Cgapter 26

5K 113 7
                                    

I smiled bitterly when I remembered our conversation earlier. Sinabihan ako ni Diane na mag-isip nang mabuti dahil yung inaakala kong mataas na sahod ay mababa pa pala. Tuwang-tuwa pa ako, hindi ko manlang nalaman na nadadaya na pala ako.

But even so, it never crossed my mind to leave here and just look for a new job. Gulong-gulo na rin ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ba hindi ko magawang umalis dito kahit na ganoon sila sa akin.

Naputol ang usapan namin ni Diane kanina dahil dumating na ang amo namin. As always, he is with his girlfriend again. There was nothing new because he was always with her even before.

I sighed heavily, umiling ako para malinis ang aking isipan. Nag-focus nalang ako sa ginagawa ko.

“Hey stupid secretary." Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa isang boses. Tumingin ako sa nagsalita. “Can you clean my shoes? Ang dirty na kasi eh." Maarteng sambit niya at inirapan pa ako.

My jaw tightened when she placed the shoes on my table. Hindi manlang niya ako hinintay na magsalita basta nalang niyang ginawa iyon.

My brows furrowed. “That's not my job," mariing sabi ko. “After all, you have your own hands so you can do it."

The corner of her lips lifted. “I think you're forgetting that I'm the CEO's girlfriend." Mapang-asar niya akong tinignan. “I could tell him to fire you." Kampante siyang tumayo sa harapan ko.

I sighed to calm myself down.. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. “Mamaya ko na pupunasan iyan. Uunahin ko muna ito." Sabi ko kahit labag sa loob ko na punasan ang sapatos niya.

“I want you to clean my shoes first. Hahayaan mo nalang ba nakayapak ang girlfriend ng CEO?" She slowly walked around my table. “I think you really want to lose your job. Tanga ka panaman, sigurado akong mahihirapan ka ng maghanap ng bagong trabaho."

Pasimple akong napa-irap. Kung hindi lang talaga ito girlfriend ng amo ko, kanina ko pa ito nasapak.

Bumuntong hininga ako. Dapat hindi ako nag-iisip ng ganito dahil amo ko na rin naman siya.

“I will clean it now. Umalis kana dadalhin ko nalang iyan sa office ni sir." I didn't look at her.

“Okay stupid secretary," sabi niya. “Ayusin mo iyan ah? Mahal kasi iyan hindi mo afford."

Nang hindi ako nagsalita ay umalis na siya sa opisina ko nang may malawak na ngiti sa labi. I smiled sadly, I don't know why there are such people.

Mayaman sila sa pera, pero parang taghirap sa disiplina. She's taking advantage of being a CEO's girlfriend. Ginagamit niya iyon para mang maliit ng ibang tao..

Nakasimangot ako habang pinupunasan yung sapatos niya. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko namang sinadya niyang dumihan ang sapatos niya para lang ipalinis sa akin..

Hindi naman kasi umuulan kaya imposibleng maputikan ang sapatos niya na ito. I shook my head. Why does she have to do this?

Pagkatapos ko ngang punasan iyon ay pumunata ako sa office ni sir para ibigay na ang sapatos sa girlfriend niya. I knocked three times before entering. Ayoko na masaksihan yung nasaksihan ko noong nakaraan.

“Ms. Celestia," bungad ng amo ko. “What do you need?"

“Oww you're here!" Hindi pa ako nakakasagot sumingit na agad ang girlfriend niya na sinamahan pa ng matinis na tili ang sinabi. “I told her to clean my shoes, hon. Nadumihan kasi kanina." She took the shoes from me.

My boss smiled at her. “It’s okay, hon. Puwede mo siyang utusan."

Umangat ang sulok ng labi ng babae. “Thank you hon."

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now