Chapter 16

4.6K 118 0
                                    


“Hiara,"

Nilagpasan ko lang si Liam na ilang beses ng tinatawag ang pangalan ko. Isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kaniya kaya hindi ko parin siya pinapansin.

I don't lie next to him in bed. I sleep on the sofa. Ayaw ko siyang katabi dahil siguro sa inis na nararamdaman ko.

“Hiara, talk to me please." Sumunod ulit siya sa akin ng lagpasan ko siya.

Naglilinis ako ng buong bahay ngayon dahil ilang linggo ko narin itong hindi nagawa. Marami ng alikabok sa bawat sulok ng bahay.

I've been cleaning for a while but I'm still not finished. I can't focus on cleaning because Liam is constantly following me.

He is like a tail attached to your back. Kahit saan ako magpunta ay nasa likuran ko lang at hindi nawawala.

“Hiara," he called my name again but I still ignored him.

Pinunasan ko ang pinagpatungan ng vase na puro na alikabok ang ibabaw. Hinayaan ko lang si Liam na nakatayo sa likuran ko..

“Hiara," hinawakan niya ako sa likod pero umiwas ako.

“Don't disturb me, I'm cleaning, Liam." Sabi ko.

“I'm sorry, Hiara." Mahinang sabi niya.

Ayaw ko rin naman na hindi siya pansinin kaso kasi baka kapag hinayaan ko lang siya doon sa ginawa niya ay baka pati iyon kasanayan niya na.

Wala akong problema sa ibang nakasanayan niya.. Pero mali kasi yung ginawa niya doon sa delivery rider na wala namang ginagawang masama pero pinagsarhan niya.

“Hiara, h-huwag ka ng magalit." his voice was broken and sad.. “Promise hindi ko na uulitin iyon."

Naglakad ulit ako palayo sa kaniya. Pumunta ako sa kusina para banlawan ang basahang hawak ko na marumi na dahil sa alikabot.

Hindi ko inaakalang magiging ganito kaalikabok dito sa loob ng bahay. Maging ang mga gilid-gilid ng mga sofa at upuan ay sobrang alikabok din.

“H-hiara," he sobbed and hugged me from behind. “Hindi mona ba ako gusto? Ayaw mona ba sa akin? Iiwanan mo naba ako?" Sunod-sunod na tanong niya at mas lalo pang lumakas ang paghikbi niya. “D-don't leave me please, Hiara." He cried even more.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya. I wiped his face wet with tears. Nilapit ko ang mukha niya saakin at hinalikan ko siya sa noo.

Hindi pumasok sa isip ko na iisipan niyang iiwanan ko siya..

“H-hiara don't leave me." His tears flowed again, ramdam ko rin ang panginginig niya.

“Shh! Hindi kita iiwanan." Sabi ko at muling pinunasan ang mukha niya.

He hugged me and buried his face in my neck while still crying. “Sorry Hiara."

“Okay na," I caressed his back. “I'm not mad anymore." Niyakap ko siya ng mas mahigpit at hinayaan lang siyang ibaon ang mukha niya sa leeg ko kahit na nararamdaman kong nababasa na ako ng luha niya..

I never thought he would cry like this. Hindi ko na siya kayang tiisin dahil ayokong nakikita siyang umiiyak.

“Sorry, Hiara." Humarap siya sa akin pero ang mga braso niya ay nakayakap parin sa bewang ko. “Huwag ka ng magalit."

Ang mukha ay puno ng pagsusumamo at nagmamakaawang nakatingin sa akin.

“Hindi na ako galit," sabi ko at nilagay ang kamay sa mukha niya.

“You're not mad anymore?" Suminghot siya at nagtatanong na tumingin sa mga mata ko.

“Hindi na ako galit basta huwag mo ng uulitin iyon." I looked him in the eyes. “Mali ang ginawa mo Liam at saka bakit mo ba ginawa iyon?"

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now