1ST.ONE - 144.

11 2 0
                                    

1ST.ONE - 144.

"Jia." Bumuntong-hininga si Ace pagkatapos yakapin si Jia. "Dapat hindi na lang ikaw ang pumunta dito para sunduin kami. Dapat dumiretso ka na sa bahay niyo para makapagpahinga ka. I'm surprised to see you here."

"Wrong move, Val John." Halata ang pagkadismaya sa mukha ng dalaga. "Won't you ask me if I'm okay? Won't you ask me if I'm tired or whatever?"

"Love, it's not like that. Pasensya na, nag-aalala lang ako sa'yo."

"Hindi ka pa ba sanay sa hitsura ko kapag pagod ako?" Bumuntong-hininga siya at hinalikan ang pisngi ng binata. "Sakto lang pala ang dating ko. Hindi tayo kasya sa kotse ko kaya ipinasunod ko na lang ang kotse ni Jayson."

"I'm sorry, Jia. H'wag ka nang magtampo."

"Ano ka ba? It's okay."

Hinalikan ni Ace sa noo si Jia at inakbayan ito. "Halika na. Dumiretso na tayo sa bahay niyo."

"Sige." Nilingon ng dalaga si Jayson na nakatingin sa kaniya. "Hintayin mo na lang ang kotse mo. Within ten minutes, nandito na 'yon."

"Gano'n ba?" Tumango ni Jayson. "Do'n ko na lang ilalagay ang mga maleta namin."

"Sige. Isabay mo na si Venus, okay? Mauna na kami." Dumiretso pabalik sa kaniyang kotse si Jia at kaagad na sumakay. "Dito ka sa unahan, Jodie. Nakakapanibago naman ang hitsura mo. Siguradong hinihintay ka na ni oppa sa bahay."

"Talaga, ate?"

"Hmm! Tara na."

"Wait lang." Binuksan ni Ace ang likurang pinto ng kotse at kaagad na isinara nang makaupo. "Alis na tayo."

Tuluyang pinaandar ni Jia ang kotse palayo.

Naiwan sina Jayson at Venus katabi ang mga maleta.

"Jayson." Kumapit si Venus sa kanang braso ni Jayson gamir ang dalawang kamay. "Talagang within ten minutes pa tayo maghihintay?"

"Naiinip ka na ba?" Inakbayan ng binata ang dalaga. "Kailangan nating maghintay."

"Okay."

Nagbilang ng mga sandali si Jayson sa kaniyang isip at makalipas ang sampung minuto ay mayroong huminto na dilaw na kotse sa kaniyang harapan. May lalaking bumaba doon at tumungo sa kaniya. Tumungo din siya bilang tugon.

"Welcome back, Heir Jayson." Nagsalita ang lalaking iyon in English. "I'm your personal driver and assistant. Just call me Chan."

"Hello, Chan." Tumangu-tango ang binata.

"I'll bring the luggages inside the car." Akmang kukunin ng lalaking nagngangalang Chan ang isang maleta nang pigilan siya ni Venus. "Yes, Miss Venus?"

"K-Kilala mo ako?" Napamaang si Venus sa sandaling iyon. "Y-You know me?"

"I'll just bring these inside," sabi ni Jayson. "Thank you."

"No need, Heir Jayson. Heiress Jia told me to not let you do it. I'll do it for you."

Hindi na sumagot si Jayson at hinayaang ilagay ng kaniyang personal driver ang mga naletang iyon sa compartment ng kotse. Muli itong humarap sa kanila nang matapos ang ginagawa.

"How'd you know her, Chan?"

"Heiress Jia told me that Miss Venus is your special someone, a lover of yours." Binuksan nito ang likurang pinto ng kotse at sumenyas. "Come inside. Your siblings are waiting for your arrival."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang