Chapter 30

5.6K 116 1
                                    


"Selene.. Uyy Selene, Selene! Yuhooo!"

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses ni Diane. Winawagayway niya ang isang kamay niya sa harap ng mukha ko para kunin ang atensyon ko.

"Anong nangyari sa iyo? Akala ko nakasunod ka lang sa akin." Nakakunot ang mukha niya habang seryosong nakatingin sa akin.. "Todo sayaw ako doon sa gitna tapos naiwan ka pala dito."

"Ah may nakita ka bang lalaki kanina?" I looked behind me to see who that man was earlier..

"Sinong lalaki?" Takang tanong niya. "Wala ka namang kasama dito at kanina kapa nakatayo diyan mag-isa."

"No, there was a man earlier. He even held me by the waist-" napatigil ako sa pagsasalita at mariing napapikit kasabay ng paghawak ko sa ulo ko dahil sa biglaan nitong pagkirot.

Naramdaman ko naman ang agad na pag-alalay ni Diane sa akin. "Selene, mukhang lasing ka na agad. Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Halika na nga at bumalik na tayo doon sa upuan."

Inalalayan niya ako pababa sa dance floor hanggang makabalik na kami sa puwesto namin kanina.

"Kumikirot ang ulo ko, Diane." Inda ko at mas lalo pang pumikit. "Parang ang lakas ng tama ng alak sa akin."

"Halata naman dahil kung ano-ano na ang pumapasok diyan sa isipan mo."

"Didn't you really see a man behind me earlier?" Muling tanong ko sa kanya.

She immediately shook her head. "Wala ngang lalaki ano ka ba. Nang mapansin kong wala ka sa likuran ko ay hinanap agad kita. Tapos ayun nakita nalang kitang tulala." Tumigil siya at tinignan ako. "Selene baka dahil lang iyan sa hilong nararamdaman mo."

Bumuntong hininga ako.. "Siguro nga.." Saad ko na lang. I'm not even sure if someone really held me. Maybe it's just because of the alcohol.

Dahil nga siguro ito sa alak.. Maraming tao sa dance floor kanina kaya hindi rin talaga ako sigurado.

O baka naman may lalaki talaga pero nagkamali lang siya ng nilapitan. Pinaling ko ang ulo ko at hindi na lang iyon inisip.

"Lasing ka na ba talaga? Kaya mo pa bang uminom?" Muli akong tumingin kay Diane.

"Hindi pa naman sobra, but I'm a little dizzy.. Nahilo yata ako dahil sa dami ng tao doon." Tukoy ko sa dance floor. Ang gulo kasi doon dahil lahat ng tao ay may kani-kaniyang sayaw..

Sinasamahan pa nila ng tili at hiyawan ang ginagawa nilang pagsayaw kaya nakakahilo talaga. Idagdag mo po yung mga ilaw na papalit-palit ng kulay..

"But I can still drink, kaya ko pa naman."

"Sigurado ka?" Dudang tanong niya..

I nodded. "Nakaka-isang bote pa lang ako, walang titigil hanggat walang sumusuka." Nahihilo lang naman ako pero sigurado akong kaya ko pang uminom. "I want to experience being really drunk."

"Woow! Ang tapang naman." The corner of her lips lifted. "Pero gusto ko rin iyan, yung tipong hindi na natin alam ang ginagawa natin."

I smiled widely.. "Tara na inom pa tayo," mayabang kong sabi. Pero totoo naman na gusto ko talagang malasing ng sobra hindi ko lang alam kung bakit.

"O sige dito ka muna kukuha lang ulit ako ng alak." Excited siyang umalis sa harapan ko. Ang lawak-lawak ng ngiti niya.

Nakamasid lang ako sa kanya hanggang tuluyan na siyang makakuha ng alak. Umalis siyang mag-isa pero pagbalik niya may kasama na siya..

"Nagpatulong ako sa kanya na bitbitin yung walong bote ng alak." She pointed to the man with her.

"Eight bottles?" Lumaki ang mata ko. "Bakit naman sumobra ang dami?"

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now