1ST ONE - 138.

6 2 0
                                    

1ST ONE - 138.

Naging tahimik ang kabuuan ng bahay. Bukas ang lahat ng pailaw sa pool area at maligamgam ang tubig ng swimming pool na iyon. Habang nakaupo sa beanbag ay tuluyang tinanggal ni Venus ang kaniyang suot na roba at tumayo. Lumapit siya sa pool at tuluyang tumalon.

Isa sa kaniyang hilig ang mag-swimming. Kinahiligan niya ito mula noong bata pa lamang siya. Naaalala niyang ang kaniyang ina ang nagturo sa kaniya na lumangoy. Bumuntong-hininga ang dalaga nang sumagi ang kaniyang ina sa kaniyang ala-ala. Mula nang mamayapa ang kaniyang ina ay doon niya natutunan na maging mapag-isa at maging matatag para na din sa kaniyang ama.

Habang patuloy sa paglangoy ay hinayaan niyang tuluyang mawala ang kaniyang inisiip at sa huli ay tuluyan siyang nablangko. Huminto siya sa gitna ng swimming pool at hinyaan ang sariling magpalutang-lutang. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay nakakaramdam siya ng kaginhawaan. Nakasanayan niyang sa gabi mag-swimming kaysa sa umaga, isa iyon sa kaniyang natutunan mula sa kaniyang ina.

Mula sa likurang pinto ng bahay ay lumabas si Jayson at napansin ang dalaga na nakalutang. Nabitawan niya ang hawak na tuwalya at kaagad na tumalon at lumangoy palapit sa kaniya. Napahawak ang dalaga sa mga balikat ng binata dahil sa gulat.

"Do you want me to get drowned?" Halata ang inis sa mukha ni Venus. "Nagulat ako dahil sa'yo."

"S-Sorry." Bumuntong-hininga si Jayson at hinila ang dalaga sa gilid ng pool. "Inisip ko kasi na baka napaano ka na kasi nakalutang ka."

"Ah, you don't have to worry about that. That's the thing that I do to be calmed and relaxed." Napasandal ang dalaga sa binata na nakaakbay sa kaniya. "Bakit ka nandito? Nagulat talaga ako sa'yo."

"I want to swim." Ngumiwi si Jayson pagkasabi niyon sabay tingin sa mga mata ni Venus. "What if magkasama na lang tayo dito sa pool?"

"Okay. Pero what if tanggalin mo ang arm mo sa shoulder ko? N-Nanginginig ako?"

"Nanginginig ka na patanong or statement? Kung ako sa'yo umahon ka na, nalalamigan ka na masyado."

"Nanginginig dahil sa kilig?"

Natahimik ang dalawa at nagkatinginan.

Ngumiti si Jayson kaya naman ngumiti din si Venus. Naging mabilis ang pagtibok ng kanilang mga puso at hindi maialis ang paningin sa isa't isa. Naglapit ang kanilang mga katawan. Ang mga braso ng dalaga ay nakapulupot sa batok ng binata at naramdaman niya ang mga braso ng binata na nasa kaniyang bewang. Tuluyang naglapit ang kanilang mga mukha nang...

"Okay, cut!"

Napalingon ang dalawa dahil sa gulat. Umilalim sa tubig si Venus at nahila niya si Jayson. Mabilis na hinalikan ng binata ang dalaga at tuluyan silang umahon.

Wala silang napansing may dumating sa pool area na iyon. Namumulang umalis ng pool si Venus at isinuot ang kaniyang roba.

"Siguradong si Ace 'yon," sabi ni Jayson at pinulot ang nabitawang tuwalya. "Nasa'n kaya siya?"

"That was..." Humarap si Venus kay Jayson at halata ang pamumula sa kaniyang mukha. "Did you just...?"

"Uhm? Yes, I kissed you." Muling naglapit ang dalawa at nagkatinginan. "Hinila mo ako kaya hinalikan kita."

"Nagulat kasi ako!"

"Kinikilig ka na e."

"Bakit? Hindi ka ba kinikilig dahil sa ginawa mo?"

"E di bawian mo ako? Kung gusto mong maging patas lang tayo e halikan mo ako."

"Namimihasa ka!"

One Series: The Hope (1st One + Gift)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora