Chapter 37

5.6K 120 4
                                    

“Shuta ka girl!" Hinampas niya ako sa balikat. “Legit ba? Boyfriend mo yung tunay na boss at CEO natin?"

Umupo siya sa may bakanteng upuan na katapat ko at tinignan ako na halata sa mukha ang paghihintay ng sa isasagot ko. Nakangiti siya at nakaangat ang isang kilay.

We are in the office now while Liam is in a meeting. Marami rin ang nagulat sa natuklasan nila na hindi pala talaga si Aileen at Nathan ang tunay na boss namin.  Kaya nagpatawag ng meeting si Liam para pag-usapan ang tungkol doon.

Nagkibit balikat ako bago sumagot.. “That's what he said," I smiled a little. “I don't remember anything because of my amnesia, but I believe that he is telling the truth."

Her smile faded. “May amnesia ka talaga? Ano bang nangyari sa iyo?"

“I don't know," I answered quickly. “Sabi nila ay car accident daw, pero hindi ko talaga maalala at wala akong maalala."

I really don't know what happened to me. I know the car accident caused my memory loss because that's what the doctor told me. Pero kung pagbabasihan ang alam ko ay wala talaga dahil hindi ko talaga maalala.

I only hold on to what the doctor said, ganoon din naman sa sinabi ni Liam.. Car accident daw talaga ang dahilan. Nalaman ko na car accident kasi iyun yung palaging sinasabi nila.

“May pag-asa pa bang bumalik ang ala-ala mo?" I looked at Diane again because of her question..

Sumandal muna ako sa upuan at huminga ng malalim. “Malabo sabi ng mga doctor." I saw her eyes widen in shock pero hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Grabe daw kasi talaga ’yung nangyari sa akin. Sabi pa nga ng mga doctor ay himala daw na nabuhay pa ako matapos ng aksidenteng iyon."

“Paano iyan?" mahinang tanong niya. “Paano kung hindi na bumalik ang ala-ala mo?" her face became sad. “Edi hindi mo rin maalala na boyfriend mo talaga siya."

I sighed heavily. “I have asked myself that many times. Paulit-ulit ko na iyang tinanong sa sarili ko."

“Maybe he can help you get your memory back." Lumaki ang mata niya dahil sa naisip. “Baka makatulong siya.."

“May pinanood na siya na video naming dalawa noon." I looked up at her to see her reaction. “Pero wala parin nangyari sa memorya ko. His presence is familiar to me, but I still can't remember him."

Naalala ko yung pumasok sa isipan ko noong nakaraan. Kahit na may pumasok na ganoon sa isipan ko ay alam ko sa sarili ko na wala parin akong naalala. I still can't remember everything... him.

I wonder how Liam feels because I don't remember him. I can see that he is sad but I also know that he has other feelings besides that.

“I really feel like there is no hope for my memory to come back." I looked at her with a smile but I knew my eyes were sad..

“Ano ka ba? Huwag kang mawalan ng pag-asa." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Naniniwala ako na babalik pa ang memorya mo."

I hugged her back. “I hope so, Diane." Nagyakapan kaming dalawa nang mahigpit. I was really lucky because she became my friend.

We were both silent for a few minutes before she spoke again.

“We are best friends but I didn't even know you were going through this problem." Ramdam ko ang matinding pagbuntong hininga niya..

Ngumuso ako. "I don't know how to tell the story because I don't know what really happened to me." How can I tell a story, if I don't know what to tell because I don't remember anything..

“But you know, Selene, I really can't believe that the one we think is our boss is just pretending." she rolled her eyes as if feeling disgusted. “Halos lahat ng trabahante dito ay takot sa kanila tapos hindi naman pala talaga sila yung boss natin."

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now