Part 3: Section Lavender

63 4 0
                                    


Andito ako ngayon sa kwarto, katatapos ko lang gawin ang assignment ko sa math at ang night routine ko. It's already 9:46 kaya may 14 minutes pa ako para mag-cellphone. May sleeping schedule kasi ako and in 10 pm dapat natutulog na ako dahil gigising pa ako ng 5 am para mag-review. Tinext ko na rin ang lalaki kanina sa mall para pag-usapan kung paano ko siya babayaran. Mabuti nga at natulungan niya ako kanina or else sobrang napahiya na ako ro'n sa mall.

To: Mr. President

I'm the girl nga pala sa mall kanina na tinulungan mo. Babayaran na kita bukas.

Kumunot ang noo ko nang magreply kaagad ito. Fast hand, I guess?

From: Mr. President

Waw, hindi ka jejemon

Napa-irap ako at nag-type ulit. Jejemon? Bakit naman? Mukha ba akong jejemon?! Kainis.

To: Mr. President

Sa HXU ka nag-aaral 'di ba? I think Nakita na kasi kita ro'n at same school lang tayo. Saan ang room mo para mapuntahan kita?



From: Mr. President

Ambilis naman niyan ma'am, kikiligin na ba ako?



Kumunot ang noo ko. Parang babae talaga ang lalaking 'to. Masyadong delulu.



To: Mr. President

You're such a delusional. Sabihin mo na lang and also your name nga pala.







From: Mr. President

Name: Kendrick Laux Co
Age: 13
Room: Grade 8 - Lavender
Height: 5'3
Hobbies: Basketball at titigan ang magandang class president sa kabilang building.
Favorite color: mint green
Favorite number: 10
Favorite food: avocado & chocolates
Favorite person: Siya ohahaha^^



Mas lalo pang kumunot ang noo ko sa reply niya. Kaya pala inabot ng 5 minutes, halos lahat ata ng information sinabi niya na.


To: Kendrick

Pangalan at room mo lang naman po ang tinanong ko.



Naglagay na ako ng 'po' dahil mas matanda pa pala siya sa 'kin ng isang taon. Grade 8 pa pala 'yon? Medyo matangkad siya kaya sure ako na mas tatangkad pa 'yon sa susunod na taon. Ngumuso ako dahil 4'10 lang ang height ko.

My alarm rang, hudyat na 10 in the evening na kaya pinatay ko na ang cellphone ko at inayos ang comforter so that I can sleep comfortably.

KINABUKASAN ay nagtanong ako kay Ethan kung saang room ba ang 8 Lavender.

"Sa kabilang building 'yon" sagot niya.

"Ano namang gagawin mo ro'n pres? 'Di ka naman mahilig gumala sa ibang room." dag-dag nito.

"May importante lang na sadya," maikli kong sagot at umalis na. Taas-noo akong naglalakad sa hallway ng building namin.

"Kends Well! Ang ganda mo!" Narinig kong sigaw ng isang estudyante. Nilingon ko ito at may nakita akong grupo ng kababaihan na nakatambay sa labas ng room nila. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang pintuan ng classroom. "GRADE 7 LILLY"

Kends Well? Is that because my name is Kendra Wella? Hays! Weird.

Binigyan ko lang ng maliit na ngiti ang babae saka ulit nagpatuloy sa paglalakad. Dumaan pa ako sa garden at sa malawak na ground ng school namin. Marami kasi ang estudyante kaya halos every grade level ay may kanya-kanyang building. Sobrang lawak ng HXU.

Nagkibit-balikat ako habang hinahanap ang room na sinasabi ni Kendrick. Dumungaw ako sa phone ko at tiningnan ang conversation naming dalawa. 8 Lavender daw ang section niya.

Wala naman sa first floor kaya sure akong nasa second floor ito.

Huminto ako sa tapat ng isang pintuan na may nakasulat na "GRADE 8 LAVENDER"

"Huy bata, bakit ka nandito? Anong pakay mo?" tanong ng lalaki. Hindi ko siya kilala and I don't have a plan get to know with this rude guy. Porket ganito yung height ko, bata na agad?! I'm already 12! Tsss.

"Where's Kendrick?" walang gana kong tanong.

Napatakip naman siya sa bibig niya. "Oh! Jowa ka ni Pres?! Sorry!" ani ng lalaki.

Palihim akong umirap, hindi nga ako nagkakamali. That Kendrick is their class president. And this guy is started getting into my nerves. Anong jowa? Atupagin niya kaya yung Florante at Laura nila? Tss.

"Pres! Andito ang jowa mo, hanap ka!" Sigaw ng lalaki.

Sobrang stress na ako dito sa labas, masakit pa yung paa ko dahil sa nilakad ko tapos idagdag mo pa itong lalaking naka-encounter ko. Mabagsak na lang ako kaysa magkajowa.

"Hala! May jowa si Pres?" Gulat na tanong ng kaklase nila at lumapit sa 'min.

"Hi!" saad nito at kumaway.

"Anong jowa?! Wala akong jowa, sumbong ko kayo sa mama ko e!" Narinig kong sigaw ni Kendrick mula sa loob. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at lumabas si Kendrick.

"Uh- Kendra! Hi!" Mukhang gulat na gulat pa ito nang makita ako.

I faked a smile. "Ito na yung bayad, salamat ulit." Inabot ko sa kanya ang isang hand-made small envelope kung saan nakalagay ang pera.

"Lah, nagbibiro lang naman ako. Huwag mo ng bayaran!" Ani Kendrick.

I sighed. "May meeting pa akong pupuntahan, huwag pabebe okay? Tanggapin mo na so that I can go now."

Nanlaki naman ang mga mata niya at kinuha ang envelope. "Kendra—"

"And by the way..." Hinarap ko ang dalawang kaklase niya na namamanghang nakamasid sa 'min.

"We're not dating. Hindi ko siya jowa, hindi niya ako jowa. Clear?" I didn't wait for their response. Agad na akong umalis sa lugar na 'yon.

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now