𝚄𝚗𝚊𝚗𝚐 𝙱𝚊𝚑𝚊𝚐𝚒

9 2 2
                                    

"Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod na naman ang naibalitang kaso ng pagkawala ng mga mamamayan sa bayan ng La Quinta at mga karatig bayan nito. Tinatalang mahigit sampung katao na ang mga nawawala at base sa report, magkakaiba ang kasarian at gulang ng mga ito." pag-uulat ng reporter sa TV.

Habang ako'y nanonood ng balita, inis kong nilingon si Jacob nang patayin niya 'yung TV. Masiyado ata akong tutok sa pinapanood kaya hindi ko namalayan ang pagdating niya.

"Bakit mo pinatay, hon?" Nakangusong ani ko habang papalapit sa kaniya upang batiin ng yakap.

"What? I didn't do anything", I rolled my eyes at him. Seriously?

Umalis ako sa pagkakayakap at hinarap siya, "'Yung TV tinutukoy ko, kitang nanonood pa 'ko e. Tsaka narinig mo ba 'yun hon? Grabe parang dati lang paisa-isa pa 'yung nawawala pero ngayon parami na sila nang parami." tumingin ako sa sahig at kinagat ang pang-ibabang labi sa loob ng bibig ko, "P-paano kung maging biktima rin tayo tulad nila?" Hindi ko maiwasang matakot dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip ko.

He just ignored everything I said, yet he enveloped me in his hug which made me calm instantly. I sighed as the end of my lips reached from ear to ear. God, I'm so lucky to have this man. He had his own way on how to comfort me.

"It won't happen, okay? As long as I'm here, you'll be safe. Kaya ayaw kitang nanonood ng mga ganiyang balita e, you worry for nothing. Hindi ka na naman makakatulog ng maayos niyan." saad niya habang nakakulong ako sa yakap ng kaniyang pagmamahal at pinapakinggan ang bawat pintig ng kaniyang puso. Kumawala siya sandali at hinalikan ang aking noo. Hindi pa roon natapos ang mga pangaral niya na siyang nagpanguso sa akin.

"As long as makikinig ka lang sa mga sinasabi ko, walang mangyayaring masama sa 'yo." tila makahulugang aniya habang nakatitig sa aking mga mata.

Makalipas ang isang buwan, kaunti na lang ang naibabalitang kaso ng mga taong nawawala. Sa halip na maging masaya ay nakaramdam ako ng lungkot dahil kasabay nito ay ang biglaang pamamaalam sa 'kin ni Jacob na kailangan niyang magpunta ng Ilocos sa kadahilanang pagre-reassign sa kaniya ng kanilang boss.

Ito ang magiging unang beses na magkakalayo kami ng medyo matagal kaya ngayon ay sinusulit namin ang natitirang araw na magkasama. We make love almost every day, natatawa ako sa tuwing pinanggigilan niya ako, he loves svcking my neck at minsan nga'y nasusugatan na ako roon but I don't mind at all. I just love him so much, and I want to pleasure him as much as how he pleasures me.
⁓⁓⁓⁓⁓⁓⁓⁓⁓

"Hon, I'm worried. Umabot dito ang balita na laganap ang patayan diyan sa lugar na kinaroroonan mo. Umuwi ka nalang kaya muna rito." Nababahalang turan ko habang kausap ang aking nobyo.

Magmula noong umalis siya ay tuluyang natuklasan ng mga tao na ang nasa likod ng pagkawala ng mga tao rito sa amin... ay dahil sa mga bampira. It sounds so absurd pero nang ipakita sa publiko kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga nawawalang tao, na kung saan ang kanilang mga leeg na tila kinagat ng dalawang pangil na dahilan ng pangingitim ng kanilang kanilang mga ugat mula sa nakagat na bahagi hanggang sa buong katawan ang siyang nagpapatunay na totoo nga ang mga bampira.

At ngayon nga ay nasa kabilang bayan naman naghahasik ng kasamaan ang mga ito at nagkataon pang nandoon si Jacob. Pero sa halip na matuwa siya sa pag-aalalang pinakita ko, ay napagtaasan pa niya ako ng boses na siyang nagpagulat sa akin ng husto, lalo na noong banggitin ko ang tungkol sa mga bampira.

3rd person's POV

"Hindi niya dapat malaman, kumalma ka" pagpapakalma niya sa sarili at huminga ng dahan-dahan habang nakapikit. Sa kaniyang muling pagmulat ng mga mata, bilog na buwan ang siyang bumungad sa kaniya na naging dahilan ng kanyang pagngisi.

"Magsimula na tayong maglaro."

Samantala, sa kwarto ni Khadija...

Malalim na ang gabi, malamig ang simoy ng hangin na yumakap sa kaniyang katawan niya siyang pumasok galing sa bintana ng kaniyang kwarto. Hawak ang cellphone habang nakatingin dito, ngunit iniisip niya pa rin kung bakit niya ito nagawang pagtaasan ng boses. "Siguro stressed lang 'yon kaya gano'n, oo tama yun nga." Panungumbinsi niya sa kaniyang sarili, binaling niya ang kaniyang tingin sa kisame at pumikit.

Ilang sandali pa ang nagdaan, isang misteryosong lalaki ang nakatayo sa gilid ng kama ni Khadija habang siya'y natutulog na pinagmamasdan nito.
"Nakita na rin kita sa wakas, aking sinta." Sabay haplos sa mukha ni Khadija.

Nakaramdam ito ng kirot sa kaniyang puso kaya't napahawak siya rito. Nag-ipit siya ng papel sa ilalim ng vase sa ibabaw ng lamesa kung saan naroon sa itaas nito ang salamin. Sa bawat sandali ng kaniyang pagkilos ay lalong tumitindi ang sakit na kaniyang nararamdaman. Nanghihinang lumapit siya kay Khadija na mahimbing ang pagtulog. Ngumiti siya rito at hinalikan siya sa noo. "Ika'y mag-iingat aking mahal." sabay ng pamamaalam niya ay ang kaniyang pagkawala sa hangin.

~~~~~~~

Sa paggising ni Khadija sa panibagong araw, pakiramdam niya'y nakasama niya sa pagtulog ang nobyo kaya't dali-dali siyang bumangon sa kaniyang higaan at hinanap siya sa buong bahay nang may ngiti sa mga labi, umaasang makikita ang nobyo at magkaayos sa nangyari.

"Hon? Nasa'n ka?"
"ganiyan ka na pala ngayon a. Sige maglaro tayo."
"Nand'yan na 'ko hon ko."

Naikot na niya ang buong bahay, ngunit sa kasamaang palad, hindi niya nakita ang nobyo. Bagsak ang balikat na bumalik sa kaniyang kwarto si Khadija. Sa pagbalik niya sa kwarto, nabaling niya ang tingin niya sa papel na nakaipit sa ilalim ng vase sa lamesa. Napukaw nito ang kuryosidad ni Khadija kung kaya'y kinuha niya ito at binasa ang sulat.

"Greenhouse factory. Portal. 45068. Puntahan mo ako."

Ang sabi sa sulat na siyang binasa ni Khadija. Nangunot ang kaniyang noo habang inaalala ang lugar na tinutukoy sa papel.

Nang matandaan ang lugar ay agad siyang nagtungo roon. Kahit ang kaniyang tsinelas na suot ay magkaiba pa ng sukat at parehas pang kaliwa sa sobrang pagmamadali.

Sa sobrang fresh niya ay naliligo na siya sa malamig na likido. Lumapit siya sa greenhouse factory na siyang naging saksi sa kanilang unang pagkikita ng kaniyang nobyo.

Sa pagbukas ni Khadija ng pintuan, isang bilog na purple portal ang bumungad sa kaniya. Inilapit niya ang kaniyang kamay dito at ipinasok, aalisin niya sana, subalit hindi na niya ito maalis. Bumilis at lumakas ang tibok ng kanyang puso maging ang paghinga niya ay bumilis nang wala sa oras.

Ilang sandali pa ay hinigop siya ng portal na siyang nagdala sa kaniya sa harap ng isang pintuan na medyo may kalumaan na dahil sa mga tapyas nito sa gilid at harapan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐚𝐥𝐞 𝐨𝐟 𝐋𝐚 𝐐𝐮𝐢𝐧𝐭𝐚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon