                                    

1ST ONE - 132.

"Good morning," sabi ni Honey at bumaba mula sa kaniyang motorsiklo. "May nangyari ba na hindi ko alam?"

"'Di ba nasa bahay ka lang buong gabi?" tanong ni Joker at lumapit sa kaniya. "H'wag mong isipin na pinagdududahan kita. Gusto ko lang makasiguro."

"Yeah, nasa bahay lang ako huong gabi. We even had a video call lasi night. What happened ba at parang nagdududa ka?"

"May hindi magandang nangyari kagabi at hindi ko maiwasan na hindi magduda pero naniniwala akong hindi ka gano'n. Hindi ko mapigilan, e."

"Ano ba kasing nangyari?"

"May ibang lalaki daw si Yhena. Ang sabi ni Alpha, alam ni Renlie ang bagay na 'yon. Hindi ko maintindihan, bakit gano'n? Naguguluhan ako."

"Oh.." Sandaling natahimik si Honey. Kalauna'y muli siyang nagsalita. "May gusto akong ipakita sa'yo pero nag-aalinlangan ako. Hanggang ngayon ay nagagamif ko ang connection namin ni Ryu at may nalaman ako."

"Ano naman? Gusto kong makita. Gusto kong malaman."

May pinindot si Honey sa kaniyang cellphone at ibinigay iyon kay Joker. Ilang sandali pa'y napabalikwas ang dalawa ng sapilitang kunin ni Alpha ang cellphone.

"Alpha." Napamaang si Honey dahil doon. "I'm sorry."

"Alam mo din pala? Kailan pa, huh?" Halata ang galit sa mukha ng binata.

"One week ago," aniya. "Hindi ko sinasadyang malaman. May connection ako na nag-se-send sa'kin ng pictures. Maniwala ka, tinanong ko na din si Yhena about diyan and she's guilty about it. I'm sorry at nanahimik ako. I chose to be silent para hindi na lumala."

"The fact na alam mong niloloko na ako at nasa'yo ang evidence, alam mo bang lalo siyang lumala?" Ibinalik niya ang cellphone kay Honey at bumuntong-hininga. "Hindi ako galit sa'yo, galit ako dahil pinili mong itago ang totoo. Baka pinagtatakpan mo siya?"

"I told her na sabihin sa'yo ang totoo, maniwala ka. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito. Siguradong malaking problema na 'to sa squad and I'm sorry if dumagdag pa ako sa problema."

"Nangyari na e, wala ka ng magagawa. Kailangang maging malinaw na ang mga bagay-bagay. Masakit na sa'kin pero kailangan kong kumalma."

Dumiretso si Alpha papasok sa gate ng bahay ni Mister Choi at tuluyan iyong sumara. Napatungo na lamang si Honey at bumuntong-hininga. Marahan siyang niyakap ni Joker.

"Hayaan mo na muna. Nasasaktan kasi siya," aniya. "Hindi din naman kita masisisi. Kahit ako din kasi, gano'n din ang gagawin ko."

"Tanggap ko naman na gano'n ang magiging reaksyon niya. Kusa na niyang nalaman." Mula sa pagkakayakap kay Joker ay lumayo si Honey. "Pumasok na tayo sa bahay. Paniguradong nandiyan na ang iba pa."

Marahan silang naglakad papasok sa gate at dumiretso sa pinto ng bahay. Pagkahakbang nila papasok ay sigaw agad ni Alpha ang narinig nila.

"Gago! Bakit parang ako na lang ang 'di nakakaalam?!"

Pagdating sa living area ay naroon na ang karamihan. Napapahiyang gumilid si Honey at umupo sa dulo ng mahabang sofa katabi ni Joker.

"Pang-ilang mura mo na 'yan ngayong umaga?" tanong ni Ace na kadarating lang. May hawak siyang white envelope. "May naghagis yata nito at nakita ko sa gilid ng kotse. Nakapangalan kay Honey Kim."

Bumuntong-hininga si Honey at kinuha ang white envelope. Kaagad niya iyong binuksan at kinuha ang mga litrato. Hindi na siya umangal nang kinuha iyon ni Alpha. Halos mapapikit siya ng muling magmura ang binata at ramdam niya na lalong lumala ang kaniyang galit.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now