1ST.ONE - 143.

12 1 0
                                    

1ST.ONE - 143.

"Do you want to be in my room?" Pagkatapos kumain ay humarap si Sam kay Aya. "Wanna take a shower before we sleep? You don't have any clothes here."

"Meron akong iniwang mga damit dito. Syempre hindi mo napansin 'yon." Pagkainom ng tubig ay humarap ang dalaga. "Mula no'ng mawala ka, walang araw at gabi na hindi kita iniyakan. Palagi akong nandito sa bahay mo para kumain at matulog saka umiyak. May mga pagkakataong nasa bahay ako ng pinsan kong si Venus pero madalas akong nandito."

"Okay. I'll take a shower now. I'll see you in my room."

"Siguro kung wala kang amnesia ngayon, iisipin kong may double meaning 'yang sinabi mo."

"Uh, what do you mean?"

"Nevermind. Sige na, do'n ako sa katabi ng kwarto mo magsho-shower since nando'n ang mga damit at iba kong gamit." Dumiretso paakyat ng hagdanan ang dalaga at pumasok sa ikalawang kwarto mula sa gawing kanan.

Naguguluhan man ay hindi na iyon pinagtuunan ng pansin ni Sam ay dumiretso na lamang sa kaniyang kwarto upang mag-shower. Habang nasa loob ng banyo at nakabukas ang shower ay naging tulala ang binata at okupado ang kaniyang isip sa sandaling iyon.

'Ang sabi nila ay mukhang iisa, I was a stranger before I came into their lives at pakiramdam ko ay gano'n din ang nangyayari ngayon. Peeo natutuwa ako kasi pakiramdam ko, mababait sila. Sila 'yung mga kaibigan na masayang kasama. Sila 'yung mga kaibigan na hindi ko gugustuhin na mawala sa'kin.'

Ilang sandali ang lumipas ay muli siyang napaisip.

'No'ng makita ko ang mukha ni Aya, gumaan pakiramdam ko. I just find it weird, hindi siya maalala ng isip ko pero nararamdaman siya ng puso ko. My heart went in awe when I saw her but it crashed into pieces because of the truth that I don't even remember anything we did together. I don't even remember anything about her yet.'

Lumipas ang sampung minuto ay tuluyang nakapagbihis ang binata. Nakasuot siya ng loose white shirt at black pants. Humarap siya sa maliit na salamin sa gilid ng kaniyang kama at inayos ang kaniyang buhok. Natakpan ng buhok ang kabuuan ng kaniyang noo.

"Is this my usual habit before I sleep? I don't even remember anything I do as I wake up and before I sleep. Damn, it's frustrating me." Bumuntong-hininga siya at naglakad palapit sa pinto nang may kumatok. "Hey, Aya. Come in."

May dalang laptop si Aya at dumiretso siya patungo sa kama at umupo. Isinara ng binata ang pinto at tumabi sa dalaga na abala sa pagpindot sa laptop. Nakita niya ang sarili na nasa desktop wallpaper kasama ito. Kalaunan ay napangiti siya.

"We look like a sweet couple there," aniya. "Where that was picture taken?"

"Sa vacation house mo in Jeju Island, South Korea. That picture was taken last year by Danna." Tiningnan siya ng dalaga at ngumiti. "Isa 'to sa masasabi kong unforgettable moment nating dalawa."

"I have a vacation house in Korea?"

"Yeah, meron nga."

"That's amazing. May I know why that picture of ours is an unforgettable one for you?"

"We made sandcastle together. Naaalala ko nga no'n, nasagi mo 'yung dalawang sandcastle na ginawa namin ni Yhena. Nainis ako sa'yo no'n kaya sabi ko tatangapin ko ang apology mo kapag naayos mo ang sandcastles at naayos mo nga. Mas maganda pa nga ang ginawa mo kesa sa'kin."

"I know how to make sandcastle?"

"Oo, Sam. Ang sabi mo nga sa'kin ay isa 'yon sa ginagawa niyo ng kuya mong si Raewon. No'ng panahong 'yon, your kuya died in a car accident and Jia's dad died inside jail. Late realization but your older brothers died in two consecutive days."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now