Rant #1: These Things

194 15 21
                                    

Wala na kong ibang sasabihin bago ko pa man simulan 'to kundi isang malaking. "HI BITCHES!"


Oh hi. Kung sino ka man na alam mong isa ka sa mga patatamaan ko kimkimin mo 'yan dahil wala akong pakialam. Siraan niyo ko sa iba hindi ko 'yan iintindihin pero sana naisip niyo. May pinangangalagaan kayong career sa loob ng makamundo at makulay na site na ito 'diba? Hindi naman siguro masisira 'yan ng dahil sa paninira niyo sa'kin. Ay hindi mali, pati pala sa iba pa. Oo, nakikita ko lahat ng pinapatama niyo. At isa lang ang masasabi ko.


"IPAGPATULOY NIYO"


'yan lang naman. Pero 'wag kayong mag-alala mabait ako. Wala nga lang akong pakialam sa mga katulad niyo. At pasalamat kayo masyado akong mabait para hindi kayo patulan. Wag kayong pabebe. Hindi bagay sa inyo. Kung may sama kayo ng loob idirekta niyo. Hindi yung magpapabebe kayo. Alam niyo 'yon?


"PABEBE"


At isa pang hindi niyo dapat na ipag-alala. Hindi tungkol sa inyo ang sasabihin ko. Magra-rant ako sinabay ko lang kayo. Para kunwari espesiyal kayo sa'kin.


"ANG PA-PLASTIK"


THESE THINGS:


- Ang una sa lahat ayoko ng pabebe. Kung may kasalanan ka. Aminin mo na lang. At wag kang mag-self pity para lang makamit mo ang hustisya.


- Pangalawa, kung may ginagawa silang hindi mo gusto at hindi ka naman nila ka-close at kinakausap. Wag mong pakialamanan. Tignan mo mas gagaan pa yung pakiramdam mo.


- Pangatlo, yung mga bagay na hindi mo na dapat sinisita. Hindi ka ganon ka-perpekto para mamansin ng iba. Kung hindi sila humihingi ng opinyon mo. Itikom mo yung bibig mo (I mean, tigilan mo yung kamay mo sa kata-type). Ganun lang kadali.


- Pang-apat, sa mga gaya-gaya diyan. Pwede ba? Kung may gagayahin kayo mula sa'kin 'wag niyo naman masyadong ipapahalata. gagayahin niyo na nga lahat ng meron ako, pati ba naman yung mga edits na pinaghihirapan ko? May sarili naman siguro kayong utak para makaisip ng talagang "ORIGINAL" na sa inyo.


- Panglima, sa mga lintik na requesters na hanggang ngayon hindi matutuhan ang pagsunod sa rules. Wag kayong ganyan. "ANG KAKAPAL NG PAGMUMUKHA NIYO" oo, wala akong pakundangan dahil sobra na kayo. Wag kayong magre-react sa nakikita niyo kasi nagsasabi lang ako ng totoo.



For the graphic editors (Beginner man o May karanasan na)


- Kung may pumansin ng gawa niyo at sinabihan kang "Ang panget ng gawa mo" 'wag kayong magpa-apekto. Gawin niyo yung inspirasyon para mas galingan at isampal sa pagmumukha nila yung katotohanan na mali sila sa inakala nila sa inyo. Isa pa, hayaan niyo sila. Punyeta! Bakit? Ganon ba sila kagagaling mag-edit kung makapag-comment sila sa gawa mo eh wagas-wagasan ang panlalait. Sabihin mo sa sarili mo "BABANGON AKO'T DUDURUGIN KITA" hayaan mong balang araw ngumanga siya at mapahiya sa sarili niya.


Mga intrimitida't intrimitido lang naman yang mga 'yan. Mga walang magawa sa buhay. Akala mo magagaling na.


Walang taong sa una pa lang magaling na. Yan ang tatandaan niyo. Laging kailangan yan ng experience hanggang sa ma-achieve niyo kung anong goal niyo.


Sorry kung ganito ako. Hindi ko na lang kasi maintindihan sa mga tao ngayon kung bakit ganon yung ugali nila. Imbis na hayaan ko lang 'tong nasa dibdib ko ilalabas ko na lang. Isa pa, hindi naman 'to sobrang rant. Wag sanang mag-"Over Acting" yung iba.


Kung iniisip niyong ako rin ay nakikialam. Pwes bahala na kayo sa iniisip niyo. Katulad ng sinabi ko. "NAGLABAS LANG AKO NG SAMA NG LOOB."


Ok, 'yun lang. Goodnight! ♥


- Bangtan's Wife ♥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random RantsWhere stories live. Discover now