1ST ONE - 137.

4 1 0
                                    

1ST ONE - 137.

"'Yan na lahat ng mga gamit na dadalhin mo?" Mula sa kaniyang pagtalikod ay humarap si Ace kay Jodie na may hila-hilang dalawang maleta sa magkabilang kamay. "Akina, ilalagay ko na sa kotse."

"Pwede po bang ilagay 'yung bike sa likod?" Tuluyang isinara ni Jodie ang pinto ng bahay na iyon. "Mamaya pa makakauwi si kuya kaya kailangan muna i-lock ang bahay."

"Isususnod ko na lang. Wait lang."

"Sige lang, kuya."

Kinatitigan ng dalaga ang kabuuan ng bahay sa kaniyang harapan. Bumuntong-hininga siya at tuluyang tumalikod at lumapit sa kotse. Tinulungan niya si Ace sa pagpasok ng bisikleta at patagilid iyong inilagay sa likod ng kotse. Naroroon din ang dalawang maleta.

"Anong oras siya nauwi?" Muling hinarap ni Ace si Jodie. "Anong trabaho? Saan?"

"Sa Nuvali. Siya ang gumagawa ng trabaho ni Kuya Christian noon."

"Ah. Oh siya, tara na? Mag-message ka sa kaniya na pabalik na tayo ng Manila."

"Okay." Nauna nang pumasok sa kotse ang dalaga at umupo sa passenger seat habang abala sa kaniyang cellphone.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nasa kalagitnaan na sila ng byahe. Binuksan ni Ace ang player ng kotse at nagsimula ang mahinang tugtugin.

"Kumusta ang LDR?"

"Ha?" Napaayos ng upo si Jodie dahil doon. "Ano..."

"Patulog ka na yata." Tumawa ang binata na hindi inaalis ang paningin sa kalsada. "Kumusta kayo ni Jaehan, ni Minje?"

"Actually, walang araw na 'di niya ako kinukumusta." Ngumiti ang dalaga at kalauna'y bumuntong-hininga. "Isang buwan din akong hindi nagparamdam sa kaniya."

"Baka mamaya sa sobrang pagka-miss sa'yo ay puntahan ka niya? Gagawin niya 'yon, basta ikaw."

"Sinabi niya 'yan, hindi ko sinagot. Mahirap nga ang LDR pero ang iniisip ko, magkikita at magkikita pa din kami."

"Sabagay, mangyayari na nga e."

"Alam ba ni Ate Jia na pupunta tayo sa Korea para sa graduation niya?"

"Hindi ko totally sinabi na pupunta ako pero alam kong alam niya na pupuntahan ko talaga siya. May sariling reason si Jayson kaya niya isasama si Venus at kaya kita isasama ay para magkita ulit kayo ni Minje."

"Ah, gano'n ba? Salamat kuya, hehe."

"Welcome."

Tuluyang nakatulog si Jodie habang nasa byahe at naalimpungatan siya nang marinig ang isang malakas na busina ng isang sasakyan.

"Anong nangyayari, kuya?"

"May truck na dumaan. Nag-counterflow 'yung kotse sa harap." Kasalukuyang nakahinto ang kotse at dumungaw si Ace sa bintana.

"Nasa'n na tayo?"

"Malapit na sa subdivision ng bahay ni Mister Choi."

Hindi na nagsalita ang dalaga at muling pumikit. Muling umandar ang kotse at tuluyang lumiko papasok ng subdivision.

*BEEP! BEEP!*

Huminto ang kotse sa harap ng bahay.

*BEEP! BEEP!*

"Jayson! We're here!"

Ilang minuto ang dumaan at bumukas ang malaking gate ng bahay. Tuluyang pumasok ang kotse at muling sumara ang gate. Bumaba si Ace at humarap kay Venus.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now