-01-

0 1 0
                                    

Dream guy,

One day, someone asked us.

"What kind of guy you like the most?"

Nagtilian muna kami bago nakasagot ng maayos. May nagtutulakan pa at nagaasaran.

"A-ako gusto ko ng mayaman tas ka age ko lang." Yemi's eyes lit up, imagining her dream boy.

"Ako naman wala. Simple lang yung lola's boy." Jina giggled.

"Ako yung seryoso sa acads tas marespeto-" napatigil si ericka ng tignan namin siya ng nakaloloko.

"Marespeto ba? Talaga?!" Sigaw ko.

"Ako kung ako tatanungin gusto ko ng guy na wattpader."

_____________________________________________________________________________^^_____________________

Chapter 1

  Semerah but call me Sem, A 1st year college student specifically BS Psych. Ito nga pala ang mga bestfriends kong bruha.

Si Yemi, Jina, Ericka. Since 1st year highschool pa kaming magkakaibigan. S'yempre di mawawala ang kalokohan sa'amin pero kahit medyo bruha tong' mga kaibigan ko, mababait sila at laging nandyan para sa'kin.

Nung high school pa lang kami mahilig kaming tumambay sa may cafeteria. Little did I know na may sinisimplehan na pala doon si Yemi. Hanggang sa nagusap na sila at nagkamabutihan, kami tuloy nadamay sa kanya.

"Hi..I'm yemi." Pagpapakilala niya dun sa lalaking 6ft, gwapo, maputi, Dean's lister na Law student, mayaman kaso masungit. Ito yung dream guy ni yemi.

Ang cold ng personality nung guy kaya madalas silang magaway ni Yemi pero kahit gano'n alam naming nagtatataguan lang ng feelings yung dalawa. 

Parang aso't pusa nga ang bonding nila.
"D'yan nagsimula lolo't lola ko." Sabi ko sa kanila.

Si Jina at Ericka naman magpinsan. Mas matanda nga lang si Jina kay Ericka. Lumaki sa lola si Jina kaya ang target niya yung mga guy na laking lola, dahil yung mga lalaking laki sa lola ay talagang mabait daw.

Hindi naman namin s'ya masisi nung nakahanap siya sa park. Shy type kasi yung mga laking lola.

Si Ericka naman gusto nya raw ng marespeto eh. Pero ang totoo mas gusto ng bad boy. Sa aming lahat si ericka yung pa iba iba ng gusto may good boy, funny, bad boy at kung ano ano nalang.

Hanggang sa nakahanap na siya ng dream guy niya na sakto sa lahat ng gusto niya sa isang lalaki.

Ako? Ako naman yung wala. Pa chill chill lang. Tamang scroll sa fb, eto ako yung laging third wheel sa kanila.

"Ba't kase ang taas taas ng standards mo?!" Sigaw sa'kin ni Yemi ng pabiro.

"Oo nga. Noon ikaw tong' todo pilit saming magkabf pero ikaw rin pala wala, bokya ka girl?" Ngumisi si Ericka at uminom ng juice niya. Nasa isang open park kami ngayon at sila as always kasama ang mga bf nila. Third wheel nanaman ako.

"Lika irereto kita Sem." Pang aalok ni Jina. Umayaw na lang ako dahil hindi ko naman type yung mga nirereto niya sa'akin eh.

Palagi nila akong pinipilit na maghanap na lang ng boyfriend kesa sa hintayin kong' ako yung mahanap. Hindi ako pumapayag dahil alam ko sa sarili ko na darating talaga yung para sa'akin ang kailangan ko lang ay maghintay.

Bilang wattpader, marami na akong nabasang stories na nagsasabing worth it lahat ng paghihintay dahil darating din yan sa tamang panahon. Hindi pilit o kung ano man wala pang mga luha at masaya pa dahil ang taong yun ang starting line ko at ang endgame ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Page Of Love,Where stories live. Discover now