Chapter 1

246 11 2
                                    

"Paano ba 'yan, Dianne, ikaw na lang ang walang asawa sa atin?" tudyo sa kanya ng kaibigang si Marian. Nasa Albano Hotel sila dahil ikinasal ang kaibigan nilang si Sheryl. Siya na lang ang single at wala pang planong magpatali. Ang masama pa, wala siyang nagtatagal na boyfriend.

"Humabol ka na sa biyahe, malapit ka nang malipasan ng kalendaryo," biro pa ng kaibigang si Wendy. "Ano ba kasi ang hinahanap mo sa isang lalaki at walang nagtatagal na boyfriend mo? Okay naman si Joe ah, bakit mo hiniwalayan?"

"F'ck them all! I hate liars and cheaters!" Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, puro manloloko ang natatagpuan niya. Dalawang beses na siyang niloko dahil nambabae, isang beses pa siyang na-scammed dahil na-recruit pa siya ng ex niyang nagtayo ng networking. Ilang beses na rin siyang niligawan pero tumigil kaagad bago pa man niya sagutin. Kahit naman siya ay atat nang mag-asawa. At twenty-eight years old, she had start dreaming of having her own kids.

Naiinggit siya sa kapatid niyang si Patrick na may limang taong anak na ngayon. Patricia, ang ampong anak nito kay Jane, at si Jace na totoong anak nito kay Janine, at ang bagong panganak na si Prince. Natali na siya sa opisina dahil siya ang may hawak ng Finance Department ng Romano Shipping Line Company. Naantala na nga ang pangarap niyang makarating sa iba't ibang bansa, kahit pa ang personal niyang buhay ay hindi niya rin maiayos.

"Mali ka lang ng napipiling lalaki," palubag-loob naman ni Wendy. "Piliin mo kasi 'yung low maintenance. 'Yung hindi pera ang habol sa 'yo."

"Pera ba ang habol nila sa 'kin? Am I not beautiful?"

"You are beautiful. Kaya ka nga lapitin ng mga lalaki kahit mga college pa lang tayo," sagot naman ni Sheryl. "Pero yung mga sinasagot mo kasi 'yung mahilig sa bisyo, mahilig sa night life, kung saan-saan kayo nagpupuntang bansa. Immature pa ang mga ganoong lalaki."

"I thought I was compatible with them!" katwiran niya. "Bakit ko naman sasagutin kung hindi niya hilig ang mga hilig ko? Anong pwede naming pag-usapan? Ang boring nun!"

"E kaso nga hindi pa seryoso sa pag-aasawa ang ganoong lalaki. Tingnan mo nga si Clarence na una mong boyfriend, hindi ba't naka-hook ng ibang babae sa bar?"

"E bakit kayo? Nakatagpo naman kayo ng matitinong lalaki?"

"Kasi nga doon kami sa low maintainance. Kapag kumain kami sa labas once a month lang kasi kailangan naming magtipid. Sa bahay na lang magluto, at least kaming dalawa lang, di ba? Hindi siya matutukso sa iba." sagot pa ni Wendy.

Sa kanilang magkakaibigan ay siya lang naman talaga ang ubod ng yaman. Si Crystal na ikinasal ngayon ay pinag-ipunan pa ng dalawang taon ang pagpapakasal sa Albano Hotel na dream wedding nito. Habang siya na kayang magpakasal nang higit pa sa ganito karangya ay wala namang lalaking pakakasalan dahil nakipag-break siya kay Joe matapos matuklasan na ninakawan siya ng alahas na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.

Hindi siya nagsumbong sa pulis dahil malalaman lang ng Papa't Mama niya na ang napili na naman niyang lalaki ay palyado. Humingi na rin ng tawad si Joe at inamin na nalulong ito sa sugal kaya nito nagawa ang ganoon. Hindi niya na rin ipinaalam sa mga kaibigan kung bakit siya nakipaghiwalay. Pero tama na ring tinapos niya na ang relasyon nila dahil wala na rin naman siyang maramdaman na kahit ano para kay Joe.

"It's so hard to fall in love. Saan ba ako makakahanap ng sperm donor nang hindi ko na kailangang magpakasal?"

Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Pero seryoso siya na gusto na lang niyang magkaanak. Uso naman ngayon ang anak na lang ang importante.

"Desperado ka na ngayon kasi malapit nang ma-expire 'yang matres mo," nakatawa pa ring komento ni Sheryl. "Puwede naman. Pero sayang naman ang ganda mo kung walang didilig sa 'yo gabi-gabi."

A Game of TemptationWhere stories live. Discover now