PROLOGUE

19 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events, place and incidents are either the products of the authors imaginations or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person living or dead or actual events are purely coincidental.

WARNING;

This story contains matured themes such as violence and the likes that may disturbing to others.

For those who will continue reading, this story may include harsh words such as cursing or any other languages that are not suitable for some audiences such as young readers.

Read at your own risk!

If you're still gonna read my story, I highly appreciate votes and comments, negative or positive. Pero hindi naman po masyadong negative na halos wala nang halaga yong pagod at puyat ko makagawa lang ako ng ganitong story.

I write to make myself free, don't ruin my freedom.

If you can't respect my work, feel free to leave ☺️😘

Thank you and enjoy reading!

🍁_PROLOGUE_🍁

Panay lang ang tango ko sa bawat bilin sa akin ng doctor. Ayaw ko sana ang ipatahi ang sugat na natamo ko kanina, but Sha insisted. Mabuti na daw ang siguradong ligtas ako. Matapos ang mga bilin, naiwan na akong mag-isa sa private room ko. Ewan ko kung kaninong pakana itong private room, napa-mahal pa.

Dahil sa sugat sa likod, padapa akong nahiga sa hospital bed. Bawal daw maipit ang sugat ko, baka dumugo na naman. Hindi ko pa masyadong nararamdaman ang kirot ng sugat dahil sa anesthesia na itinurok sa akin. Ganun pa man, nasisiguro kong masakit ito dahil anim ang tahi niyon.

Sa mga kuwento ni Lyn tungkol sa Nanay niya, umaasa pa akong magbabago iyon. But after experiencing how she hired someone to harm her own daughter, hindi ko na alam. Nawawalan na ako nang pag-asa na balang araw magbabago pa siya.

Mabuti na lang, hindi kami umabot ni mama sa ganito. Before I gave birth to my handsome son, nagka-ayos na kami ni mama. Speaking of, mabuti na lang din at hindi ko isinama ang anak ko kanina. Iniisip ko pa lang na makikita niya ang karahasang iyon, hindi ko na kaya.

Lihim akong napa-ngiti ng marinig ang mahinang pagbukas at sara nang pintuan ng aking silid. Must be Sha. Kumusta na kaya sila Lyn at Renren. Pareho daw dinugo ang dalawa. Sana okay lang sila pati na rin ang baby nila.

Nangangalay mula sa pagkakadapa na maingat kong itinukod ang isang palad upang suportahan ang sarili sa pagbangon. Ganun na lang ang pagkunot ng aking nuo nang may humawak sa aking bewang.




"Careful, kung ayaw mong tahian ulit," magaspang ang boses na turan ng pangahas.

Dahil sa bagong dating, muli na namang nagwala ang kaninang payapa kong dibdib. Hindi rin nakakatulong ang posisyon namin ngayon lalo pa at hindi ito umaalis sa aking likuran.





"Say Rhia, did you plan posing like this, nung malaman mong papasok na ako?" halos pabulong nitong sinabi na lalong nagpagulo sa aking sestima.






"B-bakit ko naman iyon gagawin?" lihim akong napa-mura dahil sa pagpiyok ng boses. Damn Xhandria, parang haplos lang, nababaliw ka na...

Mahina itong natawa dahilan upang bahagya madikit ang katawan nito sa akin. Napakislot ako at pabagsak na lang na naupo dahil sa kakaibang epekto niyon sa aking katawan.

Ano na Rhia? Nasaan na iyong sinabi mong hindi ka na magpapa-apekto sa lalaking ito?





"I told you to be careful," may bahid ng inis ang boses na kanyang sinabi habang tinutulongan akong maka-upo ng maayos.

Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa aking braso. Kita ko ang pagdilim ng mukha nito pero hindi pa rin ito tumigil sa pag-alalay sa akin.





"Bakit ka nandito?" pilit nilalabanan ang damdamin na usisa ko dito.





Pagak itong natawa. "Just making sure na hindi mo ako tatakasan sa inutang mo...." naka pamulsa nitong sagot habang matiim ang pagkakatitig sa akin.






"Don't worry, hindi ako ang tipo nang tao na bumabali sa pangako."





"Really? I doubt it Ms. Vyielle, iniwan mo nga ako noon, remember?" parang may bumara sa lalamunan na hindi ako naka-kibo sa kanyang paratang.

It was a different story. Gusto kong isigaw iyon sa kanya pero pinanatili kong tikom ang bibig. May magbabago ba kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ako umalis noon? Besides, may fiancee na siya. Bakit inuungkat niya pa ang nakaraan namin?






"Cat got your tongue, Ms. Vyielle?" nang-uuyam na usisa nito.





Malalim akong napahinga. "Umalis ka na muna, magpapahinga na ako." lalong sumama ang timplada nito dahil sa lantarang pagpapa-alis ko sa kanya. "And please be professional, aside from my monetary debt from you, I have no recollection being indebted on you for you to bring the past in our current issue. Kung hindi nga lang din nagamit ang pangalan ko, hanggang ngayon, wala din akong utang sa'yo."





"Don't try my patience, Ms. Vyielle." may pagbabanta sa boses na tiim nitong sinabi.




"I am not trying your patience Mr. Valmonte. I am just stating the fact here-" halos lumuwa ang mga mata ko sa subrang gulat ng biglang na lang nitong sinakop ang aking mga labi at mapasok na hinalikan.

Peste! May anak na nga ako, hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin nitong batang yagit na ito!



_Ryanne_

Embracing Dawn Where stories live. Discover now