1ST ONE - 133.

7 2 0
                                    

1ST ONE - 133.

Bumangon si Alpha dahil sa naririnig na ingay sa labas ng kwarto. Hindi siya maaaring magkamali, nandiyan ang mga kaibigan ni Yhena at halatang masaya ang mga ito. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay tiningnan ng binata ang sarili sa salamin at inayos ang kaniyang kabuuan.

"G-----"

"Congrats, Fafa Jonas!" Hindi na siya nakapagsalita ng salubungin siya ng yakap ni Briana. "Ninang ako, ah?"

"O-Oo naman, sige," aniya. "Ang aga-aga, ingay mo agad naririnig ko. Biro lang."

"Sanay ka na, 'di ba!? Haha!"

"Antok na antok ka pa ba?" tanong ni Yhena at lumapit sa binata sabay bulong. "Ikaw yata ang mas napagod kaysa sa'kin, ah?"

"Hindi naman." Inilapit ng binata ang sarili sa dalaga at bumulong. "Nabitin nga ako, e."

"Let's do it again tonight?"

"We can't, may schedule kami this afternoon until evening." Ipinalibot ni Alpha ang dalawang braso sa magkabilang bewang ni Yhena. "Pero no worries, bawiin natin the next night."

"Parang balak mo pang gawin gabi-gabi, ah?"

"Wala namang problema do'n kahit buntis ka. Mas masaya nga at exciting, e."

"Loko ka talaga. Ang sabi mo e ayaw mo akong mapagod pero bakit gagawin natin gabi-gabi? Pwedeng once or twice a month? Until seventh month lang pwede ang gano'n based on what my doctor told me."

"Okay, okay. Sabi mo e."

Pareho silang tumawa at magkatabing umupo sa sofa.

"Hindi ka masusundo ng kuya mo kaya kami na lang ang bahala sa'yo," sabi ni Aya. "Nakapag-impake ka na ba?"

"'Yung ibang gamit na nandito especially dito sa living area at kitchen, iiwanan ko. May bagong titira dito and nag-early payment siya para sa mga gamit," sabi ni Yhena. "Then the rest, uumpisahan ko pa lang ayusin para mabilis na lang kunin."

"Ah, gano'n ba? Tulungan kita para may mapagkaabalahan ako ngayong araw."

"Sige ba, hehe."

"Ang busy ng babaita these days ah," sabi ni Briana. "Ibang-iba ka ngayon kesa noon!"

"Loka." Tumawa na lamang si Aya. "'Di ba pwedeng gusto ko lang may magawa? Nakakaramdam ako ng boredom and sadness recently kaya gusto kong ma-divert sa ibang bagay ang atensyon ko para makatulong din sa'kin."

"Multitasking! Malungkot ka na, bored ka pa! Ang opposite, 'no?"

"Hindi ko gustong magpadala pa sa lungkot, nakaka-stress. Ayokong maging burden sa parents ko kaya ako na ang gumagawa ng paraan para maging maayos ako. Wala akong nakikitang signs para mawalan ng pag-asa kaya hindi ko kailangan magpakalungkot masyado dahil kay Sam." Bumuntong-hininga ang dalaga. "Pero, grabe din 'no? Ang daming nangyari dahil sa dumating siya. Iba ang sayang naidulot niya dahil nandiyan siya. Ngayon, ang lala ng lungkot na naidulot niya dahil sa 'di magandang nangyari sa kaniya. May kirot sa puso ko pero hindi nawawala ang pag-asa kong babalik pa rin siya."

"Magpakatatag ka lang," sabi ni Alpha. "Nandiyan si Christian para sa'yo."

"Huy!" sabi ni Briana. "Hahaha!"

"Jonas!" Natatawang siniko ni Yhena si Alpha.

"Bakit? 'Di ba no'ng mga panahong wala si Sam e si Christian ang nandiyan?" tanong ni Alpha.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang