1ST ONE - 140.

8 1 0
                                    

1ST ONE - 140.

"Dala ng stress at lungkot, lalo iyong nakaapekto sa kaniya," sabi ni Ace. "Ang sabi nga ni Honey at no'ng chinceck ko ang body temperature ng kapatid mo ay okay naman, manageable. No'ng dumaan ang gabi ay biglang tumaas ang init ng katawan niya at sinumpong na siya kaya sinugod na namin sa ospital."

"Salamat, Ace. Salamat at nandiyan ka para sa kapatid ko. I'm sorry at hindi ako makapunta diyan para bisitahin man lang siya." Bumuntong-hininga si Gift. "Ikaw na muna ang bahala sa kaniya sa ngayon."

"Ano ba kasi ang nangyayari, Gifterson? Kaibigan mo ako, pwede ka namang magkwento."

"Malalaman mo din sa tamang panahon." Tumahimik sa linya ni Gift. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. "Nasa ospital pa din ba siya?"

"Nakauwi na siya kaninang umaga. Mister Choi is here para tingnan ang kalagayan ng kapatid mo. Tita Ging's here too, and I'm here. Magiging maayos din ang kapatid mo, no worries."

"Salamat. Sobrang salamat."

"Walang anuman."

Tuluyang naputol ang tawag pagkatapos niyon. Bumuntong-hininga si Ace.

'Paano kung punatahan ko siya sa Laguna? Ay, h'wag na muna. Sa susunod na lang.'

Mula sa poolside ay lumingon sa ibang direksyon ang binata. Napansin niya si Jayson na naglalakad patungo sa harapang pinto ng bahay na iyon.

"Jayson!" Lumapit ang binata sa kaibigan. "Sa'n ka pupunta? Bihis na bihis ka, ah?"

"'Di ba nasabi ko na sa'yo kanina?" Humarap si Jayson at inayos ang suot na jacket. "Ayos naman, 'di ba?"

"May kamukha kang actor sa isang Korean Drama na nakwento sa'kin ni Jia. Nahihilig na naman siya do'n e kaya 'yon, ayos lang sa'kin. Kamukha mo 'yung bida do'n."

"Anong KDrama 'yan? Sinong bida?"

"'Di ko maalala actually. 'Di ko pa napapanood, e. Sa isang tingin lang talaga, magkamukha kayo." Tumawa ang binata at tinapik ang balikat ng kaibigan. "Bagay sa'yo ang outfit mo. Kung ako si Venus, namumula na ako dahil sa kilig."

"Loko."

"Aba totoo nga! Come on kiddo, ako na ang nagsasabi sa'yo. Ang gwapo mo pero mas gwapo pa din ako sa'yo."

"Sabi na nga ba e at sasabihin mo 'yan." Pareho silang tumawa. "Salamat. Sige na at aalis na ako."

"Picnic date sa ganitong oras? Mainit pa, ah?"

"Pupunta ako sa mall para bumili ng bulaklak. Sige na."

"Ingat at enjoy. Nakakailang date na kayo, ah? Hindi na kayo halos mapaglayo sa isa't isa."

Ngumiwi lang si Jayson at kumaway. Tuluyan siyang tumalikod at naglakad palabas ng bahay. Ilang sandali pa ay sumakay siya sa kotse at tuluyang pinaandar palabas ng gate.

"Ang aga naman niyang umalis?" Napalingon si Ace dahil sa boses ni Ging. "Mukhang excited siya para sa kaniyang date."

"Kung alam niyo lang tita.." Tumawa ang binata. Magkasabay silang dumiretso aa kusina. "You want coffee, tita?"

"Kung alam ko lang na ano?"

"Hindi na sila halos mapaghiwalay."

"E bakit hindi pa sila magsama sa iisang bubong?"

"T-Tita?" Nasamid ang binata dahil doon. Pagkahigop sa kaniyang kape ay pinunasan niya ang kaniyang bibig. "Tama ba ang narinig ko?"

"Sigurado naman akong nakapaglinis ka ng mga tenga mo." Tumawa ang ginang. "Tama ang narinig mo. Kung hindi mapaghiwalay sina Jayson at Venus, kung gusto nilang palaging magkasama e bakit hindi sila magsama sa iisang bubong? Sila ang magdedesisyon para sa kanila. Nandito lang ako para suportahan at gabayan sila."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now