Part 2: The President

76 3 0
                                    

"December 16 will be our Christmas party. May mga plano na ako para ro'n but I will still ask our class president." Ngumiti si ma'am at tiningnan ako.

I also smiled. Binasa ko ang program kung saan nakalagay ang mga activities na ginawa ni ma'am para sa party. Tumikhim ako dahil masyadong pambata ang mga pa-games niya. Pati ang mga prizes pambata rin. Sabagay, isip-bata naman itong mga kaklase ko. Paniguradong matutuwa sila, except sa 'kin.

"Pwede naman na itong agenda mo ma'am, pero if pwede rin ay may idadagdag sana ako na mga games. At least 3 games, then itong exchanging of gifts natin instead of food, gawin nating mga souvenir na lang o mga gamit. Kasi for me, marami naman na tayong pagkain na makakain sa Christmas party kaya mga things na lang siguro? Mas taasan na rin natin ang amount per gifts. Masyado lang kasing mababa ang 100 pesos." I suggested. Mayayaman naman ang mga studyante dito sa HXU kaya sure akong afford nila. Though, may mga mahihirap din naman na nakapasok dito through scholarship program.

Sumang-ayon naman si ma'am at yung mga kaklase ko. Tinawag ko ang class secretary namin para isulat ang mga activities.

"Ay, parang ang hirap naman ng mga pa-games mo Pres!" Reklamo ng iba.

Ngumisi lang ako, "May 1 week pa naman? You guys can get ready for it."

About kasi ito sa mga capital ng bawat bansa. Yung isa naman ay i-identify mo kung saang flag ito and lastly 'yung mga republic act about human rights.

"Hayaan n'yo na! Parang exciting naman e!" saad din ng iba.

2 DAYS before our Christmas party, pumunta ako sa mall para mamili. I was planning to buy my outfit too dahil may pa-contest din si ma'am na best in costume. Hindi naman ako nag-aim na makuha 'yon kasi marami naman akong iba pang kaklase na fashionista samantalang ako simple lang ang gusto.

I decided to buy the red tube fitted dress. Hulma ang kurba ng katawan ko and it is 1 inch above the knee. Bumili na rin ako ng white blazer para matakpan ang masyadong kitang balat. Hindi naman kasi sa pagmamalaki pero mas mature na ang katawan ko kumpara sa ibang ka-edad ko. Bukod sa susuotin ay bumili rin ako ng ireregalo at mga i-pe-premyo sa mga palaro.

"Muntanga naman 'to e! Ang tanda tanda mo na g*go "

"Aba, anong silbi ng pagiging vice president mo? Binoto ka lang naman nila kasi gwapo ka kahit mas gwapo ako sa 'yo, kaya nga ako ang naging president."

"Ayaw ko na lang umangal kahit 'di ko magets 'yang pinagsasasabi mo. Bilisan na natin!"

Napa-iling ako nang marinig ang usapan sa likuran ko. Kahit ako, hindi ko rin ma-gets ang sinabi ng isang lalaki. Dalawa kasi sila, so the first one is a class president siguro at yung kasama niya ay isang vice president.

"T*ngina ubos na ata 'yung costumize na ballpen e! Ikaw kasi ambagal mong kumilos. Naunahan ata tayo."

"Sino ba kasi yang nabunot mo at bakit costumize ballpen ang gusto? Masyadong choosy!" Reklamo no'ng president. Kahit hindi ko pa sila nilingon ay nakilala ko na kaagad kung sino yung nagreklamo dahil sa boses nila. Bumaba ang tingin ko sa limang ballpen na nasa cart ko. Ito ata ang hinahanap nila dahil last stock na ito nang kunin ko.

Hinarap ko sila at in-offer ang dalawa. "Gusto n'yo? You can have it, meron naman na akong tatlo." I smiled.

Natigilan naman silang dalawa. "Pwedeng tanggapin n'yo na? Nagmamadali kasi ako." Dag-dag ko pa. Agad naman iyon na hinablot ng isa.

Hindi ko na hinintay na magpasalamat pa sila dahil tumalikod na ako. Narinig kong may sinabi yung vice president pero 'di na ako lumingon pa.

Hmm, so the guy who took the pen is the vice president, then second one must be the... president? He looks very familiar.

Nagtungo na ako sa counter at binayaran ang mga pinamili using my credit card. I don't usually bring cash dahil nasanay na ako sa card lang.

"Sorry ma'am pero as of now, hindi pa kami tumatanggap ng card. Nasira kasi yung machine namin." Kinabahan kaagad ako sa sinabi ng cashier.

"Uh– I'll call my mom." Kinuha ko ang phone sa shoulder bag at tinawagan si mommy.

"Hello mom?"

"Hello sweetie, I'm sorry nasa meeting ako ngayon. Just call me later okay?" Hindi na niya hinintay pang magsalita ako dahil naputol na kaagad ang tawag.

Shit, anong gagawin ko? Alangan namang lilipat ako sa ibang mall! Should I call my dad then? But he's also busy! What should I do now? Tawagan ang mga pinsan ko? Nakakahiya.

"Ito na lang, magkano ba 'yan lahat miss?" Narinig kong saad ng lalaki. Familiar ang boses, yung president ata!

"Four thousand six hundred," Nakita kong inabot ng lalaki ang 5k niya.

Pagkatapos i-pack lahat ng pinamili ko ay sunod na nagpachashier ang dalawa.

"Thanks, ahm what's your number?" tanong ko.

"Grabe, ambilis naman miss. 'Di mo pa nga natanong ang  pangalan ko, number agad?" Ani Mr. President.

Mahina namang tumawa ang kasama niya na vice president saka inabot sa cashier ang cash niya.

I massaged my temple. "Di naman kita type, hinihingi ko lang para mapag-usapan natin kung paano kita babayaran" paliwanag ko.

Ngumisi lang siya at inabot ang kamay niya kaya binigay ko ang cellphone ko. Nag-type siya dito, pagkatapos ay binalik sa 'kin.

"Thanks," Umalis na ako nang may maalala. Yung president kanina... siya yung lalaki sa bintana na nakita ko last month pa!

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now