1ST ONE - 135.

6 2 0
                                    

1ST ONE - 135.

Pagkatapos ng yakapang iyon ay tahimik na naglakad sina Jayson at Venus. Nagpahila na lamang ang binata sa dalaga dahil siguradong alam nito kung saan sila pupunta.

"Jayson, pwedeng kumain muna tayo? I'm hungry."

Nilingon ni Jayson ang lugar kung nasaan sila sa sandaling iyon. Maliit na karinderya. Sa loob ng karinderya ay dalawang lamesa lamang ang okupado at ang iba'y bakante. Nilingon ng binata ang gilid, mayroong nagtitinda ng mga inihaw na pagkain.

Nilingon niya ang dalaga at naglahad ng kamay. "Tara."

"Thanks!"

Ngumiti lamang siya at sabay silang naglakad papasok ng karinderya. Sinalubong sila ng matandang babae na siyang nagbabantay at nag-aasikaso ng lugar na iyon.

"Sanay ka naman dito kumain, 'di ba?"

"Actually, first time ko sa ganitong lugar kaso gutom na ako. Dito na lang tayo kumain." Umupo si Venus sa upuang nasa gawi ng dingding malapit sa malaking refrigerator na may lamang soft drinks. "Kumain ka na ba?"

"Kumain na ako pero sasabayan kita sa pagkain." Umupo ang binata sa upuang katapat ng dalaga. "Kung tutuusin, hindi ka naman sanay sa simpleng pamumuhay. Base sa nakwento ng dad mo, sanay ka sa marangyang pamumuhay at maluho ka sa ilang bagay. At least nakikita kong unti-unti ka ng nasasanay sa buhay na nakasanayan ko."

"Hindi naman naging mahirap sa'kin ang mag-adjust. But wait, what's 'marangyang'?"

Tumawa ang binata. "In other words, expensive kind of life. Nakasanayan mong nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. 'Yung lumaki ka sa mayamang pamilya."

"Living in U.S. wasn't like that. Living in U.S. didn't mean we're that rich. Syempre, business minded ang parents ko kaya nagkaroon kami ng magandang pamumuhay. Hindi ako nasanay na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Pinaghihirapan ko ang mga bagay na nakukuha ko lalo na ang mga luho ko. Mula nga kasi no'ng nangyari kay dad, do'n ko mas naiintindihan ang hirap ng buhay. Mas naiintindihan ko ang totoong buhay no'ng makilala kita."

"Talaga?" Ngumiti lang ang binata. "Kung gusto mo, dadalhin kita sa mamahaling restaurant."

"No need, Jayson. Let's just eat here."

"Okay, sige. Anong gusto mong ulam?"

"What are in those big casserole?" Mayroong tatlong malaking kaldero sa kanilang gilid.

"Sinigang na baboy, nilagang baboy at dinuguan." Lumapit si Jayson sa matandang babae na kanina pa nakatingin sa kanila. "Lola, pa-order nga po."

"Alin diyan, iho?" Kumuha ng mangkok ang matanda.

"I want sinigang na baboy," sabi ni Venus. "Nakakagutom ang amoy."

"Mukhang hindi sanay ang girlfriend mo sa lugar na ito, iho. Isang order lang ba?"

"Ah lola, hindi ko pa po siya girlfriend," sabi ni Jayson. "Isang order po saka beefsteak. Pakidamihan na lang po ng sabaw ng sinigang, hehe."

Namula si Venus dahil sa narinig.

'Sabagay, hindi pa naman talaga kami in a relationship pero nakakakilig masyado 'yung sinabi niya. It's giving me chills.'

"Ah, gano'n ba?" Tumawa ang matanda kaya ngiti lamang ang itinugon ng binata. "Ihahatid ko na lang sa mesa niyo ang order niyo."

"Salamat po. Saka, dalawang kanin po."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now