1ST.ONE - 141.

8 2 0
                                    

1ST.ONE - 141.

"Aya.." Halata ang pagkairita sa mukha ni Venus. "Bring me to the hospital na lang. I can't bear the heat in my body anymore."

"Sus." Tumawa ang kaniyang pinsan na abala sa pagpiga ng bimpo ay muli iyong inilagay sa kaniyang noo. "Lagnat lang 'yan, diyosa! Magiging okay ka din."

"I have a body ache, too. Nakakainis, Aya. I don't know what's happening to me." Lumiyad mula sa pagkakahiga ang dalaga na naroroon pa din ang pagkairita. "Feeling ko hindi na ako makakasama sa Korea."

"Ay, hindi 'yan pwede!" Iwinasiwas ni Aya ang mga kamay. "Magpahinga ka lang at magpagaling. Bukod sa mainit ang katawan at masakit din, may iba pa bang masakit? Baka naman..."

"What? What are you thinking?"

"Gosh! Baka nga totoo 'yung nabalitaan ko!?" Umupo sa kama si Aya at hinawakan ang magkabilang balikat ni Venus na nakaupo sa sandaling iyon. "Did you and Jayson had sex?"

"No!" Sinagot iyon ng dalaga na may pamumula sa mukha. "Freak, naniniwala ka talaga sa nabalitaan mo? We didn't do that thing, hindi pa sa ngayon. We're not even legally married yet!"

"Wow, 'not even legally married yet'!" Tumawa ang kaniyang pinsan at bumuntong-hininga. "Sige, kung hindi gano'n ang nangyari sa inyo, baka napagod ka dahil siguradong may ginawa kayong pakiramdam mo napagod ka pero hindi pa kayo nag-make love sa lagay na 'yon."

"And that's the reason why maybe I feel like this." Yumuko ang dalaga at muling tumingin sa kaniyang pinsan. "We explored that night. You know what I mean? You get it?"

"Got it." Ngumisi ito. "Gosh, ako ang mas namumula kaysa sa'yo ngayon! Grabe ka, diyosa! Iba na kayo ni Jayson ngayon!"

"I'm glad you came here for me. I heard Jayson talking with someone earlier and he needs to go to their office. Hindi niya sinabi pero ramdan ko na kailangan niyang umalis pero hindi niya ako maiwanan. I feel guilty that time and nawala 'yon dahil dumating ka. Thank you so much, Aya."

"Sus, walang problema. Ilang araw kitang hindi nakita saka naging busy din ako kaya gusto kitang samahan dito tutal mag-isa ka. Akong bahala sa'yo, aalagaan kita. Sinabi ko nga pala kay Jayson na bisitahin ka later para naman maging okay ka na agad. Magkasama kayo kagabi, 'di ba?"

"We had a date yesterday and when we got here, I suddenly felt sick. Naramdaman ko 'yung pag-aalala kay Jayson. You know what Aya, I feel lucky. I was about to cry last night but I controlled it. Ngayon, na-mi-miss ko siya."

"Sus, ayos lang 'yan. I am happy for you. You deserve that, diyosa." Niyakap ni Aya si Venus.

"You deserve to be happy too, Aya." Tinapik ni Venus ang likod ng pinsan. Ilang sandali ang lumipas ay naglayo ang dalawa. "Are you okay right now? Tell me, please."

"It's been two months, diyosa. Kinakaya ko naman. Nagpapaka-busy ako para kahit papaano maging okay ako. Pero alam mo, umiiyak ako gabi-gabi kakaisip sa kaniya. Walang gabi na hindi ko siya iniiyakan. At kung tatanungin mo ako kung okay lang ako, hindi ako sigurado. I'm okay yet not. That's what I feel."

"Aya.."

"Kaya ko 'to! Ako pa ba?" Tipid itong ngumiti. "I wish when the third month comes, I'm fully recovered on crying over him. Gusto kong mas maging matatag. Hindi pa kami gano'n katagal, wala pa ngang tatlong buwan mula ng makilala at mahalin ko siya. Gusto ko siyang hintayin. Alam kong nandiyan lang siya at babalik siya. Sana hindi niya ako biguin. Ipinagdarasal ko 'yon at umaasa akong bumalik siya."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Место, где живут истории. Откройте их для себя