1ST.ONE - 146.

8 2 0
                                    

1ST.ONE - 146.

Kumagat na ang dilim nang huminto ang kotse ni Jayson sa isang malaking bahay. Maliwanag sa labas niyon at malamig ang paligid dahil sa malakas na ihip ng hangin. Tahimik sa paligid at maraming puno na nasa magkabilang gilid ng bahay. Huminto ang motorsiklo na minamaneho ni Ace sa tabi ng kotse.

Nagtabi ang dalawa habang nakatingin sa gate ng bahay na iyon.

"Ito ang unang bahay ni papa." May kinuha si Jayson sa bulsa ng suot na jacket at inabot iyon sa kaibigan. "Ingatan mo ang keychain na 'to na mayroong mga susi. May specific door bawat isa. Bumalik ka sa bahay namin bago ka pumunta ng airport para sa susing 'to."

Kinuha naman nito ang keychain na iyon at tumango. "Sige."

"Iiwanan na kita dito."

"Sige. Salamat ulit, Jayson."

"May mga alak sa ref. Bahala ka kung uubusin mo." Tumawa siya at bumalik sa kaniyang kotse. Kumaway siya bago tuluyang paandarin iyon palayo.

Habang nagmamaneho ay tumunog ang kaniyang cellphone. Gamit ang kanang kamay ay kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag ni Alpha.

"Hello?"

"Nandito na ako sa airport para sunduin si Jia."

"Mabuti kung gano'n. Salamat."

"Si Ace, kumusta? Kailan siya babalik?"

"Bukas ng gabi."

"Nasa'n siya?"

"Iniwan ko siya sa isa sa property ko. Nando'n siya sa unang bahay ni papa."

"E nasa'n ka ngayon?"

"Pauwi na. Hinihintay ako nila kuya."

"Okay, sige."

"Kaya mo ba siyang ihatid hanggang Laguna?"

"Sa bahay ni Tita Janine ba?"

"Oo."

"Okay lang. Kaya."

"Baka kasi hinihintay ka ni Yhena. Ayokong makaabala masyado."

"Nando'n siya sa bahay ng parents ko. Nagsabi naman ako sa kaniya. Isang pasalubong lang, okay na siya saka ang anak namin."

"Haha, sige. Inform me kapag nahatid mo na siya."

"Sige. Bye."

"Bye."

Tuluyan niyang ipinarada ang kaniyang kotse nang makarating sa kanilang bahay. Pagkababa ay sinalubong siya ni Venus.

"Venus.."

"How are you? Balita ko hinatid mo si Ace sa isa sa property mo."

"Ah, oo. Do'n na muna siya." Bumuntong-hininga siya at ngumiwi. "Kanina ka pa ba naghihintay?"

"Not really."

"Kumusta ka naman? Marami ba kayong napuntahan?" Marahan niyang niyakap ang dalaga at sabay silang naglakad papasok sa bahay. "Kumain ka na?"

"We're just waiting for you actually." Lumayo ang dalaga at kinuha ang basong may tubig sa dining area. Humarap ito sa kaniya. "We visited YTMEmpire. We also visited Lee Group of Companies. Ang yaman talaga ng pamilya mo."

Muli siyang ngumiwi. "How's your experience visiting the both companies?"

"Amazing. Extra-ordinary. Fantastic!" Halata ang pagkamangha sa mukha ni Venus. "I'm actually speechless. Bigla akong nahiya."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now