1 Looking for....

69 2 3
                                    

Sean's POV
Nandito ako sa office ni Mommy at iritang irita na ko. Gustong gusto ko ng umalis dahil alam ko na kung saan patutunguhan ng usapan namin na to.

"Sean, anak, kelan mo ba ko bibigyan ng apo? Ipakilala mo na ko sa girlfriend mo at magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon." Napangiwi naman ako sa sinabi na yon ni Mommy.

"What? Ayoko pang magpakasal, at mas lalong ayoko pang magkaanak." Sagot ko dito kaya bigla itong tumayo at pinalo ako ng hawak nyang pamaypay.

"No, Sean! Susundin mo ko o ibblock ko lahat ng cards mo?" Pananakot ni Mommy sakin.

"Fine, mom!" Naiinis kong sagot sakanya.

"Good! Ipakilala mo na sakin ang girlfriend mo bukas. You can go now." Magsasalita pa sana ako ng sakto namang tumunog ang telepono nito.

Nakakainis! Bukas agad? E wala nga akong girlfriend. I have flings pero hindi ko sila ipapakilala kay Mommy. Ang laking problema naman binigay sakin. Hay!

Tinawagan ko muna ang mga kaibigan ko para makipagkita sa Hideout namin.

Nagdrive na ko papunta sa hideout at nakita kong kumpleto na ang sasakyan ng mga kaibigan ko.

"Urgent ba yan? I'm busy with my things." Bungad agad sakin ni Sky.

"Tss. Ako nga may inaasikaso sa studio e." Sabat naman ni Pau.

"Spill, bro." Sabi naman ni JC habang umiinom ng gatorade.

Hinanap naman ng mata ko si Cross at mahimbing pala ang tulog sa may sofa.

"My mom wants me to get married." Pagkasabi ko non ay naghagalpakan sa tawa ang tatlo.

"I'm fuck*ng serious!" Tumigil naman sila at tumingin ng seryoso sakin.

"That's a big problem, bro." Sabi ni JC at tinapik tapik pa ko sa balikat.

"I will help you, but syempre may kapalit." Sabi ni Sky at pataas taas pa ang kilay.

"Congrats, bro." Sabi naman ni Pau na tatawa tawa pa din.

"Please, I'm serious. Gusto ni Mommy ipakilala ko daw yung girlfriend ko bukas. She will block my cards pag wala kong naipakilala sakanya." Seryoso kong sabi sakanila. Nagising na din si Cross at kakamot kamot pa ng ulo.

"May kakilala ako, pinsan ko. Galing sa probinsya namin. Don't worry, mabait yon. Kelangan mo lang ibriefing." Inaantok pang sabi ni Cross.

"Ayun pala, e. Problem solved na." Malakas na sigaw ni Sky at sumayaw sayaw pa.

"Cross, papuntahin mo yung pinsan mo dito ngayon. Kelangan na nya mabriefing kasi bukas ipapakilala ko na sya sa Mommy ko." Sabi ko kay Cross, agad naman syang may tinawagan sa cellphone nya.

"Papunta na sya." Nginitian ko naman si Cross, maaasahan talaga tong kaibigan ko na to.

Lumipas ang ilang oras ay may kumakatok na sa pinto. Agad namang tumayo si Cross at pinagbuksan ito.

"Hi, insan! Ano ba yang importanteng sasabihin mo? Muntik pa kong maligaw papunta dito. Nakakaloka ka! Di mo nalang ako sinundo." Dinig kong sabi nung pinsan ni Cross. Ang lakas naman ng boses non.

"Busy ako, e. Tsaka tingnan mo nandito kana." Dinig kong sagot naman ni Cross.

"Papapasukin mo ba ko o hindi?" Binuksan naman ng malaki ni Cross ang pinto habang iiling iling.

"Guys, si Athena, pinsan ko. Pang out of this world ang isip nito, ingat kayo." Agad namang pinalo nung pinsan nya ang ulo nito gamit ang payong.

"Siniraan mo naman ako agad sa mga kaibigan mo. Hello, Athena de Dios nga pala." Kumaway kaway pa ito samin.

"Hi, Athena. Ang ganda mo naman. Cross talaga di mo naman sinabi may maganda ka palang pinsan. Btw, I'm Sky." Lumapit agad si Sky at nakipagkamay.

"Sus! Bolero tong kaibigan mo, ha." Sabi nito pero nakipaghandshake naman.

"Hi, Athena. JC nga pala/Pau nga pala." Sabay namang sabi ni Pau at JC. Busy kasi parehas sa paglalaro sa mga cellphone nila.

"Hello, e eto pinsan sino to?" Turo naman nito sakin.

"Tss. I'm Sean." Naiirita kong sagot, ang ingay kasi nya e.

"Ay sungit. Pinsan ano ba sasabihin mo? May gagawin pa ko sa bahay, di ko pa naaayos yung mga dala kong gamit." Baling nito agad kay Cross.

"Ayan magsasabi sayo, oh." Turo ni Cross habang may hawak na tinapay.

"E? Ano ba yung sasabihin mo? Pakibilisan kasi may gagawin pa ako." Mataray nitong sabi sakin.

"Magpapanggap kang girlfriend ko." Diretsuhan kong sabi sakanya. Nanlaki naman ang mata nito at nagpalipat lipat ang tingin saming lima.

"Cross, isusumbong kita kay Mommy Ae." Biglang sabi nito.

Takang taka naman kami sa sinabi nya, lalong lalo na ang pinsan nyang si Cross.

"Ano ba ginawa ko sayo? Isusumbong, amp!" Naiinis na sabi ni Cross.

"Nagddrugs kayo." Seryoso nitong sabi.

Napatigil naman sa paglalaro ang dalawa at tawang tawa sa sinabi ni Athena.

"Hahaha gagi! Ang LT ng pinsan mo! Akala nya nagddrugs tayo dahil sa sinabi ni Sean! HAHAHAHA." Tawang tawang sabi ni JC.

"Sakit mo sa tyan, Athena! Hahaha pag malungkot ako ikaw agad tatawagan ko. Mukhang mapapasaya mo ko lagi, e." Sabi naman ni Pau na tawang tawa din at hinahampas pa ang sofa.

"Stop! Seryoso ako!" Tumigil naman sila at bumalik sa ginagawa pero halatang pinipigilan ang mga tawa nila.

"Kuya, ano ba kasing trip yon? Ako? Magpapanggap na girlfriend mo? Bakit?" Sunod sunod na tanong nito.

Napapakamot nalang ako sa kilay ko dahil sa babaeng to.

"My mom wants me to get married at kelangan may ipakilala ako sakanyang girlfriend ko bukas kung hindi ibblock nya lahat ng cards ko. Magpapanggap ka lang naman pag nanjan sya. Tapos after ilang months sabihin natin na hindi nagwork yung relationship natin para di matuloy yung kasal na gusto ni Mommy. That's all I want." Mahabang paliwanag ko sakanya.

"Wow! Ayoko nga. Ano mapapala ko sa gusto mo na yan? Duh!" Mataray nitong sagot sakin.

Badtrip naman tong babae na to!

"Fine, ano bang gusto mo?" Ngumiti naman ito ng malaki.

"Hmm, bigyan mo ko ng sariling condo tapos monthly bills ko sagot mo at syempre pati ang groceries ko." Napataas naman ang kilay ko sa gusto nya.

"What? Ano akala mo sakin milyonaryo?" Napipikon kong tanong sakanya.

"Edi wag. Pinsan uuwi na ko, mag aayos pa kong gamit, e." Lalakad na sana sya para lumabas ng hilahin ko sya.

"Fine! Fine! I'll give you what you want." Napapalakpak naman ito sa tuwa.

"G! So anong oras ako pupunta sainyo bukas? Tsaka anong isusuot ko? Wala akong dress na dala, puro maong lang." Sunod sunod na tanong nito.

"Susunduin nalang kita bukas kila Cross. Yung susuotin mo ako na bahala." Nagthumbs up naman ito sakin.

"Nga pala, one rule, bawal ma-fall."

For Hire: A Goddamn WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang