Chapter 14

214 14 72
                                    


All I did the next few days was to fulfill my duty. Dislike is now so underrated. The hatred towards being idle grew even more. Everything are pulled just to push one thing away.

Hanggang sa matapos ang pre-final evaluation ay puro pagsusunog ng kilay ang ginawa ko, pagpapawis, at pagbabanat ng buto. Huling hatid ng service sa customer ay nagdidiretso sa route stop bago makauwi.

Minsan na lang din ako tumatanggap ng academic works dahil wala na namang masyadong bayarin. At higit sa lahat, iniwasan ko talagang mapalapit sa isang taong natubuan ko na ng kakaibang emosyon.

"Another three points from Segovia!"

The crowd cheered.

"Ibaba mo muna 'yang reviewer mo madam. Jusko nito! Enjoy ka muna!" saway ni Hiruki.

Nakasimangot akong nanood sa kanila. May gwapo namang naglalaro kaya ganang-gana ang babae sa gilid ko. Malaki ang ngisi niya at kada pasok ng bola sa ring ay tumitili siya at sinisigaw ang pangalan ng boyfriend. Maingay din ang paligid at masakit sa tainga.

Bandang huli ay nagpasya akong hindi na tapusin ang laro. Nagpumilit si Hiruki na hintayin matapos iyon pero humindi ako kasi masyadong magulo ang environment. Wala pa akong interes sa laro mismo.

Bakas ko sa lukot niyang mukha ang pagtatampo. "Ingat sa pag-uwi, madam!"

Nagkasalubong kami ni Monnic kasama si Niña kaya nagsabay kaming naglakad kasi iisang direksyon naman ang dadaanan namin. May dala siyang bag na suits at sandals ang laman para sa training.

She tried to walk with it which caught me in awe.

"Ulit! Dito ka may arrow tapos hinto ka sa pangatlong pole!" turo ni Niña. "'Wag masyado wide stride! Breast out pero 'wag stiff!"

Sinunod niya ang utos ni Niña habang pinanonood ko naman siyang maglakad. Ginawa niyang rampahan ang pathway. She was just wearing her loose shirt and leggings but she still looked like she's in the performance stage.

"Expressions!"

Monnic did face movements.

"And turn! Slow lang!"

Kami lang naman ang nandito. Maunti ang tao ngayon sa campus dahil busy sa venue preparations sa upcoming events.

"Baduy ba?" Hanggang pabalik ay gano'n pa rin ang lakad ni Monnic.

"Hindi naman."

Pareho lamang sa mga nakikita ko tuwing contests niya, may kaunting pagbabago nga sa kanyang pasarela ngayon.

"Mon, may call na sa GC," biglang update ni Niña kaya natigil niya na ang ginagawa saka hinubad ang 6-inch silver heels.

Doon na kami naghiwalay sa oval ground, ang central point ng university.

Sa food court ako dinala ng paa pagkatapos niyon para bumili ng streetfood at nagsali rin ako ng drumsticks para sa dalawa sa bahay.

Habang kumakain ay ginagawan ko ng liquidation ang finances. I wrote on my note. Doon ko lang napag-alamang walang outstanding liabilities at fees. Sa bahay, hindi kukulangin ang mga konsumo namin at may pambili na rin ng stocks, budgeted na ang bills para sa dalawang buwan, sa mga bayarin ko at ni Jed may nakalaan na, may ipon na sa upcoming OJT namin, at kahit papaano ay nakakahulog ako sa piggy bank.

Isang malalim na hininga ang napakawalan ko.

Malaking tulong talaga ang pagiging academic commissioner para makaluwag-luwag lalo na ang pag-o-overtime sa trabaho tapos may ambag din ang dagdag ni Monnic na binigay niya kanina bago kami nagkahiwalay. I don't know what is that for but it surely warmed my heart.

Drives Under NightlightsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang