1ST.ONE - 148.

8 2 0
                                    

1ST.ONE - 148.

"A-Aray.." Bumuntong-hininga si Ace at hinawakan ang kaniyang ulo. "Anong oras na ba?"

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa at napabalikwas dahil sa gulat. "Max? Danna?"

"Akala mo umalis na kami?" tanong ni Marina na nasa kusina. "Pumunta si Max sa bahay ng parents niya at babalik siya mamaya dito. We'll go before lunch time."

"E a-anong oras na?"

"09:45 in the morning."

Hindi na nagsalita ang binata at dumiretso paakyat ng hagdanan. Dumiretso siya sa dulong kwarto at kaagad na pumasok.

"Hmm.." Ngumiti si Marina. "Magugustuhan kaya 'to ni Ace? Siguro kung sila pa ni Jia hanggang ngayon, hindi ako manghuhula patungkol sa panlasa niya. Siguradong si Jia ang nakakaalam no'n."

Inilagay niya sa dalawang mangkok ang inilutong lugaw. Mayroon iyong itlog at karne na hiniwa sa maliit na mga piraso. Inayos niya ang dining table at inilagay doon ang dalawang mangkok, kutsara at baso. Tuluyan siyang umupo sa kaniyang upuan pagkalipas ng ilang minuto.

Nakita niya si Ace na bumaba ng hagdanan at nakasuot ito ng red hoodie at black pants. Sa tansya ng dalaga ay handa nang umalis ang binata. Sumenyas siyang umupo ito sa kaharap na upuan at umupo naman ito.

"Kumain ka."

"Salamat." Ngumiti ang binata. "Tayo lang pala ang nandito."

"May pinuntahan sina Tita Ging at Jodie. Si papa, nando'n sa clinic niya." Nagsimula siyang ngumuya. "Okay lang ba ang lasa? Masarap naman?"

"Oo. Salamat dito."

"Walang anuman."

Dahil sa naunang natapos sa pagkain ay naging abala siya sa kaniyang kwarto. Pagkatapos maligo ay kaagad siyang humarap sa kaniyang body mirror. Pagkasuot ng sleeveless black long dress na mayroong tatlong butones sa bandang dibdib ay kinuha niya ang blower at sinumulang ayusin ang kaniyang mahabang buhok. Pagkatapos niyon ay itinali niya ang kaniyang buhok in high ponytail at inayos ang mga hibla ng buhok na nasa kaniyang noo.

'Ano bang trip ko at nagkaroon ako ng bangs? In fairness, bagay naman sa'kin.'

Naglagay siya ng polbo sa mukha at lipstick sa labi. Muli siyang tumingin sa body mirror at kinuha ang kaniyang white sandals. Ilang sandali ang lumipas ay tuluyan siyang naglakad palabas ng kwartong iyon pagkakuha ng kaniyang bag. Pagkababa ng hagdanan ay nakita niya sina Max at Ace na nasa living area.

"Hindi naman kayo nag-usap tungkol sa kulay ng damit." Nagtawanan sila dahil sa sinabing iyon ni Ace. "Tara na?"

"Bagay sa'yo ang sleeveless dress." Lumapit sa kaniya si Max at marahang niyakap sa bewang.

"Alam ko." Ngumiti siya. "Pero alam mo, mas bagay tayo."

"Ehem." Bahagyang umubo si Ace at ngumuso. "Umalis na tayo." Pagkasara ng pinto ng bahay at dumiretso ito sa kaniyang kotse.

"Dito kami sa likod," sabi ni Max at inalalayan si Marina na makapasok sa kotse.

"Salamat."  Ngumiti si Marina.

Ibinalik ng binata ang ngiting iyon.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay abala ang dalaga sa kaniyang cellphone. Nagsimula iyong tumunog kaya kaagad niyang sinagot ang tawag ni Jia.

"Hello?"

"Pabalik ka na ba?"

"Nasa byahe na kami."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon