CHAPTER 23

1.6K 25 0
                                    


SELENE'S POV

MATAPOS ang nakakakilig na proposal ni Czairex ay masayang nagpatuloy ang lahat sa gabi ng selebrasyon ng aking kaarawan. Lahat ay nakangiti at nakatawa. Lahat ay masayang kumakain, nagkwe-kwentuhan at nagkukulitan. Kahit saan ako tumingin ay pawang mga nakangiti nilang mukha ang aking nakikita. Ang mga kaibigan, katrabaho at pamilya ko ay nag-uusap-usap ng may ngiti sa nga labi. Taon-taon ko naman ipinagdiriwang ang kaarawan ko pero hindi ganito kasaya na lahat ay nakatawa at nakangiti. Tanging kami-kami lang nina Tito at Tita at ang mga maids sa bahay ang nagse-celebrate, masaya naman ako sa nakalipas na taon na ipinagdiriwang ang birthday ko kahit na kami-kami lang na nasa bahay ang nagdiriwang.

Pero ngayong gabi ay kakaibang saya ang dulot nito sa puso ko. Ibang-iba sa saya na nararamdaman ko mga nakalipas na taon dahil ngayong gabi ay kulang salitang masaya para maibahagi ang nararamdaman ko. Bata pa lamang ako ay marunong na akong makuntento sa simpleng bagay na kahit may pera naman kami ay simpleng handaan lang ay masaya na ako. Hindi ako maluho dahil hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na para lang sanayin sa iba't ibang materyal na bagay. Kung ano lang ang nakahanda para sa akin ay okay na ako. Sapat na yun para ipagdiwang ang espesyal na araw sa buhay ko. Kaya kahit kailan ay hindi ako naghangad ng kahit na ano. Hindi ako naghangad ng mga bagay na kahit gustong-gusto ko ay hindi pwedeng ganoon ko na lang kadali na kunin para lang makuntento ako.

Sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko ay ito ang kauna-unahang beses na nakalimutan kong ngayon pala ang espesyal na araw ko. At kung maaalala ko man ay hindi pa rin ako hihiling ng maharbong handaan para lang masabing espesyal nga ang araw na 'to. Iyong dalawa o tatlong pagkain na may kasamang cake lang ang nakahanda sa mesa ay sapat na para sa akin. Ang mahalaga ay naipagdiwang ko ang espesyal na araw na ipinanganak ako ng mama ko.

Pero ang tulad ng nakasanayan kong simpleng handaan noon ay naging mas maganda pa. Hindi man magarbo pero masaya ako ngayong gabing ito. At lahat ng iyon ay dahil sa lalaking nagparamdam sa akin ng kakaibang pagmamahal at pag-aaruga. Hindi ko alam kung paano niya nalaman dahil sa pagkakatanda ko ay wala akong binanggit sa kanya tungkol sa kaarawan ko pero dahil nahagip ng paningin ko si Tita Janice ay mukhang hindi ko na kailangang magtanong. Nasisiguro kong siya ang nagsabi sa asawa ko. 

Masaya ako at sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon ay gusto ko siyang sunggaban ng mahigpit na yakap at malalim na halik pero hindi yun akma sa lugar. Ayokong isipin ng mga taong narito ngayon na mahalay ako. Ayokong pag-isipan nila ako bilang bastos. At saka may bata pa kaming kasama kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko at napag-isip-isip na mamaya na lang — kapag kaming dalawa na lang.

"What are you thinking?" I smiled when I heard the familiar voice of my husband whispering in my ear from behind, as he wrapped his arms around my waist. His soft whisper sent a shiver down my spine and I couldn't help but feel a rush of sensations throughout my body. But I pushed those feelings aside and turned to face him with a smile. The smile on my face was glued there and didn't seem to want to fade away, but I didn't feel any discomfort from smiling for too long.

Gamit ang dalawa kong kamay ay sinapo ko ang gwapong mukha ng asawa ko at pinagmasdan ang kabuuan niyon. Marami namang gwapo sa mundo pero ewan ko ba kung bakit sa paningin ko ay siya lang ang nakikita kong gwapo.

Hindi ako makapaniwalang ang lalaking ginugusto ko lang sa malayo noon ay nahahawakan at papakasalan ko na ngayon. Ang lahat-lahat sa kanya ay gustong-gusto ko. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya noong panahong nadatnan ko siya at ni Niva na magkalapat ang labi. Umiyak at nasaktan ako—oo, pero ang nagalit? Hindi ko yata naramdaman ko yun sa kanya.

Hinding-hindi ko pagsasawaan ang mukhang 'to kahit kailan—kahit hanggang sa pumuti pareho ang mga buhok namin ay hinding-hindi ko iiwan ang lalaking 'to. Masyado kong mahal para iwan at saktan lang siya.

THE GENTLEMAN'S AFFECTION [COMPLETED]Where stories live. Discover now