1ST ONE - 139.

5 2 0
                                    

1ST ONE - 139.

"What the..."

"Kuya Ace?"

Napalingon si Ace kay Jodie na napahawak sa kaniyang balikat. Muli nilang tiningnan sina Venus at Jayson. Mahimbing na natutulog ang dalawa. Mayroong dalawang unan sa kanilang pagitan. Balot na balot ng kumot si Venus habang mayroong unan sa tiyan ni Jayson at wala siyang damit pang-itaas.

"I hate what I'm thinking right now." Bumuntong-hininga ang binata at naglakad paalis sa kwartong iyon.

Tahimik na pumasok si Jodie at dumiretso sa mga bintana upang itali ang mga kurtina niyon. Muli niyang nilingon ang dalawa na nananatiling tulog. Nilingon ng dalaga ang kabuuan ng kwarto at may nakitang kumot sa gilid ng closet. Kinuha niya iyon at dahan-dahang inilagay sa katawan ni Jayson. Habol niya ang hininga dahil sa kaba ngunit masaya siya dahil nagtagumpay siya.

Kinatitigan niya ang dalawa. Nananatili siyang walang imik. Isang minuto ang lumipas ay tuluyan siyang tumalikod, naglakad palabas ng kwartong iyon at isinara ang pinto. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto at isinara ang pinto niyon. Humarap siya sa mga bintana at tuluyang nasilayan ang pagsikat ng araw. Umupo siya sa kama at kinuha ang kaniyang cellphone.

Awtomatiko siyang ngumiti nang makita ang kaniyang lock screen wallpaper. Litrato nila iyon ng kaniyang iniibig, si Minje. Naalala niyang ilang buwan na ang lumipas mula noong huli silang nagkita at nagkasama. Aaminin niya, nangungulila siya sa binata.  Habang abala sa pagpindot sa kaniyang cellphone ay sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang kuya, si Gifterson.

Doon siya nakaramdam ng lungkot. Sinubukan niyang alalahanin ang kaniyang masamang panaginip at nagsimula siyang lumuha. Tahimik siyang lumuha. Hindi niya alam ang dahilan ngunit labis siyang nalulungkot sa sandaling iyon. Muli niyang binasa ang chat ng kaniyang kuya para sa kaniya.

Kuya Gifterson ♥️:
Mag-ingat ka, Jodie. Nandiyan ang mga kaibigan ko para sa'yo. Masasanay ka ding mapag-isa. Kung dumating ang panahon na ramdam mong nag-iisa ka, nandiyan si Minje para sa'yo. Nandiyan ang lalaking nagmamahal sa'yo. Or ganito, kumustahin mo lang ako o puntahan mo ako dito sa Laguna. Nandito lang naman ako para sa'yo, kahit anong mangyari. Mag-ingat ka. Oh siya, papasok pa ako sa work. Bye. ☺️
Seen: 06:10 am

"B-Bakit ba ang w-weird ng nararamdaman ko? Bakit a-ako umiiyak ng ganito? Masamang panaginip lang 'yon..." Patuloy siyang lumuha ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "K-Kuya Gifterson..."

Napahiga siya sa kama at nakatulugan ang pagluha. Hindi niya namalayan na tumatawag si Minje. Nakailang tawag ito sa kaniya.

**

"Hindi sa nakikialam ako sa inyo pero, anong nangyari sa inyo kagabi? May ginawa ba kayong..." Bumuntong-hininga si Ace habang nakakrus ang mga braso. "You know what I mean."

"We made out last night before we sleep." Hindi nakaimik ang binata dahil nababatid niyang natural iyong sinabi ni Venus. "That's it. No sexual intercourse-----"

"Stop." Gamit ang isang kamay ay ihinarap niya iyon sa dalaga. "I got your answer."

Tahimik lamang si Jayson sa sandaling iyon habang nakaakbay kay Venus. Maging siya ay hindi makaimik dahil sa nangyari sa nagdaang gabi. Bumuntong-hininga siya.

"I know you're stress already," dugtong pa ng dalaga. "I'll leave this house since tapos na ang isang linggo na pagtira kasama ni Jayson. I'm sorry if this freaks you out. I'm sorry."

"Hindi mo ako masisisi pero wala naman akong magagawa. Kayo 'yan. Buhay niyo 'yan. Nasa tamang edad naman kayo.  Pwede niyong gawin ang gusto niyo pero dapat may limitations pa din. May isa lang talaga akong hindi nagustuhan, e." Bumuntong-hininga si Ace. "Dapat kasi, nagla-lock kayo ng pinto. Mabuti sana kung ako lang nakakakita na magkasama kayong natutulog, nagyayakapan kayo at ngayon, may 'nangyari' na sa inyo."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora