Chapter 24

4.9K 112 1
                                    

“Parang antok na antok ka yata?" Diane asked me when she sat next to me. Napansin niya siguro ang paulit-ulit kong pagpikit.

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. “Oo, ala-una na kasi ako naka-uwi." Sagot ko.

“Huh? Ala-una?" Gulat siyang bumaling sa akin. “Bakit naman ganoon?"

“Tinapos ko kasi lahat ng gawain ko para sa loob ng isang linggo." Mahinahong sagot ko.
As sir said, I didn't go home last night until I finished my work. Takot na takot ako kagabi ng hawakan niya ako nang mahigpit sa panga.

“Bakit kasi tinapos mo ang lahat ng iyon?" Kinunutan niya ako ng noo bago inumin ang soft drinks na hawak niya.

“Mas okay na rin iyon," sagot ko na malayo sa tanong niya. “Tingnan mo ngayon, I don't have to do anything because everything is done." Nag-kibit balikat ako.

“Ewan ko sayo, Selene." Umiling siya.

I laughed. “By the way, why are you here?" My brows furrowed. Nasa office ako ngayon nagulat nga ako nang bigla siyang kumatok.

“I don't do anything in the department either." Napatingin ako sa kanya. “Tapos na kasi yung project na pinapagawa sa amin."

“That's why you're here?"

Mabiling siyang tumango at umirap pa. “Oo, ang boring doon."

“Baka naman mapagalitan tayo niyan." Biro ko, but deep inside ay kinakabahan ako para sa kanya dahil baka masermonan siya dahil sa pagpunta niya dito.

“Hindi naman siguro kasi yung manager naman yung nagsabi na puwede kaming magpaka hayahay ngayon."

“Sure ka ba diyan?"

“Oo nga sigurado ako." She chuckled and shook her head.

“Wala ka rin namang gagawin dito kaya bakit pumunta ka pa?"

“Malamang kasi nandito ka." Mataray na sagot niya.

Natawa ako. “Ano namang meron sa akin at pinuntahan mo ako dito?"

“Bakit? May iba pa ba akong kaibigan na puwedeng puntahan?" Balik na tanong niya sa akin.

“Malay ko saiyo," sagot ko at natawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin at mahina akong hinampas sa braso.

“Nakaka-offend ka naman. Parang hindi mo ako tinuturing na kaibigan." Ngumuso siya na parang nagtatampo.

“Luh? O.A nito." Sabi ko at mahinang tumawa. “Malay mo naman may iba kapang kaibigan diyan."

Mabilis siyang humarap sa akin dahil sa sinabi ko.. “Kung may iba akong kaibigan, edi sana sila ang pinuntahan ko at hindi ikaw."

I smiled because of what she said. Diane is my only friend here in the company. She has been my only friend since I started working here.

Wala na akong ibang kaibigan o kahit ka-close manlang bukod sa kaniya. She was the one who approached me first. Nagulat nga ako nung bigla niya akong kinausap hanggang sa nakasanayan ko narin siyang kausapin.

Tapos ayon na nga isang araw bigla nalang kaming naging magkaibigan. She's a sweet friend, she's always worried about me since then. Lagi kasi akong napapagalitan dito kahit hindi naman ganoon kalaki ang kasalanang nagawa ko.

But Diane always there for me. Malaki na ang naitulong niya saakin simula nang maging magkaibigan kami. Selene ang tawag niya saakin dahil nahihirapan siyang i-pronounce ang first name ko.

“Siya nga pala, Selene."

Agad akong napatingin kay Diane nang magsalita ulit siya.. “Bakit?" Takang tanong ko.

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now