1ST ONE - 136.

5 2 0
                                    

1ST ONE - 136.

"How's living with Jayson?"

"Great, dad." Umahon mula sa swimming pool si Venus at kaagad na isinuot ang kaniyang roba. "I'm happy that I got to learn the household chores since tinutulungan niya ako."

"Tinutulungan o tinuturuan? There's a difference on that." Tumawa si Frans Samonte.

"I can say na pareho, dad."

Pareho silang tumawa dahil doon.

"Unti-unti na nating nababayaran ang Lee Family sa kanilang pagtulong sa'tin." Ngumiti ang dalaga ng marinigang maganda ang himig ng kaniyang ama sa sandaling iyon. "Matagal pa ang magiging proseso bago tuluyang maibalik ang hospital."

"Gaano katagal, dad?"

"Anim na buwan or isang taon? Hindi ako sigurado, anak." Bumuntong-hininga ang ginoo. "Hindi pumayag ang Chairman ng Lee Family sa proposal ko. Idinaan ni Jia Lee sa maayos na proseso ang pagkuha ng hospital kaya maibabalik lang 'yon sa maayos ding proseso. May karapatan naman ang pamilya niya na hindi agad ibalik ang hospital since sila ang sumalo sa panahong nabaon ako sa utang."

"Nakausap mo na ba si Jia about diyan, dad? What did she say about sa ayaw pumayag ng kapatid niya sa proposal mo about the hospital?"

"Hindi na niya hawak ang kompanya ngayon dahil tuluyang nagkaroon ng bagong Chairman and CEO maging ng Vice Chairman. I talked with Randy Choi at sinabi niyang hindi siya ang dapat magdesisyon dahil si Jia pa din ang bahala para doon. Hindi ko pa nakakausap si Jia Lee dahil hindi available ang kaniyang business number. Nabalitaan kong abala siya sa pag-aaral niya kaya hahayaan ko muna."

"I can ask Jayson's help."

"No, h'wag na. H'wag mo na din sabihin sa kaniya ang about sa pinag-usapan natin. Yesterday, I bought a new house. Not that spacious but a comfortable one. I found someone to buy the mansion and sold it."

"How much?"

"Ten million."

"Ten million?" Halata ang gulat sa mukha ng dalaga. "I bet that person is really interested with our mansion."

"Yes, he is. Nanghihinayang man ako sa mansion pero kailangan nang i-let go. Ang mahalaga ngayon anak, wala na tayong utang. Maayos na ulit ang buhay natin. Hindi ka na din maghihirap. Salamat sa Diyos, anak."

"I'm happy about that, dad." Bumuntong-hininga ang dalaga. "Diyan ka na ulit sa U.S.?"

"For a year, anak. Ibebenta ko ang bahay na 'to at sasamahan na kita diyan sa Pinas. I am planning to buy a house and lot somewhere in Manila."

"Okay, dad. I'll end the call now because I have to take a shower."

"You gone swimming?"

"Yup. Bye, dad."

"Bye, anak. I'll call you again tomorrow."

"Stay safe always, dad."

"Ikaw din, anak."

Tatlong araw na ang lumipas mula noong nanatili si Venus sa bahay ni Mister Choi kasama si Jayson. Dahil sa naging komportable ang dalawa sa isa't isa ay hindi na sila gaano nakaramdam ng pagkailang. Magkasama sila sa paglilinis ng buong bahay maging sa backyard, pagluluto, paglalaba maging sa panonood ng random videos sa YouTube na nakakonekta sa malaking TV.

Bukod sa pagtulog sa magkaibang kwarto ay may isang bagay silang ginagawa na hindi magkasama. Hindi man nila aminin sa isa't isa, bukod sa tinatawag na privacy ay doon sa gawaing iyon sila nagkakaroon ng pagkailang.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon