Chapter 39

5.6K 123 8
                                    


“Magka away ba kayo?" biglang tanong ni Diane. Napansin niya yata ang hindi namin pagpapansinan ni Liam.

It's been two days but me and Liam are still ignoring each other. Kahit nasa bahay niya ako ay hindi kami nag-uusap. Umiiwas siya sa akin at iniiwasan ko rin naman siya.

“Hindi naman kami magka away." bumuntong hininga ako. “Mayroon lang kaming hindi napagka sunduan."

Kumunot ang noo niya. “Ano naman iyon? Bakit parang ang lala naman dahil dalawang araw na kayong ganyan?" The curiosity on her face was obvious.

Tumingin ako sa kanya ng matagal bago ako magsalita. Maybe I should tell her so she can give me advice on what I should do.

“His uncles don't like me for him," deretsong sabi ko. Ayaw ko ng magpaligoy ligoy. “Tapos balak nilang i-arrange marriage siya doon sa anak ng kasosyo nila sa negosyo."

Her eyes widened as if she understood what I wanted to say. “Tapos pumayag ka?"

I nodded. “Hindi ko naman kasi siya maalala kaya pumayag ako na magpakasal nalang siya sa iba."

Nahampas niya ang sariling noo at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Selene naman seryoso ka ba diyan? Just because you don't remember him, you will just let him marry someone else? My gosh! You're unbelievable, Selene."

“What should I do?" mahinang tanong ko. “Bukod sa hindi ko siya maalala ay ayaw din naman sa akin ng mga uncles niya."

“Bakit iniisip mo yung mga uncle niya? Sila ba yung makakarelasyon mo?" Napabuga siya ng hangin. “Mas iniisip mo yung iba kaysa sa kanya at sa nararamdaman niya." Umiling siya at nag iwas ng tingin sa akin.

“Ano ngang gagawin ko?"

“Piliin mo yung tama," giit niya at dinuro ako habang nanlalaki ang mga mata. “At huwag mong sabihin sa akin na sa tingin mo ay tama yung hahayaan mo nalang siya na makasal sa iba."

Nakagat ko ang labi ko at hindi nakapag salita. Was that my decision really wrong? Mali ba talaga iyon?

“Selene I know you're having a hard time because you can't remember anything," muling salita niya. “Pero tingin mo ba, hindi nahihirapan yung taong mahal ka na hindi mo maalala?"

Muli akong natahimik. I know that Liam is hurting because I can't remember him. Kayanga gusto ko na sa iba nalang siya makipag relasyon para makalimutan niya na ako..

“You shouldn't waste your relationship Selene just because you don't remember him." I looked at Diane again. “Hindi ka naman niya pinipilit na maalala siya, at kahit nasasaktan siya ay masaya parin siya dahil nandiyan ka."

Sinabayan ko ang seryosong tingin niya sa akin. “Mali ba ako?"

“Hindi lang mali kundi maling mali."

“Sa tingin mo ba okay lang talaga sa kanya na ipagpatuloy yung relasyon namin kahit hindi ko siya maalala?"

Bumuntong hininga siya. “Oo, halata naman iyon sa sayang gumuguhit sa mukha niya sa tuwing kasama ka niya."

Because of Diane I realized something. Masaya nga si Liam kapag kasama niya ako at kahit minsan ay hindi siya nag demand tungkol sa pagkawala ng alaala ko. Palagi niyang sinasabi sa akin na hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko na maalala siya..

“Anong dapat kong gawin ngayon?" I suddenly asked.

“Ano pa nga ba?" lumaki ang mata niya. “Kausapin mo siya tapos magsorry ka. Yun lang, tapos ang problema."

Tulad ng sinabi ni Diane ay napag desisyonan kong humingi ng tawad kay Liam dahil sa biglaang desisyon ko na hindi ko manlang pinag isipan kahit saglit.

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now