Part 6: Marriage

50 3 0
                                    

Tumikhim ako at lumapit kay Isaiah. "Hi, Isaiah!" kumaway ako at nang makita niya ako ay ngumiti siya at kumaway pabalik.

"What's your name again?" tanong niya. Ouch 'di ako kilala ng crush ko.

"Kendra," sagot ko. "Magkasama tayo sa meeting kanina! I'm the class president of grade 7 Daisy." I smiled.

"Oh! I see, naalala ko na. Anong bibilhin mo?" tanong niya. Kinilig naman ako, kasi why not?

Tumikhim ako, "Ingredients for pancakes," sagot ko.

Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. "So, you can bake?" natutuwa niyang tanong. Mukhang mahilig din siyang kumain ng pancakes?

Kahit hindi naman talaga ako maalam mag-bake ay bigla akong napatango.

"Wow, that's good then! Can I taste it?" tanong niya.

"Ahm-sure! I'll bring some tomorrow or in another day."

Ngumiti ulit siya. Namangha naman ako sa ganda ng linya ng mga ngipin niya. "Looking forward for it."

"Sige, i-ikaw? Anong binili mo?" tanong ko.

"Pang midnight snacks lang, nautusan ako ng pinsan ko. Nga pala, gusto mong tulungan na kitang mamili ng mga ingredients? May alam din ako, kaunti nga lang." Ani Isaiah.

Mabilis akong tumango. Syempre crush ko 'to, sinong aayaw?

"Sure!"

After namin namili ay sabay rin kaming lumabas sa store. Tinuro ko kung saan nakapark ang kotse namin. "Una na ako, Isaiah. Salamat sa pagsama," I smiled widely and waved my hand.

Tumango lang siya at nagpaalam na rin. Ilang hakbang pa lang ang ginawa ko ay tinawag niya ako. "Kendra!"

Lumingon ako. "Yes?!" sigaw ko pabalik.

"Call me kuya Isaiah!" Ani Isaiah at sumakay sa kotse nila.

Ngumuso naman ako at pumasok na rin sa kotse namin. Padabog kong nilapag ang mga pinamili sa likuran.

"Oh, anong problema iha?" Nag-aalalang tanong ni manong Iscar.

Nagkibit balikat ako, "Kikiligin na sana ako manong eh! Kaso kapatid lang ata ang turing sa 'kin!" naiiyak kong saad at madramang sumandal sa upuan.

Mahinang tumawa si manong saka pinaandar ang kotse. Nakanguso naman akong tumingin sa labas. Ano ba 'yan! Kinilig na ako pero little sister treatment pala 'yon.

Kinagat ko ang ibabang labi. Bahala na! At least kinilig.

Pagkarating namin sa bahay ay kinuha ko na lahat ng gamit. Yung tumbler, bag ko, at mga pinamili. Dumiritso ako sa kitchen at binigay kay manang ang mga pinamili ko.

Hindi pa raw nakauwi sina mommy kaya sa kanya ko na lang binigay.

To mommy:
[Binigay ko na po kay manang ang mga binili ko mommy, nasa kwarto lang po ako.]

Mommy:
[Pauwi na kami ng daddy mo.]

Nilapag ko ang tumbler sa mesa at tumakbo papasok sa kuwarto. Ginawa ko na ang routine ko at nang matapos ay nag-open ulit ako ng Facebook.

Hindi ko na pinansin ang mga nag-message dahil agad akong pumunta sa search bar para i-search ang name ni Isaiah.

After I searched his name, I added him as my Facebook friend. Hihintayin ko na lang na i-accept niya ako dahil busy rin siguro 'yun.

Humiga ako sa kama at madramang gumiling-giling.

"Call me kuyaaaa!!" Pag-ulit ko sa sinabi ni Isaiah.

Kuya ang nais. Hays.

Natigil lang ako sa pagda-drama nang may kumatok kaya pinagbuksan ko ito. "I miss youu!" Niyakap ako ni Ate.

"Ouch!" reklamo ko.

"Hey! You're so OA na ha!" Ani ate Elijah at kiniliti ako.

"Stop!" I laughed so hard. Huminto naman siya sa pagkiliti sa 'kin at nagkibit balikat.

"Kasama mo si kuya?" tanong ko.

"No, mamaya siguro uuwi rin 'yon. Himala kasi si mommy, ipagluluto niya raw tayo."

"Nagpabili nga sa 'kin ng ingredients for pancakes e" tugon ko.

"Gosh, Anong nakain no'n? But okay, she's being sweet." wika ni ate.

"Minsan lang naman 'yon may time sa 'tin kaya pagbigyan na. Anyway, how was your work?" tanong ko.

Inakbayan niya ako at lumabas kaming dalawa sa kuwarto. "Hindi ko alam kung saan ako nagmana, pero bakit ang matured n'yong dalawa ni Neil?" Tukoy niya kay kuya. "Tapos ako lang ata ang naiba!" reklamo niya. Tumawa lang ako. "Anyway, ayos lang ang work ko. Nakaka-inspire maging kangkong, kidding!"

Nadatnan namin si mommy at daddy na kararating lang. We kissed their cheeks.

"How was your work, Elijah?" tanong ni daddy habang hinuhubad ang suit niya.

"Ikaw, Kendra. Kumusta ang pag-aaral?"

"Goods," sagot ko.

Si mommy naman ay naghuhubad ng heels niya at nagpalit ng tsinelas.

"Just wait here and I'll be the one who'll cook for our dinner!"

Natawa kaming tatlo. Si mom naman ay nagtungo na sa kitchen namin.

"Ayos naman ang work ko, dad. I don't have any problem with my co-workers there, since they're very friendly. Nga pala may invitation ako rito." May kinuha siya sa sling bag niya.

"Kasal?" tanong ko habang nakatingin sa invitation.

"Yup! Pupunta tayong lahat, okay?" Mataray na sagot ni ate.

"Sino ang ikakasal?" tanong ni daddy.

"Sina Sheryn at Kyle po." May halong inggit sa boses ni ate.

Ngumisi ako. "Gusto mo ring magpakasal ate?" tanong ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni ate Elijah.

"Grabe ka!"

"Your ate Elijah will getting married din, Kendra. We're looking forward for it." sagot ni daddy.

Ngumuso si ate Elijah. "Ayoko nga po daddy..."

Nagkagat labi ako at nagpigil ng ngisi. Mukhang mapapasabak 'tong si ate sa arrange marriage ah?
Sino kayang groom?

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now