Una

8 1 0
                                    

Isay's POV

"You may now kiss the bride" ang sabi ni Father.

Sa wakas, mapapakasalan ko na ang taong mahal ko.

Itinaas ng asawa ko ang veil at unti-unting bumungad ang kanyang mukha.

Mapupungay na mga mata na kulay itim na parang hihigupin ka- check!

Matangos na ilong- check!

Labing color pink na ang sarap papakin- ay check na check!

"Ay Father! Ako na ang hahalik sa poging groom ko!" ang sabi ko sa Father at walang sabi-sabi na hinalikan ko na siya.

Pucha!  Ang sarap halikan!

Narinig ko ang sigawan ng mga tao at ang mahinang tawa ni Father.

"Hay nakong mga batang 'to!" sabi ni Father na may kasamang maliit na ngiti sa labi.

"Siyempre naman po, Father! Papakawalan ko pa ba ang pogi na to."

Ay shet, hindi ko pala alam ang pangalan ng asawa ko.

Humarap ako sa kanya habang may ngiti sa labi sabay sabing,
"My baby bunch sugar pops, ano nga ulit pangalan mo?"

Napatawa naman siya ng mahina at sasagot na sana ng may sumigaw na
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"ISAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

ANAK KA NAMAN NG BUTIKI, OO!

Ayun na e, sasabihin na niya ang pangalan e.

Napatayo ako sa higaan at masamang tinignan ang sumigaw sa aking precious name.

"Bakit ka ba kasi sumigaw, Ma?! Ayun na e! sinira mo ang precious moment namin ng hubby ko!"

"Aba! Punyeta kang bata ka! Huwag mo ako matignan tignan ng ganyan. Aber, oras na! Wala ka bang balak pumasok?" sabi ng aking nanay na naka-pamaywang habang naka-rollers ang kanyang buhok.

"Watdahell! Ma naman e! Sabi ko sayo gisingin mo ako agad. Ayan tuloy male-late ako!" at dali-daling tumayo sa higaan.

Uh-oh. Nakita kong may lumabas na usok sa ilong ng aking nanay. Masamang pangitain 'to at bago ko pa magawa ang balak ko na tumakbo sa banyo ay dali-dali niyang nahila ang tenga ko at piningot.

"Lintik kang bata ka! Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo. Tapos ako pa may kasalanan? Ah?!"

"Aray, ma! Nagbibiro lang naman ako e. Wag ka na highblood. Aray! Aray!"

"Biro, biro! Walang biro-biro! Hala ka! Bilisan mo na at late ka na! Tulog ng tulog hindi naman tumatangkad!"

Awwts. Sapul. Savage talaga itong nanay ko na 'to. Ipamukha ba naman na pandak ang kanyang precious dowter? Ay kenat!

"Oo na po, ma! Hindi mo naman kaylangan ipa-mukha sa akin na pandak ako, e. Huhuhu!"

"Hay nako, Isabella Artemis! Bilisan mo magkikilos at oras na! Ke aga-aga naha-highblood mo 'ko!"

Patay. Binanggit na ni mudra yung magic words, I need to get ready na baka mabawasan pa baon. HAHAHAHA!

---------------------------------------------------------
Author's note:

Hello! Kung may nagbabasa man ng kalokohang gawa ko, paki-comment  hahaha!

Update ulit ako 'pag hindi busy sa work.

See ya!

Ang Babaeng Malas Sa Pag-ibig (ABMSP)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن