CHAPTER 1

2 1 0
                                    

Six months ago, I took a step away from this place, this house, that person in a desperate attempt to save myself. Dala-dala ko yung pira-piraso kong puso at pagkatao, pati na rin ang mga pangarap kong hindi ko na alam kung paano ulit itatayo. I made a great escape from all the things that caused me pain only to find myself crawling back to the place I desperately tried to abandon. 

Sinubukan ko... Pilinilit ko... Pero I am not destined to be happy anywhere else but this place and it was a fact that I accepted with great horror. 

Dito ko natutunang sumaya, dito nawala sa akin ang lahat, dito ako mananatili. Dito, sa lugar na ito ako babangon, at dito ko ulit mahahanap yung saya at kapayapaang inaasam ko. 

It is hard, but I have to accept things as it isthat things happen simply because they're bound to happen. Like that person. I loved him... because he was meant to be in my life for a season to hurt me and teach me a lesson. 

And I....am now accepting that. 





Matagal kong tinitigan ang screen ng laptop ko bago mabigat ang dibdib na isinulat ang huling salita...

"Wakas"

...Katulad ng pakiramdam ko noong sinimulan kong tanggapin ang lahat, hindi ko mawari ito. Gayunpaman ay pinili ko na lang na iwaksi ang bigat sa pamamagitan ng isang buntong hininga bago isinubmit ang huling parte ng manuscript sa aking editor. Alam kong magrereklamo na naman siya sa naging ending ng nobela ko, pero ito na ang huling revison na gagawin ko sa akdang ito. Kung hindi pa rin ito matatanggap ng publishing ay wala na akong magagawa kung hindi i-give up ang pag-publish sa ikatlo kong nobela. 

Matamlay akong sumulyap sa labas ng aking bintana; pasikat na ang araw, at ramdam ko na rin ang pagod sa magdamag kong pagrerevise. Isinara ko ang aking laptop bago tumayo at naglakad palapit sa kama. Pabagsak akong humiga. Kusa na ring pumikit ang mga mata ko dahil sa antok. 

I slept for at least 3 hours. Nagising ako kahit hindi ko gusto dahil naka-set na sa body clock ko ang pagbangon pagpatak ng 8 ng umaga para pakainin ang baby ko. Pupungas-pungas pa ako nang hilahin ko ang sarili ko patayo para magtungo sa banyo upang maghilamos at syempre, umihi. Paglabas ng banyo ay ang maamo niyang mukha kaagad ang bumungad sa akin. Nakaupo siya sa sahig at namimilog ang mga mata akong pinagmamasdan habang nakapaling sa kanan ang ulo. 

Napangiti ako. 

"Good morning, baby!" bati ko bago dinampot ang pusa kong si Aki sa sahig. Kinarga ko ito na parang isang sanggol at saka siya pinanggigilan habang ibinabaon ang mukha ko sa malago nitong balahibo. 

I gave Aki her favorite fish roe bago nagsimulang magluto ng mabilisang agahan at magtimpla ng kape. Kani-kanina lang kasi ay nakatanggap ako ng text mula kay Nami na gusto raw akong makausap ni Ms. Annie tungkol sa manuscript ko kaya kailangan kong magpunta sa office niya ngayong umaga. 

So, I did. 

"Good morning, Sunny!" 

Nakangiting bati sa akin ng guard na si kuya Eric pagdating ko sa may pintuan na siya naman niyang ibinukas para sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya at bumati pabalik bago nagtungo sa loob ng dalawang palapag na gusali. Sa unang palapag naroroon ang office ng mga junior editor at sa taas naman naroroon ang office ng mga senior editors at founder na si Ms. Annie. 

Malapit na ako sa hagdanan nang biglang sumulpot si Nami sa harapan ko, namumugto ang mata nito at animo'y pagod na pagod. 

"Anong nangyari sa'yo?" takang tanong ko habang sinisipat ang itim sa ilalim ng mga mata niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartbreak ProbabilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon