1ST.ONE - 147.

7 2 0
                                    

1ST.ONE - 147.

Sumakay sina Alpha at Max sa likuran ng kotse ni Sam at tuluyang umalis. Sumunod  si Joker sa kanila at binilisan ang pagpapaandar ng kaniyang motorsiklo. Magkasunod na pumarada ang kotse at motorsiklo sa parking lot ng bar na iyon. Sa tansya ng binata ay marami na ang tao sa loob ng bar dahil sa ingay na nagmumula sa loob niyon.

Naunang pumasok sa bar sina Sam at Ace. Tuluyang dumating sa J at bumaba sa kaniyang motorsiklo.

"Anong plano at nagyaya ka?" Ngumisi si Alpha.

"Ano ba kayo?" Tumawa ang binata. "May plano ako, guys."

"Ano.naman 'yan, Philip?" tanong ni J.

"Oo nga? Ano ba 'yon?" tanong ni Max.

"Kailangan malasing si Ace para magkwento siya." Ngumisi ang binata sa mga kaibigan. "Pero feeling ko kusa siyang maglalasing."

"'Si Val John, malalasing? Sus!" sabi ni Alpha. "Sanay na 'yon sa inuman!"

"Hindi ba kayo curious kung ano ba talaga ang dahilan ng nangyari sa kanila ni Jia?"

"Bahala na mamaya," sabi ni Max. "Mag-enjoy na lang tayo."

"Sabagay," sabi ni J. "Kaka-messagw lang ni Renlie. Nag-e-enjoy na nga sila."

"E di dapat gano'n din tayo!" Inakbayan ng binata si J. "Tara!"

"Tara, Philip!"

"Tara, Jesper!"

"Mauna na nga kayo," natatawang sabi ni Alpha.

"Sino manlilibre?" tanong ni Max. Tuluyan silang nakapasok sa bar at hinanap sina Ace at Sam na nasa dulo malapit sa isang entablado. "Bakit tayo nandito? Ayaw niyo sa kabilang side?"

"Ang daming babae," sabi ni Ace. "Ayaw ni Sam do'n."

"Ay, loyal," natatawang sabi ni Alpha. "Tingnan niyo oh, nakatingin sila sa table natin."

"Hayaan niyo." Tumawa ang binata. "May manlilibre ba or may contribution tayo?"

"It's my treat," sabi ni Sam. "Let's enjoy this night."

"Ay, sige!" sabi ni J. "Gusto ko 'yan!"

"G na agad." Ngumisi si Ace. "Shall we order?"

"Ikaw na, Ace," sabi ni Max.

"Our usual order?"

"Recommend me your favorite drinks that I should try." Ipinagkrus ni Sam ang mga braso at sumandal sa kinauupuan. "Order anything you want but I have this one request. We'll go home without being touched by any bar girls, okay? Sige kayo, baka magkatampuhan kayo with your girlfriends."

"Matino kaya kami," sabi ni J. "We're responsible!"

"We're responsible except kay Jonas." Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Ace. "Mahilig 'yan sa bar girls. Hindi na nakakapagtaka 'yon."

"Loko!" Sumama ang mukha ni Alpha at kalauna'y tumawa. "Baka ikaw na ngayon ang mahihilig sa bar girls? Single ka na ulit, e!"

"I don't want to entertain anyone." Tuluyang tumalikod ang kaibigan at naglakad palapit sa bar area.

"Hayaan niyo," sabi ni Max. "Kumusta ka, Sam?"

"Each day, I keep on discovering something about myself and people around me," aniya. "Feeling ko babalik din ang mga dapat kong maalala sa tamang panahon."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now